Heart Evangelista on settling down: "I’m not gonna follow my contract... I’ll follow my heart!"

Dahil sa sunud-sunod na mga kalamidad na nangyayari sa Pilipinas, hindi na raw hihiling pa ang aktres na si Heart Evangelista ngayong Kapaskuhan. Paliwanag niya, "Parang at this point, I don’t really want to ask for anything else because how selfish naman I’ll be if I ask pa with everything that’s happening."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart Evangelista sa taping ng GMA afternoon soap na Magkano Ba Ang Pag-ibig, sa Sta. Cruz, Laguna, kahapon, December 4.

Dahil malapit na ang Pasko at Bagong Taon ay tungkol muna rito ang pinag-usapan namin.

Ano ang Christmas wish niya?

“Oh, my gosh! Siguro, that everything will just fall into place sooner,” sagot ni Heart.

Isa na raw dito ang pagbangon nang tuluyan ng mga lugar na nasalanta ng bagyong Yolanda.

“Because parang there’s so much going on, and it’s been more than three weeks, and parang I feel that there’s still nothing going on there.

“So, nakakaawa pa yun, tapos parang nakakalimutan na ang mga iba pang nangyayari sa bansa natin.

“So, I guess, parang ganun.”

Sa personal life naman niya?

Sabi ng 28-year-old actress, “With my personal life naman, I think I’m okay naman.

“I don’t wanna complain so much with... I mean, nobody’s life is perfect.

“And parang at this point, I don’t really want to ask for anything else because how selfish naman I’ll be if I ask pa with everything that’s happening.”

Kasama ba sa wish niya ngayong Pasko ang magkasundo na sila ng kanyang inang si Cecile Ongpauco?

Sagot ni Heart, “Actually, yes, of course, it’s always part of it.

“Dapat… it’s different kasi if you speak for... just to speak.

“But I’d really rather it take more time, na when we speak, it’s really okay.

“Na wala talagang anything underneath it or parang may plan or something.”

Na hindi pilit?

“Oo. Mas gusto ko na yung ganun kesa yung baka mag-usap kami na all of a sudden, tapos may mangyari ulit.

“So, parang really, at this point, it’s just… I’m not really anymore as bothered, but it’s still part of my prayer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi ko siya pinipilit.

“Kasi ako naman din, personally, parang I feel like I’m not ready.”

CHRISTMAS WITH CHIZ. Magkasama raw sila ng kasintahan niyang si Senator Chiz Escudero na magdiriwang ng Pasko ngayong taon.

“Yes. Actually, I don’t know yet [kung saan], pero dito rin [sa Pilipinas] ‘coz I have work.”

May naiisip na ba siyang regalo para kay Senator Chiz? Hindi ba mahirap regaluhan ang isang senador?

Ayon kay Heart, “Actually, hindi ko alam kung ano ireregalo ko sa kanya.

“Ang hirap-hirap niyang regaluhan, e.

“Kasi, hindi mo naman siya puwedeng regaluhan ng mahal, kasi medyo naiilang siyang magsuot ng mahal.

“Nakakahiya namang regaluhan siya ng ano, ng mura... so hindi ko talaga alam.

“Actually, hindi ko pa nabibili yung regalo.”

Something personal, like painting?

“Binigyan ko na siya ng painting, nasa office niya na.

“Sabi ko nga, hindi ba puwedeng bumawi na lang ako sa Valentine’s Day kasi talagang wala akong maisip.

“Mahilig kasi ako sa mga abubot.”

Si Senator?

“In fairness, ano siya, yung last gift niya sa akin was a thick book.

“Yung blank white pages, pinuno niya ng letter para sa akin yung buong book—handwritten.

“Makapal yung book, natapos kong basahin sa isang upuan.

“Ang dami nun, back and forth.

“Pero may mga tatlong page na dinaya niya, siguro hindi na niya maisip.

“Isinulat niya, malaking ’I ♥ You.’

“May mga ganun na siya, fillers, naubusan na siya!” natatawang kuwento ni Heart.



NEW YEAR’S RESOLUTION. Ano naman ang New Year’s resolution ni Heart para sa 2014?

Sabi ng Kapuso actress, “I think, siguro, still to become a better person in everything, you know.

“Non-stop naman yung journey na yun of becoming better.

“Lahat naman tayo, we all have our bad side.

“And as time goes by, you want to keep getting better and better.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro iyon lang.”

Gusto rin daw maging healthier ni Heart sa 2014.

“Kasi dati, when you’re younger, parang puyat-puyat, tapos gigimik kayo ng mga kaibigan mo.

“Parang you don’t really think about your health, or you don’t take regular check-ups, ganyan.

“Ngayon, medyo parang dun na ako sa health, especially sa aming mga girls.

“Not necessarily to be thinner but to be healthier.”

May nai-share si Heart sa amin tungkol sa kanyang kalusugan.

“You should do this life science.

“They’re gonna get your blood, and then it will tell you which exact food makes you fat or bloat, that will cause you migraine, ganyan.

“I’m about to do it pa lang.”

Kahit na napakaseksi na niya?

“Just to be more healthy, not necessarily to lose weight.

“Kasi, I always get migraine, e, so it will help.

“Tapos ako, diet ako nang diet, so sometimes I don’t know if I’m healthy or not.

“Nagiging sakitin ako, so if I do that, at least I can eat normally.

“But I know it’s good for me. Kasi yung mga iba, puwede ka pala kumain ng kanin.

“So, I really need to do that.”



WEDDING IN 2014? May plano na ba silang magpakasal ng boyfriend niyang si Senator Chiz Escudero sa 2014?

Sagot ni Heart, “Actually kasi, it’s very tempting, e, you know, to get married and everything.

“But it defeats the purpose of wanting to be independent and everything.

“Parang lumayo lang ako sa parents ko to get married?

“I kinda need to do certain things, especially now, you know, there’s so much going on.

“But if it comes, it comes.

“If he asks, I’ll go and I’ll tell… i-Instagram ko na agad ’yan!” at tumawa si Heart.

Pero kahit anong oras o kahit kailan daw siya yayain ni Senator Chiz na magpakasal ay papayag si Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes! But if ano, kung wala, okay lang din wala.

“But you know, I mean we talk about it.

“But it’s just parang… I have so much to do, sayang naman.

“Parang itong two years ko with GMA, parang I need to work, I’d save my money.

“And then that’s when siguro… and then, you know, I’ll see what happens after that.

“But, as of now, I’m not yet there.”

Wala naman daw naka-stipulate sa kontrata niya sa GMA na bawal siyang mag-asawa.

“But if ever, I’m not gonna follow my contract!” tawa na naman ni Heart.

“No, I’ll follow my heart!

“Hindi, no, but I don’t think so… I don’t think so.

“Even, like getting pregnant, parang it shouldn’t be anything bad. I think it’s a blessing.

“A lot of people want to have babies but they can’t have babies.

“They spend millions to get injection just to have a baby, you have to go to Singapore and everything.

“Ako, if you get pregnant, you get pregnant, what can you do?”

DREAM WEDDING. Ano ba ang dream wedding ni Heart?

Sabi niya, “I just don’t know how I’ll get married or where I’ll get married.

"Kasi biglang, ‘Hindi puwede!’ May gumanun, kailangang somewhere unreachable.

"Baka may gumanun.

"Baka yung nanay ko, ‘Hindi puwede!’” natatawang sabi ni Heart.

Pero bawi niya, “I’m just kidding.”

Wala pa raw siyang concept ng kanyang magiging kasal.

“No, I don’t. I’m not the type actually to really think of those things.”

Basta gusto raw niya ang isang traditional wedding na naka-white gown.

Paano kung biglain siya ni Senator, yayain siya halimbawa sa Hong Kong para mamasyal, pero bigla na lang silang ikasal doon. Papayag siya?

“Yeah, I don’t care.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m not so much kasi yung kailangang involved ako sa mga design, sa mga ganyan.”

Payag din daw si Heart kahit silang dalawa lang ang present sa kasalan.

“I don’t need a big wedding,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN