Alden Richards reveals intimate scene with Marian Rivera in GMA’s Carmela

Aminado si Alden Richards na nag-aalala siya kung papaano tatanggapin ng DongYan fans ang tambalan nila ni Marian Rivera. Sabi niya, “Ayokong isipin ng DongYan [fans] na nakikisawsaw ako, pero ako, nagtatrabaho lang. Gagawin ko lang kung ano ang gustong ipagawa sa akin ng director, ang script, wala nang iba.”


Magkakaroon ng love scene sina Alden Richards at Marian Rivera sa primetime series nila sa GMA Network, ang Carmela: Ang Pinakamagandang Babae Sa Ibabaw Ng Lupa.

Sabi ni Alden sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I don’t wanna spoil, pero ibigay na natin—magkakaroon ng intimate scene po.”

Kabado ba siya sa magiging intimate scene nila ni Marian?

“Opo, opo naman,” pag-amin ng Kapuso heartthrob.

“Siyempre, ayokong isipin ng DongYan [fans] na nakikisawsaw ako, pero ako po, nagtatrabaho lang.

“Gagawin ko lang kung ano ang gustong ipagawa sa akin ng director, ang script, wala nang iba.

“Supported naman ako ni Yan [Marian] pagdating sa ganoon.”

Ang pagbabago ng hitsura ni Alden ang isa raw sa naging preparasyon niya sa teleseryeng pagsasamahan nila ni Marian.

Sabi niya, “Yung looks po, nagpaiksi po ako ng buhok at medyo nagpapatubo po ako ng stubble.

“At kung dati po nagpapalaki ng katawan, eto, medyo seryoso na nagpapalaki talaga ng katawan.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa GMA Network Center kahapon, December 12.

GETTING TO KNOW MARIAN. Ayon kay Alden, nagkaroon siya ng pagkakataong makilala nang husto si Marian sa kanilang mga workshop.

“Yes, kay Direk Laurice Guillen po, at doon po na-break ang lahat ng inhibition ko kay Marian.

“Kasi before talaga, sa lahat siguro ng artistang nakilala at na-meet ko sa showbiz, sa kanya lang ako na-starstruck.

“Yung hindi ko alam kung paano kilos ko kapag malapit sa kanya.

“Noong ginawa ko ang Panday, hirap na hirap ako, awkward ako.

“Iba yung presence kasi ni Marian po kapag hindi niyo siya kilala.

“Pero kapag nakilala niyo na siya, noong nag-workshop kami, doon ko siya nakilalang mabuti.

"Masarap kausap... parang puwede mong masabi ang lahat kay Yan, kasi hindi ka niya huhusgahan, e.”

Aminado si Alden na hanggang ngayon ay overwhelmed pa rin siya sa pagiging leading man ni Marian sa isang primetime series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Very much po.

“No regrets talaga na napunta ako sa GMA at alagang-alaga.

"Ramdam ko po yung alagang-alaga."



MARIAN’S CHOICE. Ngayong araw, December 13, ang simula ng taping ng Carmela.

Ano ang pakiramdam na makakasama niya nang matagal si Marian?

“Excited po,” nakangiting sabi ni Alden.

“Noong mabalitaan ko po na na-handpick po ako ng Primetime Queen, siyempre po, ayokong mababa ang expectations niya sa akin.

“Kaya niya po ako napili, she expects a lot from me in… terms of ugali, in terms of everything.

“Dapat po, maging professional in all aspects, hindi ka lang marunong umarte.

“Kailangan yung pakikisama mo sa lahat ng tao sa set, yung time, huwag ma-late—ayaw ni Yan ng late sa set.

“So, yun po ang nakatatak sa akin ngayon.

"And, in a way, nakakatulong din siya sa lahat ng schedules ko.

“And for the record, kung hindi ako five minutes early sa call, five minutes late lang.

“So, parang ang sarap pala ng may ganoon ka... siyempre nakakatakot.”



GETTING BETTER AND BETTER. Taun-taon ay paganda nang paganda ang nangyayari sa career ni Alden, at ipinagpapasalamat niya ito nang labis.

“Very blessed... more blessed noong last year, more blessed noong nag-start ako.

“Every year, it keeps getting better.

"And every year, nabe-bless ako ng pagkarami-rami na hindi ko ini-expect.

“Kasi, ako lang naman, I’m just doing my job.

“Dasal palagi, tumulong nang tumulong sa mga nangangailangan, yun lang po.

"So siguro, in that way, si Lord na po ang bahala sa akin."

Ngayong 2014, ano ang mga plano niya?

“Probably po, magkaroon na ako ng sariling bahay since nagre-rent lang kami ngayon.

“Makapagpatayo po or makabili ng somewhat nakatayo na, and then ire-renovate na lang.

“Business po, gusto kong magka-business.

"And sana acting awards, magagandang role pa sa soap and movies.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN