Heart Evangelista on "battle of sexy calendars" with Marian Rivera: "Oh, my God, I’m so tired of that!"

Bagamat hindi inaalis ni Heart Evangelista ang posibilidad na maging Presidente ng Pilipinas ang kasintahan niyang si Senator Chiz Escudero, hindi raw niya niya nakikita ang sarili bilang isang First Lady. Sabi ni Heart, "I don’t think I’d like that life. I wouldn’t want that life, it’s hard!"


Wala raw pakialam si Heart Evangelista kung pagkumparahin at intrigahin silang muli ng kapwa niya Kapuso actress na si Marian Rivera.

May lalabas kasing sexy 2014 calendar si Heart para sa ini-endorse niyang brand ng alak, ang Tanduay.

Si Marian naman ay nai-launch na bilang 2014 calendar girl ng Ginebra San Miguel.

Sabi ni Heart sa posibleng pagtatapat muli ng publiko sa kanila ni Marian: “Oh, my God, I’m so tired of that!

“I’m so tired of all of that.

“Pero, siguro, nothing else can get worse than my parents going out in a presscon.

“That was the worst and, after that, all of these things don’t matter.

“As in, talagang not at all. I don’t care.”

Matatandaang naging malaking balita ang pagpapatawag ng presscon ng mga magulang ni Heart, na sina Rey at Cecile Ongpauco, upang ipaalam sa publiko na hindi nila gusto si Senator Chiz Escudero para sa bunso nilang anak.

Read: Cecile Ongpauco on Senator Chiz Escudero: “I simply wish he could find someone his own age.”

Patuloy ni Heart, “For me, I did what I did.

“It took me a lot of guts to show more of myself.

"And if people don’t like it, people like it…

“I’m not here for anybody to like it.

“But if you like it, wow, thank you talaga.”



SENATOR CHIZ’S OPINION. Ipinakita ni Heart sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang iba’t ibang kuha mula sa kanyang sexy pictorial.

Ano ang komento ng boyfriend niyang si Senator Chiz Escudero sa pictorial niya?

Sabi ni Heart, “He’s very open to those things.

“In fact, happy siya dun sa lumabas na layout. Maganda daw. At sosyal daw.

“So, natuwa naman siya.”

Bukod sa liquor brand na ini-endorse ni Heart, may lalabas din daw siyang commercial para sa isang food chain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabuuan, mayroon siyang pitong endorsements sa kasalukuyan.

Nakausap ng PEP si Heart sa taping ng Magkano Ba Ang Pag-ibig, sa Sta. Cruz, Laguna kahapon, December 4.



PDAF SCAM. Samantala, nagpapasalamat si Heart na hindi nadadawit ang pangalan ni Senator Chiz sa pork-barrel scandal.

“Oh, yeah, I’m so thankful, so thankful!” bulalas niya.

“Actually, when we started [dating], I thought he would be like a typical politician that would, you know, parang yung magarbo or something.

“Actually he’s not, he’s really kinda matipid.

“In fact, pag nagsa-shopping kami, na ako, bibili ako ng sapatos, sasabihin niya, ‘Hindi ka ba nagpi-feel bad?’

“Sasabihin ko, ‘Hindi!’

“So, yung mga ganun, ‘Hindi ka ba nagpi-feel bad? Hindi ba feeling mo kasalanan na ‘yan?’

“May mga ganun siya, hindi siya ano…

“Yung kunwari meron siyang bracelet or something, mga regalo ko na yun, dahil hindi siya mahilig, e.”

Ni wala raw bodyguard noon ang boyfriend niyang senador.

“Actually, recently na lang, dahil parang siya lang kasi yung natitirang walang ano, kiyeme!” at tumawa si Heart.

“Pero ang mga security niya, you won’t see them na nakaputi, nakaano when he walks, yung ganun.

“Actually, you don’t know where they are.

“You don’t know how many... actually, parang wala.”

Kuwento pa niya, “We line up, we ganyan, ako pa nga yung dire-diretso, ganyan, sasabihin niya, ‘Pila tayo.’

“Sasabihin ko, ‘Ay, oo nga!’”



SENATOR’S WIFE. Handa na ba siyang maging senator’s wife o First Lady ng Pilipinas kung saka-sakali?

Sabi ni Heart, “You know what, there are all these jokes about that.

“But you know what, in my heart, of course it’s selfish naman to say ano, parang ayaw ko, ganyan-ganyan, if he’s really destined.

“But really, for me, I don’t think I’d like that life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I wouldn’t want that life, it’s hard!” bulalas niya.

Ito ay sa kabila ng sinasabi ng iba na may pag-asang maging presidente ng Pilipinas si Chiz.

Sabi ni Heart tungkol dito, “Yeah, but I’ll feel bad for him siyempre if he doesn’t.

“But he has no plans naman to be President or something.”

Nakikita ba niya ang kanyang sarili bilang First Lady?

Sagot ng aktres, “For me, I don’t think I’d want that.

“Na, you walk around… siyempre, President, if ever President siya, you have all these bodyguards.

"It’s not... you know.”

Iyon lang ang parte na ayaw niya?

“Kasi, you could help naman in other ways, e.

“Like kunyari, ako, I never believe na you have to post on Instagram and all these things, unless you have to create awareness.

“Pero yung you’re helping many, you don’t have to be in power to help. So, di ba?

“But if it’s his destiny, it’s his destiny, di ba?

“Pero ako, okay lang kahit hindi!” natatawang sabi ni Heart.



NO TO POLITICS. Kahit si Heart mismo ay ayaw ring pasukin ang pulitika.

“No!” tili niya.

Pero may humikayat daw sa kanya na pasukin ito.

“Wala pa namang [specific position], but Tita Miriam [Defensor-Santiago] was telling me, she wanted me to take up Law.

“And then she was introducing me to different, parang, things to widen my knowledge about politics.

“‘Sige na, you can if you really put your mind to it,’ mga ganyan.

“But sabi ko, ‘It’s not me.’”

Mas gusto raw ni Heart na maging film editor.

“Gusto kong mag-edit. Mahilig akong mag-edit, e.

“Mahilig akong mag-edit ng mga wedding videos, mga ganyan.”

Ayaw niyang maging direktor balang-araw?

“Ayoko. Actually puwede, pero hindi ko alam, e.

“I think, parang masyado akong ano, na if I’ll shift to something else, I think I want to shift first to the real world.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I want to experience first, kasi never ko pa talaga na-experience yung living a normal life.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN