Lani Mercado named one of the Most Outstanding Congressmen; reacts to abolition of PDAF

Cavite Representative Lani Mercado on abolition of PDAF: “Maraming nalungkot sa mga kadistrito namin. Kasi yung dating nai-extend naming tulong, hindi namin magawa ngayon. Katulad ng mga scholarships, at saka yung mga napapaospital namin. Lahat naman... lahat sa amin na mga kongresista, siyempre maninibago ngayon at sa mga susunod na taon. But we will comply to whatever guidelines would be given to us."


Sa ikatlong pagkakataon, nahirang bilang isa sa Most Outstanding Congressmen ang representative ng second district ng Cavite na si Lani Mercado.

Ang pagkilalang ito mula sa Superbrands Marketing Inc.—isang international branding at polling outfit—ay ginanap sa grand ballroom ng Mandarin Hotel sa Makati City, Miyerkules ng hapon, December 11.

Pagkatapos ng awarding ceremony ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Lani sa kanyang opisina sa Kongreso.

Sabi ng actress-politician tungkol sa kanyang natanggap na award, “Walo kaming recipients.

“Superbrands Marketing Inc. has given awards not only to legislators kundi pati sa ibang government officials, pati mga governors.

“This is my third time na makatanggap ng ganitong award, sa tatlong magkakasunod na taon [2011 to 2013].

“They consider you as one of the outstanding congressmen based on the number of bills that you have filed.”

BILLS. For the record, ilang bills na ba ang naipasa ni Lani sa Kongreso?

Tugon niya, “Sa ngayon, forty-five. Tapos one hundred two yung co-authored.

“So, ang basis ng award ay yung performance ko last year at saka yung first six months ko ngayon 2013.”

Sa kanyang mga nagawa bilang kongresista, ano yung pinakamahalaga at talagang ipinagmamalaki niya?

Sagot ni Lani, “Well, siyempre, una sa lahat, yung ipinangako namin sa Bacoor—yung cityhood ng Bacoor. Iyon ang number one sa atin.

“Tapos yung napalaki natin ang ating district hospital doon. So, additional funding for that.

“May Bacoor District Hospital kami. We are now catering to… meron kaming twenty-five hospital beds doon.

“And we have increased it to a hundred hospital beds.

“Tapos yung additional municipal trial courts sa buong Cavite.

“And may mga advocacies kasi ako for Congress, kasama ‘yon—children and women, the poor, tapos yung mga disabled, also education.”

Espesyal daw talaga para kay Lani ang award na kanyang natanggap, lalo na’t iilan lang silang nabigyan ng ganitong pagkilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, sabi ko nga, kailangan yung mga tao na kumbaga ay nabibigyan ng awards na ganito, ito yung mga taong matatag.

“So I will try to remain tough through tough times, in my own little way.

“At inihahandog ko ang award na ito sa mga kasamahan ko dito sa Kongreso.

"At the same time, sa mga constituents ko, kasi pinagkatiwalaan nila akong muli on my scond term as congresswoman.”



PORK BARREL SCAM. Kinuha rin ng entertainment press ang pahayag ni Lani tungkol sa pag-abolish ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.

Ito ay matapos desisyunan ng Supreme Court na "unconstitutional" ang PDAF.

Read: Supreme Court abolishes pork barrel fund; Senate eyes unused 2013 PDAF as supplemental budget to boost disaster relief ops

Saad ni Lani, “Hindi namin ma-extend masyado yung mga basic services, so siguro we will find out ways.

“The government will give us new guidelines how we can extend help sa mga constituents namin.

"Kung papaano pa namin magagawa yung mga dati na naming nagagawa.”

Sa tingin niya, naapektuhan ba nang husto ang Kongreso sa pagputok ng usapin hinggil sa pork barrel scam?

Aniya, “Kasi nung sinabi ng Supreme Court na unconstitutional ang PDAF, we will abide by what the Supreme Court has directed upon us.

“We will still do our jobs as legislators, which is to legislate and to… we will comply with what our job descripitions require.”

Nadungisan ba sa kanyang palagay ang pangalan nilang mga kongresista nang dahil sa usaping ito?

“Hindi naman nadungisan.

"Siguro, sabi nga, huwag namang yung kasalanan ni Juan e kasalanan ng lahat.

“So, inspirasyon para sa amin itong award, na bagama’t 280-plus kami dito sa Kongreso, e walo kaming napili,” pagtukoy ni Lani sa kanyang natanggap na pagkilala bilang Outstanding Congressman.

“So let it be an inspiration to the whole Congress, to the whole institution na… hindi lahat kami ay nadungisan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, there are still good legislators who are doing their jobs.

"Hindi ko naman sinasabing kami lang walo na nabigyan ng award ang gumagawa nang mabuti dito. Marami pa sa amin.

“Yun nga lang, iba yung panuntunan ng Superbrands Marketing Inc. na nagbibigay ng ganitiong award.”

Sa pagkakakansela ng PDAF, mapipilayan ba silang mga kongresista?

Ayon kay Lani, “Maraming nalungkot sa mga kadistrito namin.

"Kasi yung dating nai-extend naming tulong, hindi namin magawa ngayon.

“Katulad ng mga scholarships, at saka yung mga napapaospital namin.

“Lahat naman... lahat sa amin na mga kongresista, siyempre maninibago ngayon at sa mga susunod na taon.

“But we will comply to whatever guidelines would be given to us.

"Pero I’m sure the government will find out ways on how we can extend social services to our district.”

CONTROVERSIAL STATEMENT. Nakabangon na ba si Lani sa mga batikos na natanggap niya dahil sa kanyang naging statement kaugnay ng proposal pa lang noon na pag-abolish sa PDAF?

Read: Actress-politician Lani Mercado on proposal to scrap pork barrel: “Basta huwag lang manghihingi sa amin ang mga tao!”

Sabi ng 45-year-old actress-politician, “Basta ang masasabi ko lang, sa pamamagitan ng award na ito bilang isa sa Oustanding Congressmen, hindi ako napanghinaan ng loob.

“Kumbaga, ipinagpatuloy ko yung mandato ng trabaho ko.

"Kasi kailangan kong ibalik ‘yon sa mga taong nagtiwala sa akin, e, regardless kung may mga pagpuna o pagbatikos.

"Normal ‘yon sa trabaho namin, e.

“So, patuloy lang ang trabaho, yung paggawa ng tama.”

Pero na-disappoint ba siya noong panahong marami ang bumira sa kanya dahil sa nabitawan niyang statement?

“Bahagi kasi ‘yon ng trabaho namin, e.

“Ang ginawa ko na lang that time, nag-lie low!” sabay tawa ni Lani.

Dagdag niya, “Uhm… medyo naapektuhan ako. Hindi ko iwawalang-kibo iyon.

“Pero sa pagtakbo ng panahon, na-realize nga nila, totoo pala yung sinabi ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-lie low ako sa pakikipag-usap sa tao!” tawa na naman nniya

“Nag-stay ako sa bahay lang, nagmuni-muni.

“Nag-observe ako sa mga nagaganap. Sa mga hinaing ng tao. Sa sinasabi ng tao.

“And I’m sure, some people will agree, and majority of the legislators would agree, na-misunderstood lang yung nabanggit ko.

“Pero kung titingnan ninyo, yung manner ng pagkakasabi ko… knowing me since kayo ang nakakakilala sa akin.”



SENATOR BONG & JOLO. Ang asawa ni Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. ang isa sa idinadawit sa pork barrel scam.

Kasama sina Senators Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada, kinasuhan si Bong ng Department of Justice at National Bureau of Investgation sa Ombudsman dahil diumano sa maanomalyang paggamit nito ng PDAF.

Tinanong ng media kay Lani kung kumusta na ngayon si Bong.

Sagot niya, “Patuloy lang ang trabaho niya."

Kung noong mga nakaraang taon ay magarbo ang naging pagdiriwang ng kaarawan ni Bong, nitong 47th birthday niya noong September 25 ay pinili nilang maging tahimik ang selebrasyon.

Sabi ni Lani, “Nag-birthday naman siya. Yun nga lang, ano… limitado.

“Ano lang, quiet lang. Family lang.”

Kumusta naman ang anak nilang si Jolo Revilla, na ngayon ay nakaupo bilang vice governor ng Cavite?

“Maayos naman siya,” sabi ni Lani.

May lumabas na balitang buntis diumano ang kasintahan ni Jolo na si Jodi Sta. Maria, bagamat itinanggi na ito ng Kapamilya actress sa isang panayam.

Pero kung sakali, okey lang ba kay Lani na magkaapo na siya kina Jolo at Jodi?

Sagot niya, “Basta maayos lang yung sitwasyon.

"Maging maayos lang yung sitwasyon nila, no problem.”



CHRISTMAS PLANS. Ano naman ang plano ng kanilang pamilya ngayong malapit na ang Pasko?

“Ano lang, tahimik.

"Wala kaming Metro Manila Filmfest entry kaya mas relaxed kami ngayon.

“So, family lang. Dito lang kami sa Pilipinas. Simpleng celebration lang.

“And ang wish ko, matahimik na Pasko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang Christmas gift na gusto niyang matanggap?

“Wala naman akong gustong gift—katahimikan, peace, and love.”

Tumigil na ba sila ni Bong sa pagbibigay ng Christmas gift sa isa’t isa?

Saad ni Lani, “Mas importante at mas mahalaga yung presensiya ng bawat isa para sa amin sa Pasko.”

Tuloy lang din daw ang pagtulong na ginagawa nila ni Bong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

“Nagpunta si Bong sa Yolanda-stricken area sa Leyte. Nagpunta rin siya sa Cebu.

“Ako naman, kumbaga on the ground kami. Kami yung tumutulong sa pagdadala ng goods doon.

“Kasi mahirap kung kami lahat, pupunta. Walang facilities. Ang hirap pumunta doon.”

Kailan naman siya mapapanood muli na umarte sa harap ng camera?

“May hinihintay kaming project ni Inay Lolit [Solis, her manager] sa GMA-7.

"Supposedly ngayong December, pero siguro, mga January na ‘yon.

“May kontrata kasi ako sa GMA, e.

“Pero hiindi ko pa alam. Basta gusto ko siyempre, prime.

“So sana, pang-primetime.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN