Katrina Halili vows to protect daughter Katie: "Para mabantayan ko! Di ba, ang daming luku-luko?"

by Rommel R. Llanes
Dec 6, 2013
Katrina Halili on having a baby: “Pag nag-baby pala, dapat maraming-marami kang pera, yung kayang mong huminto... [huminto] yung mundo mo. Pero yung tipong sakto lang, huwag! Mahirap, mapapabayaan mo yung baby.” Babantayan din daw niya nang husto si Katrence: "Minsan na akong naloko, hindi puwede! Minsan na akong nauto-uto, e. Kawawa kasi nauuto ka, di ba? My God! E, siyempre, pag bata ka, wala ka talagang alam, e, di ba?"

Isang taong gulang na ang anak ni Katrina Halili na si Katrence o Katie.

Ayon kay Katrina, ngayong lumalaki na ang anak nila ng singer na si Kris Lawrence ay pareho silang kumakayod nang husto.

“Sabi ko nga, naisip ko, pag nag-baby pala, dapat maraming-marami kang pera, yung kaya mong huminto... [huminto] yung mundo mo.

“Pero yung tipong sakto lang, huwag!

"Mahirap, mapapabayaan mo yung baby,” sabi ni Katrina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

PROTECTIVE MOM. Pakiramdam din ni Katrina ay sobra siyang magiging protective sa anak.

Kapag nag-aaral na nga raw si Katie ay gusto ni Katrina na kasama rin siya nito sa school.

"Para mabantayan ko!" bulalas niya.

“Di ba, ang daming luku-luko?

"Minsan na akong naloko, hindi puwede!

“Minsan na akong nauto-uto, e. Kawawa kasi nauuto ka, di ba?

“My God! E, siyempre, pag bata ka, wala ka talagang alam, e, di ba?

“E, tapos ako, noong bata ako, hindi naman ako close sa family ko, e.

Continue reading below ↓

“So, pag may mga lalaki talaga, tapos magaling magsalita, napu-fall ako, e, utu-uto ako, e.

“Pero natuto na ako, dyusko!”



STATUS QUO. Twenty-seven si Katrina ngayon. At kahit may anak na sila ni Kris, wala pa rin daw silang immediate plans na magpakasal.

“Wala pa po, bata pa kami, work muna... pag mga thirty na,” sabi ng StarStruck alumna.

Payag naman daw si Kris sa ganoong set-up at mutual decision daw nila ito.

Sabi ni Katrina, “Work muna po kami.

"Hindi naman po kailangang madaliin, okey naman po kaming dalawa, e.

“Ang importante, si Katie, hindi namin pinapabayaan.

“Kasi mamadaliin mo yung kasal, di po ba? Ang dami-dami ngang ikinakasal, nawawala din?”

Kaya hindi muna masusundan si Katie?

“Hindi muna, alam ko na ngayon yung halaga!” at muling natawa ang aktres.

Wala pa raw silang pinag-uusapan kung kailan nila susundan si Katie.

“Siyempre mas dapat una muna yung kasal bago pag-usapan yung next na baby.”

Continue reading below ↓

Hanggang ngayon ay hindi nagsasama sa isang bahay sina Katrina at Kris, pero magkalapit lang daw sila ng tinitirhan.

“Ayaw pa niyang iwanan si Jay-R,” pagbibiro ni Katrina.

Housemates kasi si Kris at ang R&B Prince na si Jay-R, at doon din ang recording studio ng dalawang Sunday All Stars mainstays.

Sabi ni Katrina, “Actually, pag nandoon siya, nagre-record lang siya, gumagawa sila ng kanta.”

Araw-araw naman pumupunta si Kris sa bahay ni Katrina para makapiling ang kanyang mag-ina, at natutulog rin daw si Kris doon.

Pero kasalukuyang nasa Japan si Kris para sa series of shows na tatagal ng two weeks.

“Kumakayod!” bulalas ni Katrina.

Parte raw ito ng todong pagsuporta ni Kris sa kanilang anak.

“Pero ngayon, hindi muna siya nagbibigay ng pang-gatas at pang-diaper.

“Kasi, di ba, nagbigay si Marian ng maraming gatas? Kaya ang tagal naming hindi bumibili ng gatas!”

Ang tinutukoy ni Katrina ay si Marian Rivera, na ninang ni Katie.

Continue reading below ↓

“Tapos, yung diaper, yung mga fans ko na pumupunta sa bahay, lagi silang nagdadala ng something-something.

“Sabi ko, ‘Ay naku, diaper na lang.’

“Kaya hindi rin kami bumibili!

“Tsaka, di ba, mas okey naman din yung mga ganoon, gatas at diaper?

“Hindi matatapon talaga, alam mong nakakain [ang gatas].”

KEEPING FIT. Seksing-seksi si Katrina nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng GMA afternoon soap na Magkano Ba Ang Pag-ibig sa Sta. Cruz, Laguna, noong Miyerkules, December 4.

Sadya raw siyang nag-diet bago sumabak sa serye para bumaba sa tamang bigat ang timbang niya.

“Dati, diet lang tsaka exercise,” aniya.

“Kasi hindi ako bumaba sa fifty-three [kilos], gusto kong bumaba ng mga fifty-one.”

Kapag inalok siya muli ng FHM, papayag na ba siya?

“Next year, kailangan may concept, ha?” game na giit niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Katrina Halili on having a baby: “Pag nag-baby pala, dapat maraming-marami kang pera, yung kayang mong huminto... [huminto] yung mundo mo. Pero yung tipong sakto lang, huwag! Mahirap, mapapabayaan mo yung baby.” Babantayan din daw niya nang husto si Katrence: "Minsan na akong naloko, hindi puwede! Minsan na akong nauto-uto, e. Kawawa kasi nauuto ka, di ba? My God! E, siyempre, pag bata ka, wala ka talagang alam, e, di ba?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results