Janice de Belen reveals she is now on speaking terms with ex-husband John Estrada

Inamin ni Janice de Belen na nag-uusap na silang muli ng kanyang ex-husband na si John Estrada. Sabi ng aktres, “Okay kami. Yun na lang yun. That’s a good start.”


Inamin ni Janice de Belen na nag-uusap na sila ngayon ng kanyang dating asawang si John Estrada.

Sa Buzz Ng Bayan kahapon, December 8, naging topic ng mga host kung kaya ba nilang harapin ang mga karelasyon ng kanilang ex, o ang mga ex ng kanilang karelasyon ngayon.

Sagot ni Carmina Villarroel: “Ako, kung kaya kong harapin ang ex ni Zoren [Legaspi, her husband]? Ako, kaya ko.”

Paano naman kung ex niya, kabilang na ang dati niyang asawa na si Rustom Padilla na si BB Gandanghari na ngayon?

Natatawang sagot ni Carmina: “Ex ko? Kaya ko! Sila, kaya ba nila?”

Pagkatapos nito ay ibinato niya ang tanong kay Janice.

Sagot ng actress-TV host: “Kaya ko na… Teka, alin ba sa mga ex ko?”

Si John?

“Si John? Oo naman,” sabi ni Janice.

Dagdag pa niya, “You know, the truth is nag-uusap na kami ni John.”

Nagulat si Carmina sa sagot ni Janice, ngunit masaya raw ito para sa kaibigan at co-host.

Tinanong din ni Carmina si Janice kung paano ito nangyari at kung sino ang nag-initiate ng kanilang pag-uusap.

Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng marami na hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Janice at John pagkatapos ng siyam na taong pagsasama bilang mag-asawa.

Ikinasal sila noong 1992, naghiwalay noong 2001, at na-annul ang kanilang kasal noong 2004.

Tanong naman ni Boy Abunda, importante pa ba kung sino ang nag-initiate ng kanilang pag-uusap muli?

Sagot ni Janice, “Feeling ko, hindi.

“First, we have kids. Naging mag-asawa kami. Hindi naman kami naging mag-boyfriend lang.

“Those are different dynamics.”

Apat ang naging anak nina Janice at John—sina Moira, Kyla, Ina, at Yuan.

Wala na ba silang problema ni John?

Napaisip muna si Janice at saka sumagot ng: “Okay kami. Yun na lang yun. That’s a good start.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN