Marian Rivera launches Kapuso Adopt-A-Bangka Project

Layunin ng Kapuso Adopt-A-Bangka Project na matulungan ang ilang mangingisda na naapektuhan dahil sa bagyong Yolanda, sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng bangka para maipagpatuloy nila ang kanilang kabuhayan.


Kung sa ibang pagkakataon ay ayaw ianunsiyo ni Marian Rivera, hangga’t maaari, ang mga ginagawa niyang pagtulong, ngayon ay siya na mismo ang nakikiusap sa press na isulat ang tungkol sa Kapuso Adopt-A-Bangka Project.

Layunin ng proyektong ito na tulungang makaahon ang ilang residente ng isang isla sa Cebu na labis na naapektuhan dahil sa bagyong Yolanda.

“Gusto ko pong hingin ang tulong niyo na isulat ito,” pakiusap ni Marian sa entertainment press na dumalo sa ipinatawag niyang simpleng salu-salo sa Victorino’s Restaurant, sa Sct. Rallos, Quezon City, kahapon, December 8.

Patuloy ng Kapuso Primetime Queen, “May Yes Pinoy Foundation si Dong [Dingdong Dantes, her boyfriend], alam po natin ‘yan.

“Tapos, nasa Kapuso Foundation din po ako, sa Ukay-Ukay, para rin po sa mga nasalanta ng bagyo.

“Pero, may sarili po akong gagawin na ika-campaign ko.

“Ang tawag po rito ay Kapuso Adopt-A-Bangka Project.

“Ang kasama ko po rito ay si Oliver Amoroso at si Anne Marie Tan."

Patuloy niya, “Nakakatuwa, ang daming mga Filipino na tumutulong para magbigay po ng relief goods.

“Siguro po, sabihin na natin na hanggang January sila nagbibigay.

“Ang tanong po, after the relief goods po, ano po ang meron yung ibinibigay nila?

“So, nakapag-decide po kami… ako rin po ang nagsabi na, ‘Bakit hindi natin bigyan ng kabuhayan?’

“Alam natin, maraming nasalanta, pero nagkakanakawan, nagkakapatayan… ang daming nagugutom.a

“Which is, sa survey namin, ang marami pong nagrerebelde, nakawan, patayan, ay sa Cebu. At more on mangingisda.

“Yung kabuhayan po nila ay pangingisda, pagtitinda.

“Itong mga mangingisda po natin, ito na ang kanilang ikinabubuhay.

“So, nag-decide po kami at nag-survey po kami, yung mga karapat-dapat lang, like, may sampung anak na yun [pangingisda] ang ikinabubuhay.

“Kaya nag-decide po kami na bawat pamilya, bibigyan po namin ng bangka para yun ang ikabubuhay nila.


“Ang bangka po ay tatagal ng 15 to 20 years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ibig sabihin, ang isang pamilya, puwede pang ipasa sa mga anak nila yung mga bangka nila.”

Ang isang bangka raw ay nagkakahalaga ng P15,000 hanggang P30,000.

Ayon pa kay Marian, “Nag-survey ulit kami, ano pa ang kailangan nila.

“Sabi nila, ’What if sa kabilang ibayong isla pa sila? Magsasagwan? Pagdating sa bahay nila, pagod na.’

“E, kung may gasoline sila na halagang isandaan lang naman, mas madaling makakarating ang mga isda, mas madaling maibebenta.

“So, doon na lang tayo sa mas dadali ang buhay nila.

“So, yun ang gagawin kong project—donate a bangka.

“Para po sa mga Kapuso natin na nasalanta.”

Masaya si Marian na kahit sinisimulan pa lang niya ang proyektong ito ay may sampu nang nangakong magdo-donate ng bangka.

Saad pa ng aktres, “At kung halimbawa po, kayo po ang nakapag-donate ng apat na bangka, ibibigay po natin ‘yan sa mga tao roon.

“After a month po, babalik po kami sa mga binigyan namin ng bangka. Kumusta po ang kabuhayan nila?

“Ire-report po namin ‘yan with pictures. So, idedetalyado po namin.

“Hindi yung, ‘Ay, nasalanta ng bagyo, naghirap, eto ang bangka!’

“Hindi po, ibibigay lang po namin sa mga karapat-dapat at talagang residente na nasalanta ng bagyo.

“Imu-monitor po kasi. Ayoko rin po na basta masabi lang na binigyan namin ng bangka ‘yan, e.

“At lahat po ng magdo-donate, may resibo po sa GMA.

“Wala po akong makukuha riyan!” natatawang sabi pa niya.



CO-PROJECT WITH KAPUSO FOUNDATION. Isang rason kung bakit ikinabit ni Marian sa GMA Kapuso Foundation ang Kapuso Adopt-A-Bangka Project ay upang mas maging maayos daw at walang magkukuwestiyon kung saan man napupunta ang perang idu-donate.

Saad niya, “Para malinis po lahat, may report din po kami sa nagbigay.

“Ito po ang project ko na sana po, suportahan niyo po ako.

“Ako naman po, gusto ko lang po makatulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At sana po, maging successful po.”

Base sa survey nila, may 1,000 pamilya raw ang nangangailangan ng tulong.

“Siguro po, alam namin, kung hindi man namin mabigyan lahat, at least, kung halimbawa 300 pamilya mabigyan namin, alam natin na may hanapbuhay sila.

“Siyempre po, alam naman po namin na hindi rin naman biro ang 30,000 sa isang tao.

“At baka po by next week, ipo-promote na rin namin—may campaign ako, may pictorial ako—para malaman na rin ng tao.”

Dagdag pa niya, “Actually, after po ng Yolanda, alam po namin na nakapaglabas na ang mga tao ng pera.

“Pero naiisip po kasi namin, after ng relief goods, ano pa ang meron sa mga tao?”

Bukod dito, sa halip na magpa-party at magpa-raffle si Marian sa entertainment press ngayong Kapaskuhan, idu-donate na lang ito sa Adopt-A-Bangka at ipapangalan sa Philippine Entertainment Press.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN