Vina Morales says Shaina Magdayao and Piolo Pascual are truly "sweet" with each other, but adds that Shaina not ready for new relationship

Ibinuko ni Vina Morales na sweet na sweet sina Piolo Pascual at ang kapatid nitong si Shaina Magdayao tuwing nakikita niya. Pero alam niyang magkaibigan lang daw ang dalawa. Hindi pa daw nagsasabi ang kapatid sa kanya tungkol sa napapabalitang relasyon nito sa heartthrob.


Patuloy pa ring dini-deny nina Piolo Pascual, 36, at Shaina Magdayao, 24, na may namamagitan sa kanilang dalawa.

Pero may kilig namang nagkuwento ang ate ni Shaina na si Vina Morales tungkol sa napapansin niya sa nakababatang kapatid at kay Piolo, na mas kilala sa tawag na Papa P sa showbiz.

Sa press visit ng seryeng Maria Mercedes noong December 12, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media kay Vina ang nalalaman niya sa estado ng relasyon nina Piolo at Shaina.

Napahalakhak muna ito nang malakas, dahil nabasa na niyang kukulitin siya ng press tungkol dito.

Pagkatapos ay sinabi niyang tipong naguguluhan din daw siya sa dalawa. Aniya, “Ewan ko sa dalawang yun.”

Tanong ng press, nakikita ba niyang magkasama ang dalawa? Tugon ni Vina, “Oo! Ang sweet sweet nga nila sa harapan ko. Natatawa nga ako.”

Na tila ibig sabihin ay daan-daanan lang niya ang dalawa na parang walang kaso sa nakikitang lambingan nila.

Sa huling panayam ng PEP kay Shaina, sinabi nitong wala talaga silang ugnayan ni Piolo. Hindi naman daw maitatago kung meron man dahil, sabi pa nito, ‘Hindi mo made-deny ang isang Piolo Pascual.’”

READ: Shaina Magdayao insists there’s nothing going on between her and Piolo Pascual: "If there’s anything, hindi mo siya made-deny."


SHAINA NOT READY FOR NEW RELATIONSHIP. Nagkukuwento ba si Shaina sa Ate Vina niya tungkol sa kung ano ang meron sila ni Piolo?

Seryosong banggit ng isa sa mga bida ng Maria Mercedes, “Hindi e. Si Shaina kasi nagkukuwento lang ‘yan pabiro. Ayoko na siyang anuhin… masyadong seryosohin sa mga tanong ko.

“Kasi, alam ko namang hindi pa siya ready, e. Kasi pag ready ‘yan to have a relationship, magkukuwento na ‘yan, kasi meron kaming group chat na magkakapatid.”

Ang huling nakarelasyon ni Shaina ay ang isa pang Star Magic heartthrob na si John Lloyd Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pambubuko pa ni Vina, “So, for now, marami naman kasi talagang bumabakud-bakod sa kanya, yung ganyan. Mga tumatawag, inviting her out, pero she usually goes out with a group.

“So, kapag nakikita ko sila ni Piolo na sweet, e kaibigan ko naman si Piolo, kaya sabi ko, ‘Ay, naku, bahala kayong dalawa.’

"Pinapabayaan ko na lang silang dalawa. Pero minsan siyempre, may mga nagtatanong sa akin… kasi nga kung gaano sila ka-sweet, di ba?

“E, bahala kayo, wala akong… silang bahala e, matatanda na sila.

“But for now, I think they’re really, really just good friends.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN