Julie Anne San Jose’s debut album has now reached 8X Platinum

Julie Anne San Jose on her lovelife: “Matagal-tagal pa ‘yan! Ano... ewan ko. Hindi ko rin naman masasabi. Pero sa ngayon talaga, priority ko muna ang pag-aaral ko at saka yung work.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne San Jose pagkatapos niyang tumanggap ng 8X Platinum award sa Sunday All Stars (SAS), kahapon, December 8.

Ito ay para sa kanyang self-titled debut album, na ini-release noon pang 2012 ngunit hanggang ngayon ay mabenta pa rin.

Nakapaloob sa album na ito ang hit songs niyang "I’ll Be There," "Enough," "Bakit Ngayon," at "For Everything."

“Sobrang nakaka-overwhelm talaga!” bulalas ni Julie Anne tungkol sa nakamit ng kanyang album.

“Actually kanina, after nung song number ko, naiyak ako.

“Kasi kumbaga, parang… this is more than what I was expecting.

“Parang ang sarap sa pakiramdam na nagkaroon ka ng record na ganito.

“And kumbaga, hindi ko akalain na aabot sa ganito, so sobrang saya po talaga.

“This is my very first album kaya hindi ko talaga ini-expect.

“Hindi ko ini-expect na aabot nga ako sa ganito, kaya talagang thankful ako kay Lord.

“Of course, I dedicate this award sa pamilya ko, kasi sila talaga yung naging inspirasyon ko sa music—and yun, this is for them.

“At saka sa mga supporters ko, thank you talaga.”


SECOND ALBUM. Pagkatapos ng kanyang matagumpay na first album, balak ni Julie Anne na sundan na ito kaagad.

Sabi niya, “Magkakaroon po ako ng second album and, actually, ongoing na po yung recording.

“February yung target na release nito, siguro sa Valentine’s Day.

“Yung kinanta ko kanina, yung ‘Deeper,’ ang carrier single.

"It’s actually out na sa OPM To Go.

“And I think sa iTunes, ire-release na rin siya, so available na ito sa downloads.

“Itong ‘Deeper’ ay isa sa tatlong compositions ko—puro love songs po.”

Mas malaking pressure ba ang kakaharapin niya ngayon sa kanyang second album since naka-8X Platinum nga siya sa una?

“Opo, nape-pressure talaga ako!” sabay tawa ng 19-year-old Kapuso singer-actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo, e, kasi ang laki ng ano, e... ang layo na ng narating ng first album ko.

“So, ayun, talaga ngang kailangang pagbutihin pa.”



INSPIRATION. paano niya nagagawang mag-compose ng love song gayong hindi pa naman siya nagkaka-boyfriend?

“I don’t know!” nangiting sabi ni Julie Anne.

“Hindi ko rin alam, e, kung saan nanggagaling yun.

“Basta parang… it’s more of an inspiration talaga, parang inspiration when it comes to music.

“Kumbaga, ganoon ako ka-driven sa music.”

Kaya naman ang kanyang mga tagasubaybay ay laging nakaantabay kung kailan naman siya magkakaroon ng lovelife.

Open na ba siya magpaligaw at magkaroon ng boyfriend?

“Naku, matagal-tagal pa ‘yan!” tawa niya.

“Ano… ewan ko. Hindi ko rin naman masasabi.

“Pero sa ngayon talaga, priority ko muna ang pag-aaral ko at saka yung work.”


CHRISTMAS WISH. Palapit na ang araw ng Kapaskuhan, ano ang Christmas wish ni Julie Anne?

Sabi niya, “Siguro, wala na akong hihilinging material na bagay.

"Ang importante ay magkakasama kami ng pamilya ko.

“And peace siguro, para masaya ang buhay!

"At saka… more success sa lahat ng bagay!”

Ano naman ang plano niya ngayong holiday season?

“I’ll spend Christmas sa bahay lang with my family and friends, yung usual na family gathering.

“And siguro… kasi magse-celebrate kami ng countdown sa MOA [Mall of Asia], kasi kasama ako sa countdown, e.”

Ang tinutukoy ni Julie Anne ang annual New Year countdown ng GMA Network.

“So, probably, doon kami magnu-New Year.”

CHRISTMAS GIFTS. Nakapamili na ba siya ng mga regalo ngayong Pasko?

“Wala pa, hindi pa ako nakakapamili ng mga regalo!” tawa niya.

“Siguro po kung magbibigay ako ng mga gifts, doon po sa mga nangangailangan.

"Isa po iyon sa mga gusto kong gawin, na makatulong po sa kapwa, especially sa mga nasalanta.

“Instead of spending money para sa pansarili lang natin, di ba, why not share it with others?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN