Eugene Domingo on competition among MMFF entries: “I don’t see it as a competition. I see it na nakiki-fiesta ako.”

Bagamat masaya siya kahit walang lovelife, hindi itinatanggi ni Eugene Domingo na nangangailangan din siya ng lalaking mamahalin. Sabi niya, "At the end of the day, ika nga, after mong magtrabaho, mag-deliver ng mga goods, tao ka pa rin, di ba? Kailangan mo pa rin ng pagmamahal."


Walang kaba si Eugene Domingo sa haharapin niyang kumpetisyon sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013.

Bagamat nagkaroon na siya ng entries noon sa MMFF, ito ang unang pagkakataon na siya mismo ang bida sa pelikula.

Si Uge ang bida sa Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel ng Spring Films.

Matunog namang makakatunggali ng pelikula ni Uge sa MMFF ngayong taon ang Girl Boy Bakla Tomboy ni Vice Ganda; at My Little Bossings nina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon, Bimby Yap, at Kris Aquino.

Pare-parehong comedy ang tema ng tatlong pelikulang ito.

Ang iba pang entries ay ang action films na 10,000 Hours starring Robin Padilla at Boy Golden starring ER Ejercito and KC Concepcion; ang horror film na Pagpag: Siyam Na Buhay starring Kathryn Bernardo and Daniel Padilla; ang historical drama na Pedro Calungsod: Batang Martir starring Rocco Nacino; at ang musical na Kaleidescope World starring Sef Cadayona and Yassi Pressman.

Sabi ni Eugene, “I don’t see it as a competition. I see it na nakiki-fiesta ako.

“Kasi ang natutunan ko, huwag ka nang kabahan.

“Nakakapagod na ngang mag-shooting, tapos kakabahan ka pa, di ba? So, dadagdagan mo lang stress mo.

“Ang sa akin lang, when Direk Chris Martinez said that he’s very happy about the scenes that we already finished, and also our producers, tuwang-tuwa sila, tapos masaya yung cast, wala na akong dapat ikaba.

“Importante sa akin na yung mga katrabaho ko ay confident sa aming ipapalabas.”

Sa binitiwan niyang pahayag, itinataya raw ni Uge ang pangalan niya sa pelikulang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel.

Saad ng 42-year-old actress, “Because we’re not making you laugh, we are really trying to make a good movie by telling you a story.

“And bumubuo kami ng characters at gusto naming magsabi ng kuwento, na sa palagay namin ay may aral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At bukod doon, pinagbubuti doon ang disenyo at craftsmanship.

"We’re trying our best to uplift, in a way, our comedy.

“Because I believe in it, I believe in the director, I believe in the cast.

“If you have faith, that’s enough for you to say, ‘Please agree with me,’ because I know you will agree with me.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eugene sa presscon ng Kimmy Dora noong Lunes, December 2, sa Plaza Ibarra, Timog Avenue, Quezon City.



OUT OF THE COMPETITION. Dalawang official entries ang nabakbak sa listahan ng taunang film estival nang mag-backout ang mga ito.

Kasali sana ang My Super Kap ni Senator Bong Revilla Jr. at ang movie version ng ABS-CBN daytime series na Be Careful With My Heart.

Nakahinga ba nang maluwag si Eugene dahil lumaki ang chance ng Kimmy Dora sa box-office nang mawala ang dalawang potential hit movies?

Baling niya sa press, “Actually, ‘yan naman talaga ang tumatakbong usapan noong nakikiramdam kayo, ano?"

Pero sabi rin ng aktres, “Nandoon pa ba yung pelikulang ganoon?

“Kasi nakini-kinita mo na kung gaano kalawak yung audience na sasakupin, di ba?

“Kahit nga sa mga sinehan, ‘Ilang sinehan kaya ang makukuha nila?’

“Yung mga ganoong business, that’s a fact at hindi ‘yan bluff, it’s really business ang show business.

“Kailangang kumikita, hindi nilalangaw. Kung hindi, walang kikitain.

“Alangan namang gumastos ka nang gumastos?

“So, pag nagkakaroon ng, ‘Eto na lang ang mga pelikula… ay naku, may chance tayo!’

“Pero hindi naman ibig sabihin na kaya sila nawala ay dahil hindi sila maganda.

“It’s just that na sa susunod naman na fiesta.”


CHRISTMAS JOY. Isa pa sa inaasam ni Uge na mangyari sa movie festival at ngayong Pasko ay maging masaya ang lahat.

Sabi niya, “Yun ang hinihintay natin na sana lahat sumaya, sana ganado ang lahat na manood ng sine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m not only talking about Kimmy Dora, pero lahat ng Tagalog movies in general.

“Because I did six movies this year, at alam ko lahat ng estado ng Pinoy moviegoers—you really cannot predict.

“Right now, Kimmy Dora is not really formulaic, ika nga, but I believe in it.”



MMFF PARADE. Sigurado na rin ang pagdalo ni Uge sa parada, pero hindi na siya umaasang mananalo ang kanilang float.

T-shirt lang daw ng Kimmy Dora ang isusuot nila dahil kailangan talaga nilang i-promote nang husto ang kanilang pelikula.

Tiniyak na rin ng comedienne na dadalo siya sa awards night dahil kailangan ito sa agreement ng film entries sa MMFF 2013.

Gusto na rin niyang magpasalamat sa chance na ibinigay sa kanila na mapasali sa festival.

Nabanggit din ni Uge na huli na ang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel at hindi na siya gagawa ng panibagong installment nito.

“Hindi na kaya ng leeg ko, masyado na gumanun!” sabay muwestra niya sa hitsura ng character ni Dora.

Dagdag niya, “I believe na marami pang ibang material, kailangan naman natin ng ibang pa-franchise ulit, di ba?

“Mag-iisip uli tayo ng ibang character na uulit-ulitin at kakatuwaan.”

THE YEAR AHEAD. Ngayong papasok ang 2014, may mga pagbabago raw na gagawin si Uge sa kanyang karera.

Saad niya, “2014, I will be working really, maybe midyear na, so I will be resting for six months.

“I will just concentrate on Celebrity Bluff na number one every Saturday night,” pagtukoy niya sa kanyang celebrity game show sa GMA.

Hindi raw siya gagawa ng pelikula sa susunod na taon dahil sa indie film niyang ginawa.

Paliwanag niya, “Not yet, because I’m going to promote Barber’s Tale."

Noong October ay nasungkit ni Uge ang Best Actress award sa 26th Tokyo International Film Festival para sa Barber’s Tale.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa palagay ba ni Uge ay naungusan na niya ang kaibigang si Ai-Ai delas Alas sa comedy dahil sa international recognition na nakuha niya?

Sagot niya, “Kasi yung napanalunan ko naman sa Asia at France, hindi naman siya komeding-comedy.

“Para siyang… drama nga yung Kuwentong Barbero.

“Saka magkaiba kami, e, hindi kami pareho... nagko-concert siya... iba, iba talaga. Hindi tama yung term na ungusan.

“In fact, nangunguna siyang nagku-congratulate sa akin anytime.

"Actually, kinakalma niya ako.”

PEACE AND QUIET. Ibinahagi ng komedyante na may pinupuntahan siyang villa sa may Batangas City.

Kuwento ni Uge, “I’m officially a farmer, dahil regular akong pumupunta doon, kasi nakakalma, napaka-peaceful.

“Alam mo naman kung gaano kaingay itong industriya natin.

“Pag nandoon ako, I can talk to myself, I can talk to the trees… yung back to basics?

"And then you can pray, you can write.

“Whenever I have a free time, pumunta ako doon. So, this Christmas, baka doon ako.”

Ibig sabihin, hindi siya lalabas ng Pilipinas na nakagawian niya tuwing holiday season?

Sabiniya, “Kasi aalis ako next week para sa Dubai International Film Festival for Instant Mommy.

“Medyo may detour nang kaunti bago bumalik.

“Dito ako sa Pasko, manonood kami ng Kimmy Dora sa first screening sa Glorietta at magmu-mall tour ako."

HUMBLE TRAIL. Ilan si Uge sa katangi-tanging artistang babae na umangat ang acting career mula sa pagiging isang extra.

Nagsimula siyang lumabas sa minor roles sa mga pelikula ng Regal Films noon.

Pero ngayon, mas abala siya sa mga sinusuportahan niyang artista noon na hindi na masyadong visible ngayon.

Komento niya tungkol dito, “At the end of the day, sa kanila pa rin matututo, e.

"Wala ito sa usapang sikat o hindi sikat, e.

“Ang usapan diyan, karapat-dapat ka bang sumunod sa yapak nila?

“Paano mo aalagaan yung industry na minsan ay inalagaan din nila, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kung anuman yung makikita ng susunod naman sa akin, kailangan galingan din niya sa akin.

“Ganoon lang naman ‘yan, pasa-pasa lang ‘yan, kanya-kanyang panahon.

“Hindi naman ibig sabihin na magaling ka ngayon, ikaw na habang buhay.”

Nakaramdam ba siya ng pagmamaltrato o hindi magandang treatment mula sa mga artistang sinuportahan niya noon?

At dahil sa estado niya ngayon bilang malaking artista na, iba na ba ang pagkilala at trato sa kanya?

Umiling at ngumiti muna si Uge saka sinabing, “Never, never, never.

“Lagi akong nagpupunta sa mga grupo ng mga masasayahin at saka mapagbigay.

“Ang suwerte ko, kasi lahat ng mga artistang nakasama ko, big stars man ‘ika nga, character actors man… lahat mapagbigay.

“Ganoon ang natutunan ko at ganoon din ang ituturo ko.”

LOVELIFE. Magkakaroon na ba siya ng lovelife next year?

“Kaya nga tayo magbibigay ng panahon, di ba?” sagot ni Uge.

Wala ba talagang nanliligaw sa kanya?

“Wala, ililihim ko ba ‘yan?”

Pero masaya pa rin ang buhay kahit walang lovelife?

“Oo, pero at the end of the day, ika nga, after mong magtrabaho, mag-deliver ng mga goods, tao ka pa rin, di ba?

"Kailangan mo pa rin ng pagmamahal."

Hamon pa niya: “Iharap ninyo sa akin ang hindi nangangailangan ng… iharap ninyo sa akin!”

Gusto ba niya talagang ma-in love?

“Aba siyempre, kayo nga gusto ninyo, di ba?” sagot niya.

Kapag nakikita ni Uge si Sam Milby at iba pang mga naging leading men niya, ano kanyang naiisip?

“’Yan din ang tinatanong ko sa kanila, kapag nakakakita sila ng ganito, ano yung pumapasok sa isip nila?

“Iniisip ko pag naglalakad sila diyan sa harap ko, masarap kayang boyfriend ito?”

May naging experience na ba siya sa mga heartthrob o hunk na gaya nina Dingdong Dantes, Zanjoe Marudo, Diether Ocampo, at Sam Milby?

Sila ang mga naging leading men ni Uge sa mga nauna niyang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka makatikim pa lang!” sabay tawa niya nang malakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN