Kris Aquino goes for a simple celebration this Christmas

“Hindi naman tama to have big celebrations,” says Kris Aquino about forgoing a grand celebration with family and friends this year. But the staff in her show Kris TV will have their usual Christmas treat: a portion of her fee to be divided among the staff.


Kung dati ay magarbo ang pagdiriwang ng pamilya at mga kaibigan ni Kris Aquino ng Pasko, ngayon ay mas simple ang kanilang handaan dala ng mga kalamidad na dumating sa bansa ngayong taon.

Matatandaan na noong Oktubre, isang matinding lindol ang tumama sa Bohol. Ilang linggo pa lamang ang nakalilipas, ang super typhoon Yolanda naman ang nanalasa sa maraming bayan ng Visayas.

Dahil dito, sabi ni Kris ay “pack-up” na ang anumang selebrasyong para ngayong Pasko na inihanda ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at pati na mga katrabaho.

Paliwanag ni Kris, “Kasi, hindi naman tama to have big celebrations.”

Matapos ang hagupit ni Yolanda, naging aktibo si Kris sa sa fundraising at relief operations na isinagawa ng ABS-CBN Sagip Kapamilya Foundation.

Sa kabila nito, hindi naman kinalimutan ni Kris ang responsibilidad niya sa kanyang mga tauhan sa show at sa bahay.

Sabi ng Kris TV host, “For my show, because naging patakaran ko na isang portion ng binayad sa akin hinati-hati nila, so idi-distribute ko ‘yon.

“‘Tapos, I already gave the 13th month and Christmas bonus for my staff.’”

Pero pagdating sa kanyang pamilya, sabi ni Kris, “As far as my family is concerned, I know that we have to be sensitive to the needs of others.

“Mas maganda naman yata talaga to pay it forward, itulong natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN