Paulo Avelino not bothered if KC Concepcion has other suitors

Ayon kay Paulo Avelino, pareho silang busy ngayon ng kanyang nililigawang si KC Concepcion ngunit ganun pa rin ang estado ng relasyon nila. "Kung ano yung mga nasabi ko dati, kung ano ang mga nasabi niya… we’re still friends," sabi niya.


Naging matipid ang mga sagot ni Paulo Avelino nang usisain siya kung ano na ang estado ng relasyon nila ni KC Concepcion.

“Kung ano yung mga lumabas, yun na po ‘yon, hanggang dun rin po,” maiksing tugon ng Kapamilya actor.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Paulo sa press conference ng Metro Manila Film Festival 2013 entry na Pagpag: Siyam Sa Buhay, kaninang umaga, December 12, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, Quezon City.

Matatandaang inamin ni Paulo sa November 3 episode ng Buzz Ng Bayan na nagdi-date sila ni KC.

Read: Paulo Avelino confirms that he is dating KC Concepcion

Pagkalipas ng dalawang araw, November 5, nagpaliwanag si KC, sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, na hindi pa sila exclusively dating ni Paulo pero inamin niyang lumalabas nga sila.

Read: KC Concepcion confirms that she and Paulo Avelino are dating, but not exclusively

Sa presscon ng pelikula ni Paulo, kasama sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at Shaina Magdayao, tinanong ang aktor kung may “development” na ba ang relasyon nila ni KC.

Sagot ni Paulo, “The same, the same.

"Kung ano yung mga nasabi ko dati, kung ano ang mga nasabi niya… we’re still friends."

Lumalabas pa ba sila?

“Well… sa ngayon, we’re both busy.”

Inusisa rin sa aktor kung ayos lang ba sa kanya na may ibang nanliligaw kay KC.

Sagot niya, “Hindi ko alam, e. I don’t know the real deal about it.

"Siguro mas maganda tanungin na lang ang parties involved.

“Ako? It doesn’t bother me.”

Kamakailan ay lumabas ang balitang nagdi-date diumano si KC at ang football player at ex-boyfriend ni Angel Locsin na si Phil Younghusband.

Sa exclusive interview ng PEP, itinanggi ni Phil ang balitang ito.

Read: PEP EXCLUSIVE. Phil Younghusband "still in love" with Angel Locsin; denies rumor linking him to KC Concepcion

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging matipid din ang mga sagot ni Paulo nang kumustahin ang relasyon niya sa anak nila ng dating kasintahang si LJ Reyes—si Ethan Akio.

Aniya, “Well, personal na ang mga ganun, [but] sa anak ko, I’ll make sure may time ako para sa kanya.”

Paano naman niya ipagdiriwang ang darating na Pasko?

“Sa ngayon, hindi ko pa talaga matantiya kung ano talaga ang plano ko sa Christmas dahil very tight ang shoot namin…

"Very hectic din ang shoot namin for Honesto.

“So [December] 24 and 25 lang talaga ang bakasyon.”

Sa Baguio naman daw siya magdiriwang ng Bagong Taon kasama ang kanyang pamilya, sabi niya sa episode ng Rated K noong December 10.

"Kapag magsi-spend kami ng New Year sa Baguio, ako ang bumibili ng wine at cake... simple lang.

"Alam naman nila ’yan na nandito lang ako, na willing at wholeheartedly na tutulong sa kanila kapag kailangan," sabi ng aktor.

Samantala, sulit naman daw ang pagod niya at mga katrabaho niya dahil sa mataas na ratings ng Honesto, at nakakapagturo pa ng kabutihang-asal sa mga bata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN