Angel Locsin on Phil Younghusband’s declaration that he still loves her: "Sana nasabi niya muna sa akin nang diretso at hindi sa media."

Angel Locsin on her 8th Anak TV Seal award: "Hindi ko nga alam kung ano yung ginawa ko para mailagay ako rito ng walong taon na magkakasunod. I am very happy at thankful na sa tingin ng ibang tao, na mayroon akong ginagawa sa buhay ko na nagiging positive sa mga kabataan. Salamat at napakalaking karangalan ito para sa akin."


Ikinagulat ni Angel Locsin ang deklarasyon ng kanyang ex-boyfriend na si Phil Younghusband na mahal pa rin siya nito.

Sa exclusive interview ng PEP senior writer na si Arniel Serato kay Phil noong December 9 ay sinabi nitong: "I’m still in love with Angel... Angel is the only one I’m thinking about on my lonesome."

Read: PEP EXCLUSIVE. Phil Younghusband "still in love" with Angel Locsin; denies rumor linking him to KC Concepcion

Kahapon, December 12, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Angel sa Anak TV Seal Awards, na ginanap sa SGI Bldg., Tomas Morato, Quezon City.

Dito ay kinuha ang reaksiyon ng aktres sa pahayag ng dating kasintahan.

"Oo nga, nabalitaan ko nga!" natatawang sabi ni Angel.

"Hindi ko pa talaga nababasa. Nagulat lang ako kasi sinasabi sa media agad…

"Nag-uusap naman kasi kami, e. Sana nasabi niya muna sa akin nang diretso at hindi sa media.

"Pero wala namang issue sa akin yun, baka naman talagang open lang siya.

"So, nagulat lang talaga ako.

"Hindi naman kami nag-uusap sa bagay na yun.

"Kung mag-usap, mag-usap. Kung hindi, di hindi… ganun!"

POSSIBLE RECONCILIATION. Sa palagay ba ni Angel ay ito ang senyales na gustong makipagbalikan ni Phil?

Sagot ng Kapamilya actress, “Hindi ko alam, e.

"Mas kayo pa ang kumakausap sa akin tungkol dito sa bagay na ito, kaya hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"Pero right now, we’re okay. Nagko-communicate kami sa pamamagitan ng text.

"Pero siyempre, nasa breakup kami, e, di ba? Mahirap naman yun."

Kung sakali ba ay tatanggapin niya muli si Phil?

Aniya, “Hindi ko talaga alam... gusto ko lang talagang magpahinga muna.

"Kasi mahirap… kaka-break up lang namin, tapos iisipin mo na naman kung magkakabalikan.

"Ayoko ko lang guluhin yung utak ko."

Humingi rin ng paumanhin si Angel sa mga naging pahayag niya noon tungkol sa paghihiwalay nila ni Phil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pasensiya na talaga kung may mga nasabi akong hindi ko na-explain nang maayos.

"Kasi may mga nag react sa akin sa Twitter tungkol sa statement ko noong nakaraan.

"Sinabi ko lang naman kung ano yung totoo.

"Wala naman kasi akong itinatago at wala rin naman akong intention na makasakit ng kapwa.

"Pasensiya na kung hindi ko na-explain nang maayos," ulit pa niya.

ANAK TV AWARD. Isa si Angel Locsin sa mga nakakatanggap taun-taon ng parangal mula sa Anak TV Seal Awards bilang isa sa mga Makabata awardee.

Ngayong 2013 ay kasama niyang nabigyan ng parangal sina Charo Santos-Concio, Jodi Sta. Maria, Judy Ann Santos, Kara David, Karen Davila, Kathryn Bernardo, Kim Chiu, Marian Rivera, at Vicky Morales.

Sa mga kalalakihan naman ay kinilala sina Anthony Taberna, Coco Martin, Daniel Padilla, Dingdong Dantes, Kim Atienza, Noli de Castro, Richard Yap, Ryan Agoncillo, Ted Failon, at Vic Sotto.

Ipinagpapasalamat ni Angel na kabilang siya mga celebrity na masasabing iniidolo at modelo ng mga kabataan.

Pahayag niya, “Para sa akin, isa ito sa mga importanteng award na natanggap ko.

"Kasi yung maging role model ka, at yun ang award na matanggap mo, ay malaking karangalan yun.

"Hindi ko nga alam kung ano yung ginawa ko para mailagay ako rito ng walong taon na magkakasunod.

"I am very happy at thankful na sa tingin ng ibang tao na mayroon akong ginagawa sa buhay ko na nagiging positive sa mga kabataan.

"Salamat at napakalaking karangalan ito para sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN