Shaina Magdayao insists there’s nothing going on between her and Piolo Pascual: "If there’s anything, hindi mo siya made-deny."

Bagamat nali-link sila ngayon ni Piolo Pascual, mas gusto raw ni Shaina Magdayao na huwag munang magkaroon ng lovelife. Paliwanag niya, "Gusto ko munang pahalagahan ang sarili ko and wait for that right person. Mararamdaman ko naman yun kapag nandiyan na siya sa buhay ko, di ba?"


Magkasama sina Shaina Magdayao at Piolo Pascual na nag-show sa London kamakailan.

Bagamat pareho nang itinanggi nina Shaina at Piolo na may namamagitan sa kanila higit pa sa pagiging magkaibigan, hindi pa rin matigil-tigil ang usapan na sila na.

Maging sa London nga raw ay sweet na sweet ang dalawa.

Paliwanag naman ni Shaina, “Opo, kasi magkakasama kami—si Papa P, si Enchong [Dee], si Pooh, tapos si Ate Gretchen [Barretto] was there also. Masaya.”

Ano nga ba ang real score sa pagitan nila ni Piolo?

“Kami ni Papa P? Magkaibigan,” nakangiting sagot niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nililigawan ba siya nito?

“No, no… promise!

"And you know, if there’s anything, hindi mo siya made-deny.

"Hindi mo made-deny ang isang Piolo Pascual dahil, unang-una, napakabuti naman niyang tao.

"Gusto ko, yung next na papasukan kong relationship, hindi na siya ka-deny-deny.

“Hindi ako papasok sa isang relationship na ka-deny-deny.”

Handa na siya sa panibagong relasyon?

Tugon niya, “Ako, pinagpi-pray ko na huwag na muna sana.

"Kasi after Four Sisters and A Wedding, tuluy-tuloy na siya.

"Sobrang ganda ng taon ko. And I’m praying na mas maging maganda ang 2014 ko."

Dagdag ni Shaina, "Actually, it’s not the first time.

“Gusto ko munang pahalagahan ang sarili ko and wait for that right person.

"Mararamdaman ko naman yun kapag nandiyan na siya sa buhay ko, di ba?”

Pero posibleng magustuhan niya si Piolo?

“Posible? Hindi po natin alam ang mangyayari, e.

"Pero ayoko pong mag-assume.

"Kung anuman ang ipinapakita niya sa aking goodness and kindness, ayoko namang mag-feeling, ’teh!"

Yung pagiging boyfriend-material ni Piolo, nakikita niya ba yun?

“Oo, yung isang kabuting tao niya, oo naman, oo naman,” sagot ni Shaina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN