Vice Ganda and Dawn Zulueta will spend Christmas day celebrating its joy with family and friends

“Magiging masaya. Choice ko ‘yong maging masaya ‘yong Pasko ko ngayon kaya walang magiging pagkakaiba sa Pasko ko last year,” says Vice Ganda (left) when asked how he will celebrate Christmas this year.

Dawn Zulueta (right), in a separate interview, says she will also seek the joy of Christmas this year, as she does every year.


Tuloy na tuloy pa rin ang pagdiriwang ng Pasko sa kabila ng mga trahedyang dumating sa bansa ngayong taon—ang malakas na lindol sa Bohol at ang paghagupit ng super typhoon Yolanda sa Visayas.

Para sa comedian-TV host na si Vice Ganda, hindi dapat maging dahilan ang mga nangyari sa bansa para ipagpaliban ang pagdiriwang ng Pasko ngayong taon.

“Bakit hindi?” sagot ni Vice nang tanungin siya kung dapat bang magdiwang ng Pasko ngayon.

Katuwiran ng Girl Boy Bakla Tomboy lead actor, “Ang sine-celebrate naman natin ay hindi ‘yong disaster kundi ‘yong pagkapanak ng Panginoon natin.

“Hindi naman por que nagkaroon ng delubyo o disaster, e, hindi na maipapanganak si Hesus.”

Dahil dito, sabi ni Vice, walang magbabago sa pamamaraan niya ng pagdiriwang ng Pasko ngayong taon.

Sabi pa niya tungkol dito, “Magiging masaya. Choice ko ‘yong maging masaya ‘yong Pasko ko ngayon kaya walang magiging pagkakaiba sa Pasko ko last year.”

TIME OF GIVING. Ganito rin halos ang naging pahayag ni Dawn Zulueta tungkol sa araw ng Pasko.

“Oh my goodness, it’s Christ’s birthday, how can we not celebrate it?” ani Dawn.

Para sa dating Bukas Na Lang Kita Mamahalin actress, isang magandang pagkakataon pa ang Pasko upang magpasalamat sa lahat ng tulong ng maraming bansa para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Aniya, “You know, we have so much more to be thankful for.

“Like, I think one of the things that I wanna share with you that I’m so grateful for, which I only saw when this [Yolanda] happened, was how much pala the world still loves us.”

Dahil raw sa kanyang mga nasaksihan, sabi ng asawa ni Davao del Norte Representative Anton Lagdameo, bumalik ang kanyang tiwala sa natural na kabaitan ng mga tao.

Aniya, “I mean there are still so many good people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m starting to lose hope in humanity because when you watch the news, you see all the killings, the violence and everything—the worst that goes on around the world.

“You start to lose all your confidence in humanity.

“But then, after this happened to us, you see how the world reached out to the Philippines. It’s so heartwarming.

“It just proves to you na mas marami pang mabait na tao sa mundo kaysa sa mga masasama.

“Ang daming nagmamahal sa atin.

“Kasi sa ating mga Pinoy, we also reach out, e.

“In the times also that the other people around the world were suffering, we help also, even as a Third World country.”

Sa huli, sinabi pa ni Dawn na mas lalong dapat ipagdiwang ang Pasko ngayon. “It’s the time that we can all share our blessings with all the victims of the typhoon and the earthquake.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN