Aljur Abrenica reveals Christmas wish: “Sana itong Yolanda na ito malaking wake-up call sa atin.”

Aljur Abrenica on how he wishes all Pinoys could be more politically and socially aware: “Sa totoo lang, ang Christmas wish ko sana, lahat ng Pilipino mamulat na! Magising na sa katotohanan, di ba? Kasi lahat ng nakikita natin e, halos lahat ng nakikita natin kasi, ilusyon, e. Ilusyon, ilusyon lang. Kumbaga, ayoko kasi masyado magsalita pero iikot din kasi ito sa pulitika, e.”


Malalim at makabuluhan ang Christmas wish ni Aljur Abrenica.

Sabi niya, “Sa totoo lang, ang Christmas wish ko sana, lahat ng Pilipino mamulat na!

“Magising na sa katotohanan, di ba? Kasi lahat ng nakikita natin e, halos lahat ng nakikita natin kasi, ilusyon, e.

“Ilusyon, ilusyon lang. Kumbaga, ayoko kasi masyado magsalita pero iikot din kasi ito sa pulitika, e.

“Ayokong magsalita sa kadahilanan na hindi ko kabisado yung field na yun, e. Pero ang alam ko lang matagal na tayong pinapaikot ng mga tao sa itaas.

“Tayo mga Pilipino, pinapaikot tayo, e."

DISAPPOINTED. Ibig sabihin nito ay isa rin siya sa maraming nadidismaya sa mga nangyayari ngayon sa ating bansa.

Patotoo niya, “Oo naman! Alam mo, sino ba ang hindi madidismaya sa mga nangyayari sa atin sa bansa ngayon? Sino ang hindi madidismaya sa nangyayari sa bansa natin?

“Ang daming nangyayari, sunud-sunod yung kalamidad na nangyayari, tapos ang daming... mas nauuna pa yung ibang bansang tumulong sa atin, di ba?

“Hindi natin alam na darating ang Yolanda, kulang tayo sa impormasyon. Kumbaga ang buhay ng Pilipino parang ano na lang, e.

“Kasi kumbaga ako, gusto ko kasing maging ano e—ang bawat artista, hindi lang ako, pero gusto kong kumilos din.

“Nilagay tayo ng Panginoon, nilagay tayo ng Diyos dito sa puwesto na ito at may impluwensya tayo.

“Gusto kong maging advocate din, kung anumang advocacy yun, basta makatulong at makapagmulat sa mga bawat Pilipino.”

WAKE-UP CALL. Mabilis namang nilinaw ni Aljur na wala siyang balak na pumasok sa pulitika.

Pagklaro niya, “Hindi po, wala po! Wala po akong planong tumkabo ng pulitika. Hindi ko po field yan e, hindi ko po pinag-aralan. Kung pinag-aralan ko, baka puwede pa po.”

Gusto lang daw magkaroon ng advocacy ni Aljur na makakatulong sa kapwa Pilipino.

“’Tsaka nakakaintindi na po tayo e, hindi na po tayo mga bata, may responsibilidad na rin tayo, alam na rin natin ang nangyayari sa bansa natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napaka-simple lang naman e, bakit natin hinahayaan yung mga ganyang bagay, di ba?

“Iyon lang naman yun, e. Ang hirap, e.

“Sana itong Yolanda na ito, malaking wake-up call sa atin. Eye-opener.

“Kumbaga, sana may matutunan na ang mga Pilipino, tayo,” dasal niya.

Nagbigay ng mga pahayag na ito sa Aljur sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Prinsesa Ng Buhay Ko, sa Quezon City, nitong nakaraang Lunes, December 2.

Sa susunod na eleksyon daw ay sisiguraduhin niyang makaboto nang tama.

Aniya, “Nabukas na yung mata ko, tapos naging interesado na rin ako sa nangyayari sa atin. Talagang kailangang bigyan ng pansin, e.”

Aware din daw si Aljur sa mga napapabalitang ang ilang donasyon para sa mga nasalanta ng bagyo ay ibinibenta diumano.

“Isa pa yun, binebenta pa! Di ba, parang...” saad ng Kapuso hunk na may halong inis at pagkadismaya.



NEW YEAR’S RESOLUTION. Tinanong naman ng PEP si Aljur kung ano ang New Year’s resolution niya para sa darating na taong 2014.

Sabi niya, “Siguro, magkakaroon ako ng isang salita.”

Wala ba siyang isang salita?

“Meron akong isang salita, pero minsan kasi sa dami ng ginagawa natin, sa dami ng obligasyon natin at responsibilidad, minsan nakakalimutan mo.

“Pero ngayon, talagang hindi na, hindi na talaga,” pangako niya.

Nitong 2013, may pagkakataon bang sumira siya sa isang pangako, na wala siyang isang salita?

Sagot niya, “Oo, e!”

Ano yun?

“Sa akin na lang po yun,” at tumawa si Aljur.



LOVELIFE. Maganda ang lovelife nila ng girlfriend niyang si Kylie Padilla, pero wala pa raw sa plano nila ang magpakasal.

“Malayo pa po yun, malayo pa,” pag-amin niya.

Bukod sa Prinsesa Ng Buhay Ko, ire-release na raw hopefully sa January ang kanyang self-titled album.

May gusto pa ba siyang gawin o ma-accomplish sa buhay?

“Gusto kong malalim, e. Gusto kong maging isang modelo ng mga kabataan, ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maging magandang example,” diin niya.

Role model na naman siya bilang artista, wika namin.

Dagdag ni Aljur, “Mas maging role model pa. Kumbaga, magkaroon ng mga advocacy, di ba?”

EMPOWERMENT THROUGH EDUCATION. Gusto raw niyang tutukan ang edukasyon para sa mga kabataan.

“Kailangan talaga ng bawat Pilipino, sa palagay ko ang kulang edukasyon,” pag-aanalisa niya.

Dahil nga sa kakulangan ng pera.

“Marami tayong pera.

“Ang ano kasi, kapag hindi nae-educate ang mga tao, di ba, madaling paikutin, e. Madaling lokohin.

“Akala dun lang aasa’t aasa. Hindi naman kasi nila alam ang mga nangyayari,” himutok niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN