Rachelle Ann Go gets tips from Lea Salonga for her Miss Saigon stint

Rachelle Ann go on her preparations for Miss Saigon: “Ang ginagawa ko talaga, pinapakinggan ko every day yung music. Emotionally, ang hirap, e. Ayokong mag-prepare kung ano yung emotion na ibibigay ko... So ngayon, yung music, pina-familiarize ko lang yung sarili ko dun sa music… dun na lang."


Isang hindi malilimutang karanasan para kay Rachelle Ann Go ang maka-duet ang international singer na si Lea Salonga.

Naganap ang kanilang duet sa Playlist concert ni Lea noong December 6 and 7, sa PICC Plenary Hall, kung saan naging guest si Rachelle.

“Nakakakaba! Grabe talaga!” bulalas ni Rachelle tungkol sa kanyang karanasan nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars (SAS) noong Linggo, December 8.

Kuwento pa ng 27-year-old singer, “First time ko siyang maka-duet talaga.

“And sa concert pa niya, nakakatakot magkamali! Alam mo, iyon ang ikinakatakot ko.

“Pero in-enjoy ko na lang yung performance. Parang, di ba, hindi ko alam kung kailan pa mauulit ‘yon.

“So, grabe, sobrang saya!

“Hindi ako makapaniwala talaga na magkakaroon ako ng ganung chance, kaya I’m very thankful.

“Tapos yung director pa, si Direk Bobby Garcia, na siya ang nagdirek ng Miss Saigon dito sa Manila, e.

“So, parang nakaka… hindi ko ma-explain.

“Basta, ang sarap lang ng feeling. Ibang klase!”



MISS SAIGON. Si Lea ang kauna-unahang gumanap bilang Kim sa West End and Broadway production ng musical na Miss Saigon.

Si Rachelle naman ang pinalad na mapiling gumanap bilang Gigi sa West End revival nito sa 2014.

May mga advice at tips bang ibinigay sa kanya si Lea?

“Paulit-ulit niyang sinasabi, ‘Just enjoy London.’

“At saka yung concern ko… kasi alam naman niya yung costume,” pagtukoy ni Rachelle sa costume ng character ni Gigi na napaka-sexy at revealing.

“At yung sinabi nga niya, it’s not really about the costume.

“Sabi niya, ‘The moment you open your mouth, the people will not remember what you’re wearing—it’s your voice.’

“Tapos sabi ko, ‘Hmmm…. Okay, I feel better now!’

“Pero ayun, ang dami niyang tips na ibinibigay sa akin. So, nakakatuwa.”

Paano niya inihahanda ang kanyang sarili para sa Miss Saigon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Rachelle, “Ang ginagawa ko talaga, pinapakinggan ko every day yung music.

“Emotionally, ang hirap, e. Ayokong mag-prepare kung ano yung emotion na ibibigay ko.

“Kasi kapag masyado nang nakabisado ng sistema ko ‘yon, tapos yung director, di ba, may mga kailangan akong sundin?

“Mahirap baliin yung mga nakakasanayan ko.

“So ngayon, yung music, pina-familiarize ko lang yung sarili ko dun sa music… dun na lang.

“Papakinggan ko na lang kung ano ang iutos sa akin ng director.”

Dagdag pa ng Sunday All Stars mainstay, “Anim yata kaming Pilipino na kasama sa cast ng Miss Saigon ngayon. So, nakakatuwa.

“Exciting na… buti hindi lang ako ang Pinoy, ‘no!

“At least, may makakausap din ako ng Tagalog dun! Hahaha! So, yun!”

Bukod kay Rachelle, may dugo ring Pinoy ang napiling gumanap na Kim—ang Filipino-American na si Eva Noblezada.

Ang gaganap naman sa papel ng The Engineer ay ang Pinoy singer-theater actor na si Jon Jon Briones.

Read: Pinoys bag coveted roles of Kim and The Engineer in Miss Saigon West End revival



RACHELLE’S FAMILY. Very proud daw ang pamilya ni Rachelle kaugnay ng pagkakasali niya sa bagong cast ng Miss Saigon.

Saad niya, “Yung parents ko, siyempre sobrang happy. Sila yung unang nakaalam.

“Hindi ko naman naramdaman na natakot sila para sa akin bilang mag-isa ako dun [sa London].

“And mukhang excited sila na dumalaw din, kasi manonood din sila sa akin.

“Ang opening po namin ay May. Tapos yung start po ng rehearsal namin, March 10.

“March to April yung rehearsal, tapos sa May 3 po yung opening.

“Sobrang bilis na lang, kaya ninanamnam ko na yung mga moments ko dito!

“Ngayong Christmas nga,” patuloy ni Rachelle, “gusto kong may gawin with my family.

“Kasi next Christmas, wala ako.

“So, hindi ko alam. Basta gusto ko, kasama ko lang sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May plano ba siyang magbakasyon kasama ang kanyang pamilya?

“Wala pa, e. Sabi ko, kahit saan, basta magkakasama kami.

“Iyon lang ang importante dun,” sabi ni Rachelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN