Christian Bautista in no hurry to get into a new relationship; supports Rachelle Ann Go’s Miss Saigon stint

Christian Bautista sends his message of support to former girlfriend Rachelle Ann Go: “Congratulations! I’m so so proud of you and lahat kaming champions manonood diyan sa London.”

Rachelle has bagged the role of Gigi in the West End revival of Miss Saigon.


Malamig yata ang magiging pasko ng Kapuso star na si Christian Bautista. Ngayon kasi, single na magse-celebrate ng Christmas at New Year and singer-actor.

Pero, ayon kay Christian ang mga bagay na tulad nito ay hindi dapat maging hadlang upang maging masaya ang Pasko ninuman.

“Malamig, kasi sa panahon, pero naniniwala ako, ang Pasko ay hindi dapat malungkot,” pahayag ng 32-year-old singer at actor.

“Dapat laging may pag-asa kahit ano man ang nangyari personally, or sa family, or sa bayan.”

July ng taong ito unang lumabas ang mga balitang naghiwalay na sina Christian at Carla Dunareanu—limang buwan lang matapos silang mag-celebrate ng first anniversary bilang magkasintahan.

Sa ngayon, mas pinili muna ni Christian ang maging single, at ibaling sa ibang mahalaga rin namang bagay ang atensiyon.

Aniya, “Ngayon, wala muna. Single muna. Family and being a Filipino muna ulit.”

Hindi naman daw nape-pressure si Christian maghanap ng magiging girlfriend o asawa.

Paliwanag ng Sunday All Stars mainstay, “Ang advantage ng guy, they have more time.

“Hindi naman ako nagmamadali. If the right time comes, then it’s gonna come.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Potal) si Christian sa contract-signing ng endorsement deal nito para sa Ink-All-You-Can, na ginanap noong December 10, sa Max’s Restaurant, Scout Tuazon, Quezon City.

READ MORE: Christian Bautista and brothers compose Christmas song for Yolanda victims; still clueless about Karylle’s engagement

DIANA ZUBIRI. Kamakailan lang, lumabas si Diana Zubiri, kasama sina Karylle at Iza Calzado na mga co-stars niya noon sa Encantadia, sa TV show ni Vice Ganda.

Nang nagtanong ni Vice kung kaninong lalaki naiilang si Diana sa tuwing napag-uusapan ito, biglang sabat ni Karylle na si Christian daw.

Nabalitaan ito ni Christian at inamin sa PEP na naaliw siya nang makarating sa kanya ang nangyari.

Aniya, “Nakakatawa yun, nagulat ako dun. Medyo na-cute-an ako dun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tanong kung meron bang pag-asa ang dalawa na magkadebolapan kung saka-sakali, sagot ng STAGES talent: “Ewan ko, we’re in different networks. She’s a friend of Karylle e, so just [ask] Karylle about that siguro.”


CARLA DUNAREANU. Samantala, hindi naman umiwas si Christian sa pagsagot nang tanungin kung kamusta na sila ng dating kasintahan, ang Magic 89.9 DJ na si Carla Dunareanu.

READ MORE: PEP EXCLUSIVE. Carla Dunareanu still friends with Christian Bautista even after breakup

Sa isang pahayag ni Christian sa PEP, hindi ito nagbigay ng detalye kung bakit sila naghiwalay ni Carla.

Pero mukhang komportable na ngayon si Christian na pag-usapan ang hiwalayan nila, at sinabi pang mabuti na silang magkaibigan ngayon kung ikukumpara sa dati.

“Right now, we’re friends naman. So, we’re just being friends for now.”

Tinanong din ng press kung may pag-asang muling magkabalikan ang dalawa.

Unang sagot ni Christian, mas okay daw sila ngayon ni Carla bilang magkaibigan.

“Okay naman, kasi friends naman kami ngayon, e.

“Before kasi, I didn’t want to talk about it.

“Pero we’re friends naman, happy, and okay naman."

Bandang huli, sinabi nito, “To answer that, siguro—yes.”


RACHELLE ANN GO. Buo naman ang suporta ni Christian para sa ex-girlfriend na si Rachelle Ann Go, na tutulak papuntang London para sa bagong production ng Miss Saigon.

Last month, kinumpira mismo ni Lea Salonga na magiging parte si Rachelle sa West End revival ng musical na nagbigay ng international fame kay Lea.

READ MORE: Rachelle Ann Go makes it to Miss Saigon West End revival

Masaya si Christian para kay Rachelle, kahit isang taon niya itong hindi makakasama sa Sunday All Stars ng GMA Network.

Kaya naman ipinahayag na ni Christian ang kanyang mensahe para kay Rachelle: “Congratulations! I’m so so proud of you and lahat kaming [singing] champions manonood diyan sa London.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit na marami nang experience si Christian pagdating sa musical theater dito sa Pilipinas, wala na raw siyang maibibigay pang advice para kay Rachelle.

“Kasi sa ngayon, mas marami na siyang alam sa akin. Siya na yung naka-meet kay Cameron [Mackintosh].

“So, kung meron mang advice, ako ang hihingi ng advice sa kanya.”

Dagdag pa niya, “She’s gonna learn so much, and [when] she comes back, wow, I would love to learn what she has done.”

Binabalak din ni Christian na makanood ng isa sa mga shows ni Rachelle sa London, kasama ang iba pang singing champions tulad nina Sarah Geronimo, Erik Santos, at Mark Bautista.

PLANS FOR 2014. Sa parating na bagong taon, marami raw planong binubuo si Christian para sa kanyang career. Ano ang mga bagay na kanyang inaasahan sa 2014?

Sagot ni Christian, “I don’t know yet, pero 2014 is an open slate.

“Meron pa ngayon mga naka-line up, pero wala pa in black and white, wala pang kontrata.

“So, hanggang makita ko po yun, saka pa lang po ako properly mag-a-announce.

“Pero kung plans—merong plans for a soap, merong plans for another stage play.

“Eto, definite plan—another album next year.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN