Kathryn Bernardo on 2013: “Parang ito po ang best year para sa akin.”

Ang wish lang ni Kathryn Bernardo sa susunod na taon ay magtuluy-tuloy ang magagandang biyaya na natanggap niya nitong 2013.


Naging mabait ang 2013 kay Kathryn Bernado, lalo na pagdating sa kanyang showbiz career.

Bukod sa kanyang primetime teleserye na Got To Believe kasama si Daniel Padilla, na kasalukuyang umeere, dalawang pelikula rin ang nagawa nila ni Daniel nitong 2013.

Noong Marso, ginawa nila ang kanilang launching movie na Must Be... Love at nitong Disyembre ay naging pangunahing bida ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Pagpag: Siyam na Buhay.

“Super grateful po ako ngayong year na ito, parang ito po ang best year para sa akin, lalo na itong November and December, sobrang daming blessings na naganap bago magtapos ang taon,” paliwanag ni Kathryn Bernardo sa press conference ng Pagpag: Siyam na Buhay noong December 12, 2013.

Kasama rin nila sa MMFF entry sina Paulo Avelino at Shaina Magdayao.

Ani Kathryn, ang hangad niya ay patuloy na magandang takbo ng kanyang career sa susunod na taon.

“Sana magtuluy-tuloy ang blessings na dumadating sa akin, sa family ko and sa mga kaibigan ko.

“Sana magtuluy-tuloy and sana sa 2014 another chapter ng buhay, lalo na sa mga nasalanta ng [bagyong] Yolanda.

“Sana magkaroon sila ng hope para magsimula ulit.

Samantala, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kathryn noong unang linggo ng Disyembre, sa Star Cinema show sa Enchanted Kingdom, sinabi ng dalaga na dalawang araw lang ang magiging Christmas break niya, at gaya ng nakagawian ng kanyang pamilya, sa bahay lang sila pero mas espesyal dahil sa paglipat sa bagong bahay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN