Ervic Vijandre says Ariella Arida’s busy schedule is not an issue in their growing romance

Ervic Vijandre on status of his relationship with Ariella Arida: “Basta very happy ako kung anong meron kami. Very happy ako na nakakasama ko siya minsan, na sumusuporta ako sa kanya."


Bilang nag-iisang lalaking malapit kay Miss Universe 2013 third runner-up Ariella Arida, consistent si Ervic Vijandre sa pagpapakita ng suporta sa dalaga.

Madalas ay abala si Ariella sa iba’t ibang charity events ng Binibining Pilipinas organization, kaya basta may pagkakataon ay sinasamahan siya ni Ervic upang magkaroon sila ng quality time.

Tulad noong dumalo si Ervic sa Metro Society fashion show for a cause, kung saan isa si Ariella sa mga modelong rumampa sa catwalk.

ALL-OUT SUPPORT FOR ARIELLA. Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ervic sa naturang event na ginanap sa Solaire Grand Ballroom, noong December 1.

Dito ay sinabi ni Ervic, 27, na hindi sumagi sa isip niya na ma-threaten kung sakaling si Ariella ang nakakuha ng Miss Universe crown at panandaliang mamalagi ito sa ibang bansa.

Hindi rin daw isyu sa kanya ang kawalan ng oras ni Ariella, 25, dahil sa pagiging abala nito sa trabaho.

“Ay, hindi. Sobrang ipinagdadasal ko na maging masaya lang siya.

“Kung yun ang magpapasaya sa kanya, siyempre yun ang gusto ko.

“Hindi ko naman puwedeng ipag-pray na sana huwag siya manalo para kasama ko siya.

“Siyempre, nakasuporta ako sa kanya kung anumang mas makakaganda sa career niya,” nakangiting bungad ni Ervic, na matiyagang naghintay kay Ariella hanggang matapos ang fashion show.

REAL SCORE. Matatandaang nauna nang naiulat ng PEP ang tungkol sa pag-amin ni Ervic na "exclusively dating" na sila ni Ariella.

Read: Ervic Vijandre on real score with Ariella Arida: "Exclusively dating."

Kaugnay nito, tinanong muli namin siya kung paano niya ia-assess ang relasyon nila ngayon.

Sagot ni Ervic, “Basta very happy ako kung anong meron kami.

"Very happy ako na nakakasama ko siya minsan, na sumusuporta ako sa kanya.”

Kuwento pa niya, siya raw yung tipong one-woman man at talagang ipararamdam sa babaeng minamahal kung gaano ito kahalaga para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang halimbawa nito ay ang ginawang pagtatanggol ni Ervic kay Ariella noong nakatanggap ito ng pambabatikos mula kay DJ Mo Twister.

Read: PEP EXCLUSIVE Ervic Vijandre on Mo Twister’s negative comments about Ariella Arida: "Ang intensyon talaga ni Mo, sirain talaga siya."

Sabi ni Ervic tungkol dito: “Ganun kasi ako. Hindi ko kayang hayaan yung taong mahal mo na parang aaway-awayin.”

ON SETTLING DOWN. Kung sakaling maging opisyal na silang magkasintahan ni Ariella, handa ba siyang magpakasal agad o mas gusto niya ang long engagement?

Sagot ni Ervic, “Depende. Iba-iba naman yung klase ng sitwasyon.

"Kung ano man nangyayari sa amin… we’ll see. Hindi ko masasagot sa ngayon.

“Pero ako, medyo ready ako.

"Siguro five or three years from now. Nasa right age naman na ako.

“Kung hindi ako nag-artista, baka three years ago, baka may family na ako.

"Ganoon kasimpleng buhay yung gusto ko kasi.”



BASKETBALL OR SHOWBIZ CAREER? Sa kasalukuyan, naka-focus si Ervic sa kanyang basketball career bilang bagong miyembro ng PBA Developmental League (D-League) team na Wangs Basketball Couriers.

Ang PBA D-League ay official minor league basketball organization na kinabibilangan ng 13 teams.

Patuloy na pahayag ni Ervic tungkol sa pinagkakaabalahan niya ngayon, “Actually, na-draft ako nung PBA draft for Rain or Shine nung November 3.

“Eto [Wang’s Couriers], part talaga ako ng team.

"So, kailangan ko lang mag-join ng PBA draft to join my team, kasi nga overage ako.

“To be able to play, kailangan maging free agent ako.”

Dagdag niya, “Ongoing na, since first week of November or last week of October. Kaya every day nagpa-practice ako ng basketball.”

Kasabay nito ay kinuha rin si Ervic na maging parte ng cast ng Genesis, ang teleseryeng pinagbibidahan ni Dingdong Dantes sa GMA Network.

“Nung una, wala talaga akong ginagawa kaya nag-basketball ako.

"Sakto nung wala akong project, opening ng D-League, naglaro ako, biglang pumasok yung Genesis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isa ako sa goons ni TJ Trinidad. Parang sidekick niya ako na magpapahirap kay Dingdong Dantes.

“November lang din nag-umpisa yung role ko sa teleserye.

“Pero since two months na ako nag-training for D-League, hindi ko bibitawan yung basketball.”

Ganunpaman, kapag may dumating daw na iba pang TV offers ay handa pa rin sumabak si Ervic sa larangan ng pag-arte.

Sabi niya, “Kasi nung mas bata ako, first love ko talaga ang basketball.

"Pero siyempre, naisip ko na rin na kung sakaling ma-injure ako sa basketball, tapos agad ang career ko.

“With acting, mas natututo pa lang ako. Ito yung career na puwede ako mag-grow.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN