Bea Alonzo not ready to settle down with boyfriend Zanjoe Marudo

Bea Alonzo on working on a project with boyfriend Zanjoe Marudo: "Mas preferred namin na hindi. Kasi siyempre, di ba, mas maganda yung may pag-uusapan kayo pag magkikita kayo? Hindi yung pag lagi kayong magkasama, parang mabu-bore kayo sa isa’t isa. Kasi pag magkikita kayo, wala na kayong pag-uusapan. Ayoko rin ng ganun, mas maganda rin yung may space rin kayo."


Bagamat nagkatrabaho na ang magkasintahang sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo sa isa sa mga istorya ng pelikulang 24/7 in Love ng Star Cinema, hindi pa sila nagkakasama sa isang full-length project sa telebisyon man o pelikula na sila ang mga bida.

“Wala pa rin naman kasing offer,” sabi ni Bea sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Pero given the chance?

"Okay lang, basta maganda yung story.

"Kaya lang, mas preferred namin na hindi.

"Kasi siyempre, di ba, mas maganda yung may pag-uusapan kayo pag magkikita kayo?

"Hindi yung pag lagi kayong magkasama, parang mabu-bore kayo sa isa’t isa.

"Kasi pag magkikita kayo, wala na kayong pag-uusapan.

"Ayoko rin ng ganun, mas maganda rin yung may space rin kayo."

NOT YET READY TO SETTLE DOWN. May ilang celebrity couple ang nababalitang magpapakasal na sa 2014, gaya nina Jericho Rosales at Kim Jones at sina Karylle at Yael Yuzon.

Sila ba ni Zanjoe, kailan magse-settle down?

Sagot ni Bea, “Hindi pa ako ready.

"Twenty-six pa lang ako, matagal pa.

"Mga thirty siguro o thirty-plus.”

Hindi pa ba nagpo-propose si Zanjoe sa kanya?

“Hindi pa rin ready yun. At saka thirty pa lang si Z, so bata pa yun para sa lalaki.

"At saka marami pa kaming gustong ipunin.

"Ako, breadwinner ako. Siya, nagsu-support sa family niya.

"For sure, marami pa siyang pangarap sa pamilya niya; ako din ganun.

"Pag nag-asawa na kami, ibang family na yung bubuuin namin."

HOLIDAY PLANS. May plano na ba sila ni Zanjoe para sa nalalapit na Pasko?

“Hindi pa concrete. Pero dito ako [sa White Plains] kasama sila Mama ng [December] 24 ng gabi.

"Ini-invite namin sila, e, kasi sa Valle [Verde] sila.

"Pero hindi pa nagku-confirm yung mommy niya kasi baka umuwi sila ng Batangas.

"Pero kung dito sila sa Valle, dito na lang… papupuntahin na lang namin sila dito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How about New Year?

“Hindi pa rin concrete yung plan namin kung aalis kami, e.

"Pero may plan na baka pumunta ng London—kaming dalawa lang.”

Galante ba silang magregalo ni Zanjoe sa isa’t isa?

“Hindi. Hindi kami bongga.

"Pero itong year na ito, ang regalo ko sa kanya, [birthday] party.

"Ang regalo niya sa akin, party rin.

"Pero this year lang, hindi naman madalas.

"Minsan, like yung bag lang. Hindi naman jewelry o kotse, hindi kami ganun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN