Louise delos Reyes says Tom Rodriguez is her dream leading man

Louise delos Reyes recounts a moment with Tom Rodriguez, when he casually sketched her profile during a break in Sunday All Stars: “Kasi ano siya e, hindi siya yung guwapo na, alam mo yung guwapung-guwapo? Cute siya tapos plus factor pa yung pagiging artistic niya.

"Kasi one time dinrowing niya ako, so parang ako, ‘Huh?!’ Meron siyang notepad, nasa Sunday All Stars kami, nakaupo lang ako s


Ang dating ka-loveteam at regular na kapareha ni Louise delos Reyes na si Alden Richards ay ipapareha na kay Marian Rivera.

Ito ay sa pinakabagong teleserye ng GMA Network, ang Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Ibabaw ng Mundo.

Tila paghihiwalayin na ang tambalan nila ni Alden, ano ang reaksyon ni Louise dito?

“Kasi ganun naman talaga, e.

“Darating din ang time na maghihiwalay ang mga loveteams—like Aljur [Abrenica] and Kris [Bernal], naghiwalay rin sila for a time.

“So para rin mag-grow kami as an artist, na hindi lang iisa yung partner namin, na siyempre since nag-start kami, kami na yung partner, e.

“So, sanay na sanay na kami na, ‘Sige nga, testingin natin na magkahiwalay tayo. Pero, challenge,” pahayag ni Louise nang makausap ito ng Philippine Entertainment Portal noong November 28, sa shooting ng horror film na Basement ng GMA Films sa Uniwide Mall sa Alabang.

Si Louise ay may bago na ring soap opera, ang Kambal Sirena.

Bagamat magkasama sila sa Basement, hindi kaya gagawa ang GMA ng isang proyekto na sila naman ni Enzo Pineda ang magkapareha?

Maayos at maligaya pareho sina Louise at Enzo sa takbo ng relasyon nila ngayon.



Matapos nilang maghiwalay pansamantala nitong kalagitnaan ng taon, nanumbalik ang maganda nilang pagsasamahan, na nauwi sa pagiging magkasintahan nilang muli.

Sagot ni Louise sa PEP, “Hindi ko alam, e. Gusto ko rin naman, pero hindi ko lang ma-imagine yung, parang, kami pag nag-uusap kami, hindi namin ma-imagine yung sarili namin na kami yung partner.

“Parang ano ba’ng magiging bago? Maiilang kami kasi parang nakakailang na umarte. Parang nakakaumay.”

Sabi pa ni Louise, “So, gusto ko talaga yung someone na hindi ko pa talaga nakaka-work ever and wala akong relationship.”

WANTS TO BE PAIRED WITH TOM. Sino kaya ang pinapangarap ni Louise na makapareha niya?

“Kapag tinatanong nila ako kung sino ang gusto kong maging partner, isa lang naman palagi ang sinasagot ko—si Tom.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit si Tom Rodriguez?

“Kasi ano siya e, hindi siya yung guwapo na, alam mo yung guwapung-guwapo? Cute siya, tapos plus factor pa yung pagiging artistic niya.

"Kasi one time dinrowing niya ako, so parang ako, ‘Huh?!’

“Meron siyang notepad, nasa Sunday All Stars kami, nakaupo lang ako sa may bandang gilid niya so parang ako, naka-ganun lang ako, naghihintay lang ako ng closing.

“Tapos, hindi ko matandaan kung si Winwyn [Marquez] ang nagsabi sa akin na, ‘Dinodrowing ka niya, huwag kang malikot.’

“So, parang ako, kahit tinatawag na ako, ‘Closing na!’ ay hindi pa rin ako kumikilos sa pagkaka-upo.

“Ano siya e, wala siyang masyadong mukha [yung drawing] kasi since mabilis lang siya, parang yung, hindi ko alam kung ano’ng tawag na painting dun. Parang papinta-pababa yung stroke niya.

“Okay naman.”

Hindi raw ibinigay sa kanya ni Tom ang sketch, at nahiya naman si Louise na hingin iyon.

Hindi na rin daw niya naitanong kay Tom kung bakit siya ang naisipan nitong i-drawing.

“Hindi ko rin nakita na tapos na tapos siya, kasi umalis na rin ako kasi closing na nga.”

Pero ipinakita naman daw ni Tom sa kanya ang drawing nito.

“Touched naman ako,” pag-amin ni Louise.

Alam daw iyon ni Enzo, pero hindi raw nagselos si Enzo.

“Hindi naman. Siya naman, sila namang mga boys, kay Ate Carla naman [may crush], Carla Abellana. So, parang sabi ko, ’Sige.’”

Wala pang inire-reveal ang GMA na leading man ni Louise sa Kambal Sirena. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Louise kung saka-sakaling si Tom ang mapili?

“Papalakpak ang tenga ko!” sagot ni Louise, sabay tawa. “Hindi, parang ano lang naman yun, parang dream ko lang naman yun, ’tsaka, ewan ko.”

PROS AND CONS OF A SHOWBIZ RELATIONSHIP. May advantage ba o disadvantage na artista ang karelasyon niya?

“Advantage, merong possibility na palagi kayong magkita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi ano lang kami e, parang nasa iisang field at iisang station lang kami. So, kapag may mga guestings o kaya pag may mga special occasions like New Year countdown, magkasama kayo. Mga ganun, iyon yung advantage.

“Yung disadvantage naman, ang disadvantage namin before, yung alam mo yung selos-bata? Pero na-overcome na namin yun eventually.

"Ngayon, ang disadvantage, since magkaiba yung ginagawa namin, hindi kami masyadong nagkikita. Oras talaga yung kalaban.

“Actually, kahit anong profession na parehas kayong may trabaho, oras talaga yung disadvantage.”

Three years na ang relasyon nila ni Enzo, kasama na roon ang five months na cool-off sila.

ENZO AS “PROTECTOR.” At dahil Basement ang pamagat ng pelikula nila, tinanong ng PEP si Louise: Halimbawang stranded siya sa isang basement na may monster o aswang, sino ang gusto niyang makasama at bakit?

“Sino ba? Nag-isip talaga,” sabay tawa ni Louise. “Siyempre, si Enzo, si Enzo.

“Kasi ano siya, meron akong matinong sagot dun, hindi dahil siya ang aking lovey-dabs. Kasi nagta-taekwondo siya, marami siyang alam na martial arts.

"So, feeling ko naman, mapu-protektahan niya ako. ’Tsaka matangkad siya, kaya niyang abutin yung aswang,” at muling natawa si Louise.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN