Marian Rivera does not want boyfriend Dingdong Dantes as her director

Ito ang paliwanag ni Marian Rivera kung bakit ayaw niyang maging direktor ang kasintahang si Dingdong Dantes sa isang proyekto: “Alam naman nating lahat na malalim ang pagmamahalan naming dalawa. Paano mahihiwalay ko yun na, ‘O, acting ka, kissing scene kayong dalawa.’ Parang ang hirap naman nun! Siyempre, maiilang din naman ako, kahit sabihin natin na ‘be professional.’ Siyempre, masyadong strict… hindi ko kakayanin yun.&quo


Noong April 2013 pa natapos ang huling primetime series ni Marian Rivera sa GMA, ang Temptation of Wife, kaya naman nasasabik na rin ang aktres na magkaroon muli ng teleserye.

Bagamat nagsimula nang rumolyo ang kamera para sa kanyang susunod na primetime series—Carmela: Ang Pinakamagandang Babae Sa Ibabaw Ng Lupa—ay sa January 2014 pa ito maipalalabas.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kay Marian kahapon, December 8, ay ikinuwento nito ang magiging takbo ng istorya ng Carmela.

“Laking kumbento ako dito, so medyo finesse-finesse-an.

“Hanggang sa hinahanap ko ang nanay ko dito, maraming mga masalimuot na mangyayari sa aming mag-ina.

“At siyempre, alam naman nating lahat na ang soap ay kailangan palaging may leading man—at nandiyan si Alden [Richards] para gawin ang ganoong bagay.

“Pero ito pong soap, ang focus niya talaga ay sa mag-ina.

“Tapos, magkakagusto ako kay Alden. Hanggang sa, ‘Itutuloy ko ba o hindi?’ Yung mga ganun.

“Siyempre, alam niyo naman, sa bandang huli, may revelation, may maghihiganti.”



WHAT’S IN THE NAME? Ipinaliwanag naman ni Marian kung bakit mula sa “Katarina” ay naging “Carmela” ang pangalan ng karakter na gagampanan niya.

Natatawang sabi ni Marian, “Ayoko po ng Katarina, nagreklamo po talaga ako, to be honest.

“Nag-usap kami ni Tatay [Tony Tuviera]. Sabi ko, ‘Tay, may bago akong show, ang title, Katarina.’

“Sabi ni Mr. T, ‘Parang hindi maganda ang Katarina.’

“Hanggang sa nag-isip ako ng pangalan, at naisip ko si Carmela.

“Tapos, tinext ko sa GMA, naaprubahan naman.”

Bakit niya gusto ang pangalang Carmela?

“Actually, yung Carmela... nag-isip ako ng pangalan.

“Parang kapag umarte ka, ‘Katarina, mahal kita…’

“E, ang Carmela… ‘Carmela, mahal kita’—mas okay.

“At saka, na-research ko, ang Carmela, ang ibig sabihin, pinakamagandang babae na sanggol.

“Spanish o Italian yata… hindi ako sure.”



SITCOM. Ang unang nabalitang gagawin ni Marian nang pumirma siyang muli ng kontrata sa GMA noong Agosto ay sitcom. Ano ang nangyari rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa Kapuso Primetime Queen, “Ay, actually po, ako po ang nakiusap sa GMA.

“Sabi ko, kapain muna itong Carmela. Gusto ko kasing mag-focus dito.

“Ngayon, kapag nakapa ko na si Carmela, by January po, magsi-sitcom na po ako.

“Mahirap naman po kasing biglain.”



DINGDONG AS HER DIRECTOR. Samantala, inamin ni Marian na ayaw niyang magpadirek sa boyfriend niyang si Dingdong Dantes kung sakaling balikan nito ang pagdidirek.

Paliwanag niya, “Actually, ako rin, ayokong idirek niya ako.

“Kasi, strict si Dong, ganun din ako.

“Alam naman nating lahat na malalim ang pagmamahalan naming dalawa.

“Paano mahihiwalay ko yun na, ‘O, acting ka, kissing scene kayong dalawa.’ Parang ang hirap naman nun!

“Siyempre, maiilang din naman ako, kahit sabihin natin na ‘be professional.’

“Siyempre, masyadong strict… hindi ko kakayanin yun.

“Pero kung lambing-lambingan lang, siguro yun, kaya pa!” tawa pa niya.



NEXT MOVIE. Ang huling pelikula naman ni Marian ay ang Kung Fu Divas na ipinalabas noong Oktubre.

Kailan niya ito planong sundan? Nadala ba siya sa naging resulta sa takilya ng pelikula nila ni Ai-Ai delas Alas?

Sabi ni Marian, “Sa totoo lang, ang hirap talagang gumawa ng pelikula.

“Hindi natin alam kung ano ba talaga ang tatangkilikin ng tao, kung ano ang magki-click.

“Parang sa experience ko rin, kailangan siguro, tamang project.

“Okay naman ako sa Kung Fu Divas… nominated din siya sa ibang bansa.

“Isa siya sa pinaka… sinasabi nila sa film festival sa ibang bansa.

“Kami ni Ate Ai-Ai, nag-usap kami.

"Hindi man OA ang kinita namin, na milyonarya kaming mga producers, ang importante, masaya kami na nag-bonding kami together nila Ate Ai.

“Nabawi ko naman po ang pera ko kahit papaano—okay na yun.

“Ganoon naman po talaga ang buhay... experience.

“Yung susunod, bahala na kapag nakapag-produce ulit ako.”

Film producer din naman si Dingdong, wala ba silang plano na mag-produce na silang dalawa ang magkasosyo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Marian, “Ay, may offer po siya sa akin na mag-produce kami together.

“Pero sabi ko, iisipin ko.

“Ang pagpo-produce kasi, hindi biro ang inilalabas na pera talaga.

“Kahit ako, na-experience ko rin ‘yan. Ang hirap pala.

“At hindi birong mag-produce ng pelikula, as in sakit-ulo.


“Okay na ako dun, basta nabawi naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN