Tropa Mo Ko Unli cast members prefer a simple Christmas amid Yolanda tragedy

Tinanong ng PEP ang cast ng TV5 gag show Tropa Mo Ko Unli—kabilang sina Gelli de Belen, Ogie Alcasid, at Tuesday Vargas—kung dapat pa bang ipagdiwang ng mga Pilipino ang Pasko sa kabila ng iniwang trahedya ng bagyong Yolanda. Halos lahat sila ay sumagot ng "oo," dahil ito ang araw ng kapanganakan ng Panginoong Hesukristo. Pero simple lang ang plano nilang pagdiriwang ngayong taon.


Unang linggo ng Nobyembre nang manalasa ang bagyong Yolanda sa Eastern at Central Visayas.

Nabalot ng kalungkutan at pagkaawa ang buong bansa dahil sa mga namatay sa trahedya. Sa huling report tungkol dito ng National Disaster Risk Reduction and Management Council noong November 26, nasa 5,922 na ang bilang ng namatay sa pagsalanta ng bagyong Yolanda.

Marami rin ang nawalan ng mga tahanan at hanggang ngayon ay sinisikap pa ring bumangon sa pagkalugmok.

Isang buwan pagkatapos ng trahedya, ramdam pa rin ang lungkot ng ating mga kababayan, kahit na nalalapit na ang isa sa pinakamasayang okasyong ipinagdiriwang ng marami—ang araw ng kapanganakan ng Panginoong Hesukristo, ang Pasko, sa Disyembre 25.

Marami nang kumpanya ang nagkansela sa kanilang taunang Christmas party upang i-donate na lang sa mga nasalanta ang perang gagastusin sana sa kasiyahang ito.

Ang ibang pamilya naman ay iniisip na gawing simple na lang ang pagdiriwang ng Pasko ngayon taon.

Ang malaking katanungan ngayon: Dapat pa bang ipagdiwang ng mga Pilipino ang Pasko sa kabila ng iniwang trahedya ng bagyong Yolanda?

Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)—sa tulong na rin ng TV5 PR na si Paul Mata—ang sagot at reaksiyon sa tanong na ito ng ilang miyembro ng cast ng gag show ng TV5, ang Tropa Mo Ko Unli, noong bisitahin namin ang taping at campus tour ng show sa STI-Ortigas, Cainta, noong Disyembre 6.

Narito ang kanilang mga sagot:

OGIE ALCASID – “Oo naman. Pero siguro huwag… tulad ng ibang kumpanya, di ba, huwag naman tayong maging insensitive, di ba?

“Yung magpakalasing tayo, magtapon ng pera... Siguro let’s be more sensitive to others.

“Definitely, we should celebrate the birth of Christ, pero siguro yung dati nating ginagawa na splurge, yun, huwag na yun.

“Let’s be mindful of that kasi mali, e, ang daming nagsa-suffer and then you’re splurging, you’re using money not in a right way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa akin lang yun, ha. But definitely, we still have to celebrate the birth of Christ.

“Maybe yun din ang gustong sabihin sa atin ng Panginoon, di ba, parang ‘O, Pasko na naman ngayon, mag-aano na naman kayo, magpa-promise na naman kayo sa sarili niyo, tapos hindi niyo na naman matutupad.’ Ganito, ganyan.

“Baka naman tama yung a simple thanksgiving na lang, di ba?”



GELLI DE BELEN – “Yes, of course, because we are celebrating the birth of our Lord.

“Siguro hindi naman sa laki ng celebration e. It’s just celebrating His birth and it’s a tradition.

“Maybe instead of spending one hundred, we get to spend fifty pesos, and the other fifty pesos you can donate para pakikiramay.

“But you know, life must go on.

“Life must go on for all of us, although nakikiramay tayo and we know that it’s such a trying time for the country.

“Pero dapat magkaroon tayo ng semblance of normalcy pa rin.”



WENDELL RAMOS – “Sa akin, tradisyunal na iyon sa atin, alam mo.

“Even before, kahit na hindi pa nangyayari yung sunud-sunod na kalamidad… even before minsan yung economy natin, may economy crisis na nangyayari, still yung mga Pilipino, yung spirit of Christmas, nandoon pa rin.

“That’s why maraming nag-migrate sa abroad, but still looking forward na makapag-celebrate ng Christmas dito sa atin, kasi it’s not all about the money or kung anuman yun.

“Yung gathering at saka yung mga tao busy-busyhan kahit alam mong sakto lang yung pera. But still, yung spirit of Christmas, nandoon.

“Siyempre nandoon yung lungkot, but still, alam mo yun, nandoon naman yung mga Pilipino na tumutulong din sa Yolanda—hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa.

“At saka kung iisipin natin yun, mas lalo tayong mai-stress.

“Dapat this one, ibigay muna natin sa Pasko dahil araw ng kapanganakan ni Hesus yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



EMPOY – “Siguro ang pinakamagandang paraan ng pagse-celebrate ng this coming Christmas ay yung pagtulong doon sa lahat ng mga nasalanta ng bagyong Yolanda, nang sa ganun, doon makikita ng lahat ng tao at saka ng lahat ng Pilipino yung totoong spirit of Christmas.

“Give love on Christmas day kasi, people making list, buying special gift, taking time to be kind to one and all…”



TUESDAY VARGAS – “Oo naman, ba’t hindi? Pasko pa rin, e.

“Pero mas simple at saka tama na yung mga exchange gift na something round, something ano, yung mga paepektos na walang gamit sa buhay.

“Regaluhan mo ng magagamit at saka useful, tapos hindi kamahalan, yun lang.

“Mas okay naman ang mas simpleng buhay kahit hindi Pasko.”



RITZ AZUL – “Oo naman. For me naman kasi, yung Pasko, araw-araw naman yun.

“At saka hindi ako masyadong partikular sa isang araw lang na December 25, mas inaano ko yung araw-araw talaga.

“As much as possible, gusto kong gawin na araw-araw makapagbigay.

“Kasi yun ang natutunan ko din na ipakita ang pagmamahal mo kahit hindi sa isang araw, sa isang partikular na araw na iyon.

“Mas maganda kung araw-araw para mas marami kang blessings na matatanggap.

“Kung anuman yung tulong na ginawa ko para sa Yolanda, hindi ko siya binabanggit.

“Kasi pag binanggit ko, parang mawawalan ng bisa, mawawalan ng sense, ganun. Kaya gusto ko akin na lang.

“At least, may iba namang nakakakita noon.”



ALWYN UYTINGCO – “I think kahit anong mangyari, kailangan nating mag-move on.

“Pero yun nga, right now, hindi natin kailangang i-celebrate nang magarbo.

“Instead na gawin nating sobrang engrande, siguro gawin nating fifty percent kung kakayanin naman mag-change, di ba?

“Siguro para i-share na lang natin sa ibang kababayan natin, yung mga nasalanta.

“Siguro yun din ang isa sa mga reason kung bakit simple lang yung gathering namin ngayon, yung celebration.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SOPHIE ALBERT – “Oo naman, it’s our way of giving thanks to Jesus Christ.

“Kahit naman nangyari yung Yolanda we’re still here, we’re still alive. We have to celebrate that also.

“It’s a Christian ritual, so dapat hindi mawala yun.

“But it’s also the time to pray for the people affected by Yolanda.”



VIN ABRENICA – “Oo naman, kailangan pa ring i-celebrate ang Pasko kasi yun ang time na nagsasama-sama ang buong pamilya.

“Kahit naman hindi magarbo, basta buo ang pamilya. Kahit small salu-salo lang, tapos mag-pray na lang.

“Isama na rin natin sa dasal natin ang mga naapektuhan ng Yolanda.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN