PEP EXCLUSIVE. Phil Younghusband "still in love" with Angel Locsin; denies rumor linking him to KC Concepcion

Kinumpirma ni Phil Younghusband na bukas na muli ang komunikasyon nila ng dating kasintahan na si Angel Locsin. Sabi ng football player, "I think it’s good, so as we say, that we are still friends, and it’s good to communicate with each other."


Kinumpirma ni Phil Younghusband ang sinabi ng kanyang ex-girlfriend na si Angel Locsin na bukas muli ang komunikasyon nila sa isa’t isa.

Read: Angel Locsin confirms time is one cause of breakup with Phil Younghusband; denies money is another

Ito ang sinabi ni Phil sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya, sa Masterpieces: Digital Art in the Philippines ng Samsung kagabi, December 9, sa Ayala Museum, Makati City.

Sabi ng 26-year-old athlete, “Yeah, yeah, we communicate…

"I think it’s good, so as we say, that we are still friends, and it’s good to communicate with each other."

Pinag-usapan na rin kaya nila ang naudlot nilang relasyon?

Sagot ni Phil, “No, no, I mean… she knew I had my UFL [United Football League] Cup finals and she wished me good luck, things like that.

“So it makes me feel good to know that we’re still… in communication.”

Nanalo naman ang koponan nilang Loyola Meralco Sparks laban sa Panchanga Diliman FC noong December 6, sa score na 3-2.



MONEY AND TIME ARE NOT THE REASONS. Sa naunang panayam kay Angel, mahigpit nitong pinabulaanan ang usaping pera diumano ang naging dahilan ng breakup nila.

Sinang-ayunan din ito ni Phil.

Saad niya, “Well, money… money is definitely not the reason.

"Me and Angel are quite independent and we’re financially… we’re very okay.

"So, money would not be the cause of any reason for us to breaking up.”

Kasunod naming inusisa ang tungkol sa kawalan nila ng oras, na siyang sinabi ni Angel na isa sa mga dahilan ng kanilang breakup.

Tugon dito ni Phil, “Well, Angel is very busy… I mean and I’m very busy as well.

"And for the last three months, I’ve been out of the country.

“And for all the time... and I know Angel is doing her things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But we always found the way to find time… so money and time were never the reason to the breakup.

"So, there’s no reason for people to think that.”



ON KC CONCEPCION. Noong Oktubre 2013 lamang naghiwalay sina Phil at Angel pagkatapos ng halos dalawang taong relasyon.

Opisyal na naging magkasintahan sina Phil at Angel noong May 27, 2012.

Wala raw third party sa hiwalayan.

Diin ni Phil, “No, no... definitely no third party.”

Pero kamakailan lamang ay naugnay ang pangalan ni Phil kay KC Concepcion.

Lumabas kasi sa ilang pahayagan, at maging dito sa PEP, ang pahayag ni Angel na si KC diumano ang unang naging crush ni Phil.

Sinula noon, naging usap-usapan na sina KC at Phil.

Matapos nito, mariing itinanggi sa Twitter ni Phil (@PhilYHusband) na may ugnayan sila ni KC.

Ayon pa sa kanyang tweet noong December 5: “No truth to the rumour. I only met KC once and I was with angel for a buzz interview a long time ago. Hope this ends the chismis.”

Sa panayam ng PEP kay Phil kagabi, ipinaliwanag nito ang tungkol sa isyu.

Aniya, “I don’t really know KC.

"I’ve only met her once on a past interview with Angel.

"So the rumor is untrue… it’s not true.”

Wala rin daw siyang cellphone number ni KC, at hindi rin daw niya ito tinu-tweet.

Ani Phil, “No, no, I’ve never tweeted, I’ve never texted KC, I’ve never called KC.

"So these are reasons for people to think that there’s anything going on.”

Lovable ba si KC sa paningin niya?

Natawa muna ito sabay sabing, “I love Angel that’s why… I’m still in love with Angel, so...

"Angel is the only one I’m thinking about on my lonesome.”

May balak ba siyang suyuin ulit si Angel?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiti niyang sagot, “Uhm, who knows in the future?

"But right now, we’re clear that there’s a mutual understanding… mutual agreement that it’s better for us to part ways.

"But we’re still in touch and you’ll never know what the future holds.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN