Kris Bernal admits feeling the pressure to "repackage" herself

Kris Bernal on why she thinks a change of image might do her good: “Kasi parang ngayon kasi parang nape-pressure ako, e. Ang dami-dami kasing bago, bagong mga dumadating sa showbiz. Ang dami-daming ang gagaling, ang dami. Kumbaga naiisip ko nga sa sarili ko parang ang feeling ko nga, ang luma-luma ko na. Parang ang feeling ko wala na akong mau-offer. Na parang feeling ko, in short, parang gusto kong ma-repackage.”


“Ang puso ko? Maligaya naman, masaya naman ako. Masaya naman ako,” sagot ni Kris Bernal nang kumustahin namin ang kanyang lovelife.

Gaano siya kasaya?

“Hindi ko alam e,” at natawa si Kris.

Gaano sila kasaya ni Carl Guevara?

Dagdag niya, “Steady lang, steady lang. Masaya, masaya naman, nagkikita pa din kami. Pero kasi ang dami kong iniisip ngayon, e.”

Dapat nga ay magsilbing inspirasyon si Carl sa kanya since marami pala siyang iniiisp.

Pagsang-ayon naman ni Kris, “Oo, in fairness naman, lagi siyang nandiyan para sa akin ’tsaka lagi niya akong sinasamahan, ’tsaka kung makakatulong talaga siya, lagi talaga siyang nandiyan.”

Magkasama ba sila na magse-celebrate ng Pasko? O pamilya ang kasama niya?

Aniya, “Oo, pero sa ngayon kasi wala kaming balak umalis e, so parang siguro get-together lang ng family and relatives. ’Tsaka gusto ko talaga ng time with family ngayon e, kasi naipit din yung schedule dito sa Prinsesa Ng Buhay Ko, e.

“Nagsunud-sunod din yung schedule ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa taping ng Prinsesa Ng Buhay Ko ng GMA sa Quezon City noong Lunes ng hapon, December 2.

CHRISTMAS WISH. Kung meron siyang gustong matanggap na regalo sa Pasko, ano yun?

Sa hindi materyal, ang gusto niya ay ang makasama sa Pasko ang tatay niya.

Pero dahil mahilig din siya sa mga bag, hindi naman nagdalawang-isip si Kris sa pag-amin sa kanyang luho.

“Gusto ko ng Hermes. Wala akong Birkin. Pangarap lang,” medyo pabiro niyang pahayag.

May Hermes na raw siya.

“Ibang Hermes e,” sabay tawa niya.

Biniro namin siya na magpabili siya kay Carl.

Nahihiya niyang sabi, “Ayoko namang humingi ng regalo kay Carl.”

TIME TO REPACKAGE? Tinanong naman namin si Kris kung ano ang New Year’s resolution niya?

Sagot niya, “Gusto kong mag-improve! Gusto kong mag-excel.”

Saan?

“Sa lahat! Alam mo yun? Hindi lang sa akting pero dahil gusto ko rin, gusto kong maka-discover ng bagong talent, alam mo yun, na puwede kong gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Puwede kong pag-igihan, puwede kong tutukan, tapos puwede akong maging mahusay dun sa isang talent na yun.

“Specific? Siguro if dance gusto kong mag-concentrate sa isang forte. Siguro, jazz.

“Gusto ko kasi, kasi pag sumayaw ako parang hindi mo alam kung saan ka magaling, kung ano ang kaya mong gawin.

“So gusto kong mag-concentrate sa isang bagay tapos gusto ko, makatulong sa akin yun na magaling ako sa ganitong sayaw.

“Or hindi lang yun, basta parang yung mapagkakaabalahan ko rin. Kasi parang ngayon kasi parang nape-pressure ako, e.

“Ang dami-dami kasing bago, bagong mga dumadating sa showbiz,” pakli niya.

Isa raw ito sa laging iniisp ni Kris.

“Ang dami-daming ang gagaling, ang dami. Kumbaga naiisip ko nga sa sarili ko, parang ang feeling ko nga ang luma-luma ko na.

“Parang ang feeling ko wala na akong mau-offer. Na parang feeling ko, in short, parang gusto kong ma-repackage,” pag-amin niya.

Biniro namin si Kris, kung magpaseksi kaya siya ng image? Nag-FHM na ba siya?

“Hindi pa.”

Papayag siya?

“Papayag ako kung papayag ang network, kung papayag ang parents ko.”

Siya mismo papayag siya?

“Okay lang sa akin kung makakatulong sa akin.”

COMPARING ALJUR AND RENZ. Sa Prinsesa Ng Buhay Ko, dalawa ang leading men niya, sina Aljur Abrenica at Renz Fernandez.

Ano na ang nadiskubre niyang malaking kaibahan ng dalawa, at ano ang pagkakapareho?

Pagkumpara niya, “Pareho silang professional, pareho silang mabait, pareho silang gentleman.

“Si Renz natutuwa ako sa kanya, kasi kahit bago pa lang siya or kahit first show niya ito sa GMA, nakikita ko talaga kung paano niya pinaghuhusayan ang bawat eksena.

“Pinag-aaralan niya talaga, nag-e-effort talaga siya.

“Kahit madaling araw na, kinakarir niya pa rin yung eksena. Ganun. At saka hindi siya napapagod, ang taas-taas ng energy niya.

“Tapos nakita ko rin sa kanya na ang babaw niyang tao. Banggitin mo lang, for example, ang mommy niya, banggitin mo lang sa kanya umiiyak na siya. Yung ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang bilis niya talaga. Sobrang mababaw siyang tao at saka emotional din pala siyang tao.

“Sanay na ako kay Aljur, pero si Aljur kasi talagang iba yung acting niya ngayon, e.

“Iba na talaga yung atake niya, e. Happy ako kasi wala na akong naririnig na hindi maganda sa kanya at saka puro positive na yung comments tungkol sa acting niya.

“May lalim na, yung talagang ramdam na ramdam mo at saka hindi niya talaga bibitawan yung linya hangga’t hindi niya nararamdaman.

“Ibig sabihin, gusto niya ng mapanood siya ng mga tao na talagang, ‘Eto na ako, aktor na ako, magaling na ako.’

“Ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN