Rocco Nacino sacrifices family time this Christmas to promote MMFF entry

Rocco Nacino on headlining the Metro Manila Film Festival entry Pedro Calungsod: Batang Martir: "Excited! Halu-halo ang pakiramdam ko. Masaya na parang napi-pressure, pero mas nangingibabaw ang excitement."


Dahil magiging abala ngayong Kapaskuhan si Rocco Nacino sa pagpu-promote ng pelikula niyang Pedro Calungsod: Batang Martir, entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013, hindi raw niya makakasama ang kanyang pamilya.

Sabi ng Kapuso actor, “First time na isi-celebrate ko ang Pasko na hindi ko kasama ang pamilya ko.

“So, medyo malungkot ako—iyon nga ang inaalala ko.

“At nung isang araw, nagkausap kami ng father ko.

“Sabi niya… kung ano ang Christmas gift na gusto ko.

“Sabi ko, ‘Wala lang po. Basta makasama ko lang kayo.’

“And then, I started crying! Kasi nami-miss ko sila.

"I don’t get to see them often na, tapos Pasko pa… ganun pa.

“Ako ang wala sa piling ng family ko dahil I’ll be busy, I’ll be working."

Dagdag ni Rocco, “Pupunta ako ng Cebu… pupunta ako ng Davao.

“May mga outreach kami, tapos yung mga premieres.

“And I’ll be going around Metro Manila also para i-promote yung Calungsod.

“Siyempre, full blast din ang suporta na kailangan kong ibigay for the film.

“Gusto lang namin na maipalabas yung movie namin nang maayos.

“And I’m happy to be a part of it.

“Hindi ko na iniisip na competition ito, e. Na maglalaban-laban ito at ang iba pang entries ng MMFF.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa Sunday All Stars (SAS) kahapon, Linggo, December 8.

MMFF ENTRY. Sa kabilang banda, masarap sa pakiramdam ni Rocco na may pelikula siyang kasali sa MMFF.

Proud nga raw siya para sa kanyang pinagbibidahang filmbio na Pedro Calungsod: Batang Martir.

“Excited!” bulalas niya.

“Halu-halo ang pakiramdam ko.

“Masaya na parang napi-pressure, pero mas nangingibabaw ang excitement.

“Excited na kami na ibahagi sa mga tao yung buhay ni Pedro Calungsod at yung mga lessons nito, lalo na sa mga kabataan.”

Excited na rin ba siya sa posibilidad na manalo bilang Best Actor?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posibleng makalaban ni Rocco sa kategoryang MMFF Best Actor sina Robin Padilla (10,000 Hours), Vic Sotto (My Little Bossings), ER Ejercito (Boy Golden), at Vice Ganda (Girl Boy Bakla Tomboy).

“Naku, sana!” sabay ngiti ni Rocco.

“Kung merong chance… I’m keeping my fingers crossed.

“At kung qualified yung aking pagganap bilang Pedro Calungsod at kung nagustuhan nila, malaking honor sa akin iyon.”

Dagdag pa ng StarStruck alumnus tungkol sa kanilang pelikula, “The film is really beautiful, pati yung trailer.

“Naiyak ako sa trailer dahil napakaganda ng pagkakagawa. Akala mo pang-Hollywood, e!

“Talagang… it’s well-budgeted. Pinaghandaan na mabuti, maganda ang pagkakagawa.

“Kaya nothing but high hopes for this project.”

Ibig sabihin, inaasahan niyang hahakot ng awards ang Pedro Calungsod sa MMFF Awards Night?

“Yes, I hope,” tugon ni Rocco.

“Dahil napakaganda ng pagkakadirek ni Direk Francis [Villacorta].

“And also, the locations are beautiful.

"Pati yung shots, napakaganda. We have great cinematographers.

“Kaya kumbaga, perfect team. Nag-jive lahat kaya napakaganda ng kinalabasan.

“Pati yung performance ng cast… we have great artists.

“I’m hoping to win an award, but I’m not expecting.

“And excited talaga ako sa pelikulang ito.

“Bago ang showing sa December 25, magkakaroon kami ng premiere night dito sa Manila. At meron din sa Cebu, para sa mga Cebuanos.”

Iimbitahin ba ni Rocco para manood ng premiere night si Lovi Poe, ang kapareha niya sa primetime series ng GMA na Akin Pa Rin Ang Bukas?

“Hindi ko pa alam, pero i-invite ko siya na maging date ko sa awards night.

“Kakanta kasi ako, e!” tawa niya.

Pang-lucky charm niya si Lovi sa MMFF Awards Night?

“You can say that… oo,” pagsang-ayon ni Rocco.

“Pero ano, sabi ko sa kanya nung nagtanong ako sa kanya kung puwede ko siyang maging date, pumayag naman siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN