Alwyn Uytingco dreams of beach wedding with Jennica Garcia; excited over upcoming project with TV5

Alwyn Uytingco likens his relationship with Jennica Garcia to a rainbow: "Ang kulay, e, makulay. I mean, sobrang walang dull moment. I mean… ibig kong sabihin, hindi lang puro masaya, minsan may konting problema. Pero that’s a part of it, e."


Magiging busy raw ang Christmas season ng Kapatid talent na si Alwyn Uytingco dahil sa patuloy na taping ng kinabibilangan niyang weekly gag show sa TV5, ang Tropa Mo ’Ko Unli.

Bukod dito, kasalukuyang umiikot ang cast sa iba’t ibang schools upang dalhin mismo dun ang kanilang programa.

Ngunit hindi naman alintana ni Alwyn na may trabaho siya sa panahong ito.

Saad niya, “Masaya, masaya… Etong past few months, grabe!

“Pag nagte-taping kami, parang stress-reliever yung taping namin.

“Although mahirap pa rin... hindi siya madali magpatawa [ng tao], mag-deliver ng jokes.

“Pero masaya, kasi yung people that is part of the show—the directors, the crew, the staff—lahat sobrang good vibes lang kami.

“So, sabi ko nga, last week wala kaming taping, tapos nag-text sila na pack-up.

"Sobrang lungkot ko kasi di buo ang araw ko kung walang taping, e, ng Tropa.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Alwayn bago magsimula ang school tour ng kanilang programa sa STI College Cainta, noong Biyernes, December 6.



BIGGEST ROLE. Bukod sa Tropa Mo Ko Unli, may pinaghahandaan ding bagong proyekto si Alwyn na ipalalabas sa January 2014 sa TV5.

“Pinag-iisipan pa nila kung ano yung magiging title, pero basically, yun, kasama ako.

“Hindi ko pa alam yung full details, e, siguro sa next presscon.”

Ang huling drama series na kinabilangan ni Alwyn para sa Kapatid network ay ang Cassandra: Warrior Angel, kung saan nakasama niya sina Eula Caballero at Gabby Concepcion.

Isa sa mga ikinatutuwa ni Alwyn sa bago niyang proyekto ay maaaring ito na ang biggest role na kanyang magagampanan. Posible ring isa siya sa mga bida ng drama series na ito.

Sino naman kaya ang makakatambal niya sa proyektong ito?

Sagot ni Alwyn, “Ayun po yung tanong!

“Ayun ang tanong: kung leading lady o leading man!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron na kayong clue, ha!

“Pero hindi pa, basta yung details kasi hindi pa kumpleto.”

Kung sakaling bigyan daw siya ng gay role sa sa kanyang bagong project, nais niyang malayo ito sa naging takbo ng istorya ng hit primetime series ng GMA Network—ang My Husband’s Lover.

“Iiwas tayo diyan, iiwas tayo.

“And yun din ang ano [opinyon] ko.

“Para sa akin, I’ll make sure it’s a different offering for story for the viewers.”

Hindi pa maibigay ni Alwyn ang mga detalye ng kanyang next project, ngunit isa sa mga usap-usapan ngayon ay makakasama si Alwyn sa Filipino adaptation ng South Korean drama series na Pink Lipstick.

Kasama rin daw sa cast sina Arci Muñoz, Nadine Samonte, at Rainier Castillo.



GOING STRONG. Samantala, isa rin sa naitanong ng press ay kung kumusta na ang relasyon nila ng Kapuso talent na si Jennica Garcia.

Sa susunod na taon, magse-celebrate na ng kanilang fourth anniversary ang magkasintahan.

Nang tanungin kung saan niya maihahalintulad ang kanilang relasyon, ang sagot ni Alwyn: “Para siyang rainbow.”

Paliwanag niya, “Ang kulay, e, makulay.

“I mean, sobrang walang dull moment.

“I mean, ibig kong sabihin, hindi lang puro masaya, minsan may konting problema.

“Pero that’s a part of it, e.

“A good relationship has to have those kinds of situation na magpapatibay sa inyo. So, ayun.

“And at the end of the rainbow, there’s a pot of gold.”

Gaya ng ibang makasintahan, may ilang bagay rin daw silang pinag-aawayan ni Jennica.

Kuwento ng Kapatid star, “Sabihin naman natin nag-away kami, alam mo yun, petty lang yung reasons, e.”

Si Alwyn na rin daw ang gumagawa ng paraan upang magkabati sila ni Jennica.

Ngunit malaking tulong din daw ang kanilang mga kaibigan para maayos ang kanilang di pagkakaintindihan.

Aniya, “Sa ’ming dalawa, minsan pag kasalanan ko, ako mismo gumagawa ng paraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I let myself heal first before I go to her and then pag-uusapan namin yung mga bagay.

“And at the same time, yung friends, friends mo na nagbibigay sa ’yo ng tamang payo.

“Ayun, sobrang napakalaking tulong.”



MARRIAGE TALKS. Una nang naibalita ng PEP na pinaghahandaang mabuti ni Alwyn ang magiging future nila ni Jennica.

Sinabi rin ni Alwyn na mas gugustuhin niyang makapag-settle down na sila ng kasintahan.

Read: Alwyn Uytingco on tying the knot with girlfriend Jennica Garcia soon: “Naniniwala ako na wala na kaming ibang pupuntahan kundi yun.”

Hindi na masyadong nagbahagi si Alwyn tungkol sa kanilang planong pagpapakasal.

Nungit ayon sa kanya, magugulat na lang daw ang lahat kung sakaling magdesisyon silang dalawa na mag-"level up" na sa kanilang relasyon.

Aniya, “Level up, kasi it’s a big thing to do.

“And I believe pag dumating yung araw na ’yon, dadating ’yon.

“At lahat tayo magugulat na lang tayo na, ‘Wow! Nag-level up sila!’”

Inamin naman ni Alwyn na napag-uusapan na rin nila ni Jennica ang pagpapakasal.

Kuwento niya, “Minsan kapag kunyari nanonood kami ng films na parang, ‘Wow! Ang sarap ng ganun, yung mag-settle down!’

“Siyempre, napag-uusapan namin, pero kailangan priorities muna.

“Basta ang importante sa amin ngayon, magawa namin yung kailangan gawin, magkaroon ng stability.”

Ano ang kanyang dream wedding?

Sagot ni Alwyn, “Ako, personally, dream wedding ko, gusto ko simple lang.

“Gusto ko intimate lang.

“Tapos gusto ko beach wedding, kasi mahilig ako sa dagat, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN