Kristoffer Martin admits to crying over breakup with Joyce Ching; still finding it hard to move on

Bagamat ayaw sabihin ni Kristoffer Martin kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Joyce Ching, tiniyak ng young actor na walang third party. Dagdag niya, “Kung anuman yung pinakarason, basta sa aming dalawa na lang iyon. Alam naman namin iyon sa isa’t isa. At hindi na namin kailangang ilabas pa iyon.”


Aminado si Kristoffer Martin na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin siyang sakit dahil sa naging breakup nila ni Joyce Ching.

“Masakit pa rin naman, siyempre,” sambit ng Kapuso young actor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Sunday All Stars noong Linggo, December 8.

Patuloy niya, “Magti-three months na since nung nag-break kami.

“And… hindi pa ako totally naka-move on.

“Ayoko na kasi na magsalita ng anumang against kahit kanino, e.

“Ang sa akin lang, life is moving forward, e.

“Yun na lang ang pinapanghawakan ko, e—life is moving forward.”



MINIMAL CONTACT. Nag-uusap pa ba sila ni Joyce?

Sagot ni Kristoffer, “Yeah, nagku-communicate kami.

"Pero very, very minimal na lang.

“Through text, hindi na kami nagtatawagan.

“Pero andun pa naman yung friendship namin, e.

“Before kasi na naging kami, naging matalik na magkaibigan kami.

“Iyon ang kini-keep namin. Iyon ang pini-preserve namin.

“As much as possible, ayaw naming mawala yung friendship.”

Patuloy ng 19-year-old actor, “Hindi ko inakalang darating kami ni Joyce sa point na ‘to—na magkakahiwalay kami.

“Pero hindi nga natin alam kung ano yung daloy ng tadhana, kung ano man yung daloy ng buhay.”



CAUSE OF BREAKUP. Ayaw pa rin nilang tukuyin kung ano ang naging dahilan ng kanilang breakup—kung may third party ba o anuman.

Ngunit giit ni Kristoffer, “Walang third party.

“Kung anuman yung pinakarason, basta sa aming dalawa na lang iyon.

“Alam naman namin iyon sa isa’t isa. At hindi na namin kailangang ilabas pa iyon.”

Bakit hirap pa rin siyang makapag-move on?

“Minsan kasi, may times talagang okey ako, minsan hindi. Ganun, e.

“Hindi ko rin alam, e.

“At siguro, kung saan na lang ako dalhin ng panahon.

“Kasi… basta masaya ako ngayon sa school ko, sa normal life sa San Beda.

“At iyon ang pinaghuhugutan ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



CRIED OVER BREAKUP. Malalim magmahal si Kristoffer, at hindi niya ikinahihiyang aminin na iniyakan niya ang paghihiwalay nila ni Joyce.

“Oo naman… masakit ‘yon. At hindi lang naman sa akin.

“Parehas kasi kaming nagbigay at nagmahal, kaya parehas din kaming masasaktan.”

Wala na ba talagang pag-asang magkabalikan sila?

Sagot ni Kristoffer, “Hindi naman ako nagku-close ng doors ko, e.

“Kasi, I’m open to possibilities naman, e.

“Even with her naman, I know she’s open to possibilities din.

“Pero for now, siguro focus muna kami sa kung ano ang mas dapat naming pagtuunan ng pansin.”

Hindi ba niya naiisip na maghanap na lang ng bagong inspirasyon?

Tugon ng young actor, “Huwag muna… huwag muna.

“Kasi ano, e… siguro open ako sa close-close na mga ganyan.

“Pero dating o commitment, parang pass muna.”

Paano kung malaman niyang may ibang nanliligaw na kay Joyce, ano ang mararamdaman niya?

“Masasaktan ako… oo,” pag-amin ni Kristoffer.

“Pero wala na akong right, e.

“So, magiging happy na lang ako if she wants that guy.

“If she likes that guy. If I think that guy is deserving…

“Kasi alam ko yung worth ni Joyce, e. Sobrang alam ko yung worth niya.

“So, kung alam kong deserving yung lalaking ‘yon, I’ll let her go.”



STILL PUSHING THROUGH. Magpa-Pasko ba siyang malungkot at naghihilom ng sugat dahil sa nabigong pag-ibig?

Ani Kristoffer, “Hindi naman totally brokenhearted—nawalan lang ng commitment.

"Pero, I’m still pushing through life ngayon.

“Kaya ko naman, e. Kaya ko.

“Siguro masyado na akong nakain ng problema.

“Pero ngayon, happy na ako—nagiging happy na ako.”

Ano ba ang nagsisilbing source of happiness niya ngayon?

“Yung school ko… nag-aaral ako.

“I’m on my first year sa Entrepreneurship course sa San Beda College.

“Irregular student ako dun pero regular akong pumapasok.

“Twice a week ang schedule ko sa school—Tuesday and Thursday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ten a.m. to 6 p.m. ang klase ko.”

Hindi ba mahirap isabay sa kanyang trabaho ang regular schooling?

“Hindi naman, kasi twelve units lang naman siya. Four subjects lang naman.

“At kahit magkaroon ako ng bagong soap—na hopefully ay early next year—kakayanin ko pa rin naman na isabay ang pag-aaral ko.”



SHORT SOAP. Marami ang nagulat na ang bilis natapos ng Kahit Nasaan Ka Man, ang primetime series na pinagtambalan nina Kristoffer at Julie Anne San Jose sa GMA.

Paliwanag ni Kristoffer, “Filler lang kasi talaga siya.

“It was made for eight weeks lang talaga.

“Hindi na siya hahaba, hindi na siya iikli.

“So, sa simula pang, bago pa namin naoohan yung soap, e, sinabi na sa amin na…

“Filler lang po ‘yan, eight weeks lang po siya tatakbo. Hindi siya na-cut short.

“Ginagawan kasi ng iba ng ganung issue.

“Pero hindi, kasi for eight weeks lang siya.

“Yung proposal ng show ay for eight weeks lang talaga.”

Ano ang next project niya sa Kapuso Network?

Ayon kay Kristoffer, “Hindi pa sure. Pero by January ang target airing nung sinasabing bagong project for me.

“Very confidential pa yung tungkol sa soap. Pero baka mag-start na kami ng taping before this year ends.

“Ang alam kong timeslot nito na tentative pa is 6 p.m. Papalitan namin ang Prinsesa Ng Buhay Ko.”

Sino ang mga makakasama niya rito?

“Hindi ko pa alam, e.

“Wala pang sinasabi kasi hindi pa rin fixed, pati yung sa casting.”

May nabanggit na raw sa kanya kung sino ang posibleng makapareha niya sa bagong soap na ito, pero hindi pa raw niya puwedeng i-reveal.

“Yun ang aabangan ninyo—hindi siya bago.

“Nakasama ko na siya dati sa isang soap, and may pangalan na siya.

“Ako naman, okey lang kahit sino ang i-partner sa akin. Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung ano ang dumating at sino man ang maka-loveteam ko, e, di okay, good!

“Kasi work is work, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN