Luis Manzano on being teased about rekindling relationship with Angel Locsin: “Di naman ako nao-offend.”

Luis Manzano on chit-chat linking him to Angel Locsin anew: “Sabi ko nga, if I comment on that issue, kung iisipin natin, kahit anong isagot namin, mahahanapan at mahahanapan ng mali. May pinagdaaan si Angel sa kanyang personal na buhay, ako rin naman, so kahit anong sabihin namin, magkakaroon at magkakaroon ng issue. So it will be better if quiet na lang.”


Sa halos sabay na pagkukumpirma ng hiwalayan ng mga magkasintahang Angel Locsin-Phil Younghusband at Luis Manzano-Jennylyn Manzano, naging tampulan ng tukso sina Angel at Luis.

Maraming nagsasabing baka raw sa huli ay silang muli, lalo’t mayroon silang nakaraan bilang magkasintahan at pareho pa silang malaya ngayon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Luis kamakailan, sa bakuran ng ABS-CBN, kampante naman itong sinagot ng actor/TV host.

BETTER TO KEEP QUIET.” Ito’y sa kabila ng pag-iwas niyang magkomento sa mga haka-hakang ito dahil kahit ano raw ang sabihin nila ay tiyak na mabibigyan ng kulay.

Ayon kay Luis, “Sabi ko nga, if I comment on that issue, kung iisipin natin, kahit anong isagot namin, mahahanapan at mahahanapan ng mali.

“May pinagdaaan si Angel sa kanyang personal na buhay, ako rin naman, so kahit anong sabihin namin magkakaroon at magkakaroon ng issue.

"So, it will be better if quiet na lang."

Sa mga huling panayam namin kay Angel, sinabi ng aktres na sa ngayon ay ayaw niyang dagdagan kung anuman ang pinagdaraanan din ni Luis.

Kaibigan pa rin daw ang turing niya dito kahit di sila gaanong nagkakausap.

Ayon naman sa aktor, ganoon din ang tingin niya sa ex. Mananatili pa rin daw itong espesyal sa kanya.

Dagdag pa ni Luis, “Thank you. I will say the same things about her, I will say the same thing, na she’s a very nice person, very beautiful person in and out.

“Ganun nga, mayroon kaming parehong ginagawa, mayroon kaming pinagdadaanan, so there’s no point adding sa pinagdaraanan ng isa’t isa.

"Hindi pa kami nagkikita uli ni Angel.

“Siyempre, we have a past din naman, so lahat naman ng dumaan sa buhay mo, espesyal sa iyo yun.”

NO OFFENSE TAKEN. Siniguro naman ni Luis sa PEP na hindi siya napipikon sa mga panunukso sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi nga niya, “Hindi naman, di naman ako nao-offend. I understand naman why some people wanna make a punchline out of it.

“Pero, kumbaga, ’wag nang dagdagan pa kung ano ang pinagdaanan ko or niya.”

Para sa iba ay napakalaking coincidence kasi ang halos sabay na pakikipaghiwalay nila Luis at Angel sa kani-kanilang partners. Tuloy, iba ang naging dating nito sa mga tao, bagay na sinang-ayunan naman ng aktor.

Sabi niya, “Oo nga, sabi ko nga, kung iisipin natin, kung papanoorin lang natin based on TV, mukhang planado, di ba? The thing is nagkataon lang—pure coincidence.”

Sa halos ilang buwan pa lang na pakikipaghiwalay niya kay Jennylyn, tinanong namin kung naka-move on na ba siya sa ngayon.

Kinumusta din namin kung may komunikasyon pa ba sila ng ex-girlfriend.

“Oo, sabi ko nga kaya nakakausap ko kayo, I’m happy with everything coming my way, especially nga yung last blessing na binigay sa akin, winning as PMPC Best Game Show Host."

Pinarangalan ng Philippine Movie Press Club si Luis para sa kanyang hosting job sa ABS-CBN.

“Wala kaming communication," sagot ni Luis. "wala na, e. Yung mga detalye, sa amin na lang ni Jen.

“Pag di ako nagsasalita, gusto akong magsalita ng ibang tao. Pag nagsalita naman ako, madaldal akong tao. Ayusin nila ang buhay nila,” patuloy pa niya.

NOT CLOSING HIS DOORS. Sa tanong namin kung nagsasara siya ng pinto sa mga ex niya, sabi ni Luis ay laging bukas ang pinto niya sa anumang posibilidad.

Aniya, “Ay, ako hindi, e. Hindi ako nagsasarado ng pinto kahit kanino, di ako ganun. Who am I to close doors? Kung ang Diyos nga nagbubukas ng pinto, bakit tayo hindi pa?”

Ngunit hindi raw nagmamadali si Luis na pumasok sa panibagong relasyon.

“Di natin masasabi ‘yan, e. Kung tumama, hayun... Pero right now, I wanna make the most of everything given to me. Kung ma-in love ako uli, e di good. Kung hindi, e di I’ll wait.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa interview sa ina niyang si Batangas Governor Vilma Santos ay nabanggit nito na kung may maganda mang nangyayari kapag walang girlfriend ang anak, ito ay ang nakakapagbakasyon sila na magkakasama, na nagkakaroon sila ng family bonding.

“Oo, I got to spend time with my family," pagsang-ayon ng firstborn ni Vilma.

"Talagang much-needed time with my family. Di ako nakakasama sa mga vacation nila, so I’m very thankful that I spent a few days with them.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN