Vice Ganda to Anne Curtis: “You have to be strong.”

“Kung meron akong kinakainisan ngayon ay yung sobra-sobra namang panghuhusga. Ako, alam kong nagkamali si Anne Curtis. At si Anne Curtis naman ay alam niyang nagkamali siya, aminado siya, kaya nga humingi na nga ng tawad..." pahayg ni Vice Ganda tungkol sa mga nanghuhusga ngayon sa kaibigan niyang si Anne Curtis.


“Masakit ’yan, sobrang hirap ’yan. Sobrang bigat, sobrang stressful, masakit sa ulo. Wala ka nang magagawa.”

Ito raw ang sinabi ni Vice Ganda sa matalik niyang kaibigang si Anne Curtis tungkol sa kinakaharap na kontrobersiya ng aktres.

Ito ay kaugnay ng pananampal ni Anne nang siya ay malasing sa isang luxury bar noong madaling-araw ng November 23.

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all in the same day

Kinabukasan, December 2, agad namang nagpakita ng suporta ang mga kasamahan ni Anne sa noontime program na It’s Showtime.

Kabilang na rito si Vice, na hindi dapat papasok sa show, pero sumugod sa ABS-CBN dahil aniya, “I need to be there for a friend.”

Read: Vice Ganda, Luis Manzano stand by Anne Curtis amidst controversy: "We are all here behind you."

Sa press conference ng Metro Manila Film Festival 2013 entry na Girl Boy Bakla Tomboy kagabi, December 4, ipinaliwanag ni Vice ang pagsugod niya sa ABS-CBN upang damayan si Anne.

Sabi ng comedian-TV host, “Kahit hindi niya sabihin, alam natin na nasasaktan yung tao.

“Alam na alam ko yung pakiramdam na ‘yan, kasi nanggaling na din ako diyan.

“Sabi ko, bakla na ako, matapang na ako, pero iniyakan ko ‘yan, naiyak ako sa mga sinabi sa akin.

“Sa mga panghuhusga na ibinigay sa akin, sa mga nabasa na sobra-sobra tungkol sa akin.

“Lalo na kung babae ka, malambot ka at hindi ka sanay sa ganyan.

“Alam ko kung gaano kasakit ‘yan kaya sabi ko, ‘I have to be here for you.’”

Matatandaang humarap din si Vice sa isang kontrobersiya ngayong taon.

Umani siya ng batikos dahil sa ginawa niyang biro sa GMA news anchor na si Jessica Soho sa concert niya noong Mayo sa Araneta Coliseum.

Read: Vice Ganda apologizes to Jessica Soho

“YOU HAVE TO BE STRONG.” Bagamat todo ang suportang nakukuha ni Anne mula sa kanyang mga kaibigan, pinaalalahanan din ni Vice ang aktres na kailangan nitong maging matatag sa isyung ito, lalo na sa magiging opinyon ng publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi raw ni Vice kay Anne: “No amount of support ang manggagaling sa amin or kung kanino man na tao ang nagmamahal sa iyo ang makakapagpagaan niyan.

“Sabi ko sa kanya na, ‘Ako, hindi ko kini-claim na ako ay relihiyoso, hindi ako pala-samba, at marami akong palya.

"’Pero napasimba ako dahil wala na akong puwedeng takbuhan kundi ang Diyos na lang.

“’Ikaw, ang magagawa mo na lang ay umiyak, magdasal, at maghintay na tapos na ito.

“’Hindi ito matatapos bukas, next week, agad-agad, pero matatapos ito.

"’That’s why you have to be strong.’"

Mas maigi rin daw kung ituon ni Anne ang pansin sa trabaho sa halip na magbakasyon.

Ayon kay Vice, “Kahit anong gawin niya ngayon, huhusgahan siya ng tao.

“Gumawa siya ng tama, huhusgahan.

“Gumawa siya ng isa pang mali, huhusgahan.

“Kaya ang tama niyang gawin ay magtrabaho siya, habang nalilibang siya, kumikita siya.

“Keep yourself busy and gawin mo ang trabahong ibinigay sa iyo.

“Huwag mong i-prioritize yung sakit.

"Hindi ko puwedeng sabihin na huwag niyang ramdamin kasi mararamdaman niya yun, huwag niya lang i-prioritize.”



“NAGKAMALI SI ANNE.” Dahil malapit siya kay Anne, natanong si Vice kung nakaramdam siya ng galit para kay Anne sa taong sinasabi ng aktres nag-udyok sa kanyang gawin ang inasal niya sa Privé Luxury Club.

Read: Anne Curtis: "I’m just like any other person that makes mistakes in life."

Sagot ni Vice, “Unang-una, hindi naman ako puwedeng magalit, kasi wala naman siyang ginawang direkta sa akin.

“Bakit ko naman huhusgahan ang ginawa niya? Hindi ako nainis sa kahit kanino man.”

Gayunman, hindi itinanggi ni Vice ang pagkadismaya niya sa mga nanghuhusga sa kanyang kaibigan.

“Kung meron akong kinakainisan ngayon ay yung sobra-sobra namang panghuhusga.

“Ako, alam kong nagkamali si Anne Curtis.

“At si Anne Curtis naman ay alam niyang nagkamali siya, aminado siya, kaya nga humingi na nga ng tawad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko sa kanya, ‘Hindi natin mapipigilan ang publiko kung ano ang gusto nilang sabihin, pero tatagan mo na lang ang loob mo.”



HOW IS ANNE COPING? Sa huli, kinumusta ng press kay Vice kung paano sinusubukan ni Anne na malagpasan ang kontrobersiyang ito.

Sabi ni Vice, “Pinipilit niyang huwag magbasa ng Twitter, pinipilit niyang magtrabaho nang matiwasay.

“Nakikita ninyo naman na pumapasok pa rin sa Showtime.

“Ginagawa niya ang lahat at hindi siya nagpapaapekto.

“Although naapektuhan siya, pinipilit niyang maging professional sa lahat.

“I think she’s doing a good job na buo pa rin siya.

“Buong-buo ang pamilya niya.

"And kaming pamilya niya sa Showtime, hindi namin siya binibitawan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN