Arjo Atayde on team-up with Alex Gonzaga in Pure Love: “It’s a dream come true for me.”

Arjo Atayde on finally getting the chance to work with his crush, Alex Gonzaga: “Marami na akong naririnig na kuwento about Alex from other people, and they like her bubbly personality. Tapos, she’s very down-to-earth pa raw. Hindi raw siya yung snob or mayabang. At lagi pang naka-smile. For me, yung pagiging simple niyang tao ang maganda. I get to see her on TV and she’s such a natural comedienne. Kaya sobrang tuwa ko when they said na makakasama ko siya s


Hindi inaasahan ng Kapamilya young actor na si Arjo Atayde na mabibigyan siya agad ng project pagkatapos ng award-winning role niya sa Dugong Buhay.

Ngayon ay leading man na siya sa Philippine adaptation ng hit Koreanovela na Pure Love, kunsaan makakatambal niya ang long-time crush niyang si Alex Gonzaga.

Pinalabas ang Pure Love sa ABS-CBN noong 2011. Ang original na title nito sa Korea ay 49 Days.

Mahigit isang buwang nagpahinga si Arjo mula noong magtapos ang Dugong Buhay noong Oktubre. Pinag-acting workshop siya dahil gagawin na nga siyang leading man sa Pure Love.

“I’m surprised by this new project.

“Nakakatuwa, kasi alam ko na marami ang nakakapanood ng Pure Love noong ini-air pa lang ito sa ABS.

"Wala akong clue na makakasama ako sa local adaptation nito,” panimulang kuwento ni Arjo nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa White Plains, Quezon City, noong November 30.

Noong una siyang nasabihan tungkol sa bagong project, agad daw niyang inalam ang kuwento ng Pure Love, bilang preparasyon bago sila magsimula ng taping.

Ang Pure Love remake ay nakatakdang umere sa unang bahagi ng Enero 2014.

“So, I did my own research about the Koreanovela.

“I was able to get to know the characters of Pure Love, na sina Ysabelle Song, Diane Shin, Raymond Han, Michael Kang, and Scheduler.

“It’s my first time to do something like this on television, and I pray that we all do justice to the roles na ibinigay sa aming lahat.

“We promise that we will do our best para matuwa naman ang mga naging fans ng Pure Love,” pangako ni Arjo.

DREAM COME TRUE. Bukod sa pagkakaroon ng bagong serye, ikinatutuwa rin ni Arjo na nagkatotoo na ang matagal na niyang pangarap na makasama sa isang TV show si Alex Gonzaga.

Inamin ni Arjo na noon pa man ay crush na niya ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang hitsura raw ni Alex ang siyang gusto ni Arjo sa isang babae.

Patotoo niya, “I’ve been very vocal about it, even before pa.

“Talagang I have this big crush on Alex Gonzaga, at alam din ni Mommy [Sylvia Sanchez] ‘yan at ng mga kaibigan niya.

“My mom knows na weakness ko ang tsinita girls na may mahahabang buhok.

“For me, that’s the physical aspect that makes a girl or a woman beautiful and sexy,” ngiti pa niya.

GETTING TO KNOW ALEX. Pero bukod sa pagiging long-haired at chinky-eyed ni Alex, gusto rin ni Arjo ang pagiging simple at pagiging kalog nito sa totoong buhay.

“Marami na akong naririnig na kuwento about Alex from other people, and they like her bubbly personality.

“Tapos, she’s very down-to-earth pa raw. Hindi raw siya yung snob or mayabang. At lagi pang naka-smile.

“For me, yung pagiging simple niyang tao ang maganda.

“I get to see her on TV and she’s such a natural comedienne.

“Kaya sobrang tuwa ko when they said na makakasama ko siya sa Pure Love! It’s a dream come true for me,” diin pa ni Arjo.

Dahil sa magkakasama na sila sa isang TV show, mas makikilala na ni Arjo ang tinaguriang “dream girl” niya.

Bulalas niya, “I want to get to know her more.

“It’s not enough that I get some information from people close to her. I want to really get to know her.

“Feeling ko naman magkakasundo kami ni Alex.

“Let’s see what will happen.”

PROJECT WITH MOM? Marami pa ring nag-aabang kung kailan gagawa si Arjo ng isang TV show or pelikula kasama ang kanyang inang si Sylvia Sanchez, na kilala bilang respetadong character actress.

May mga offer na raw, pero ang magdedesisyon daw dito ay ang kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang alam ko, may mga nilapit na silang mga storylines kay Mommy. But of course, kahit na gusto kong makagawa kami agad, na kay Mommy ang final decision.

“If she feels na hindi pa kami ready to work together in a TV show or movie, that is all up to her naman.

“May nag-suggest nga na may gawin kaming indie film. But it all depends on my mom. Siya ang masusunod naman.

“If she gives her approval on whatever project, doon lang kami gagawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN