Kris Aquino defends PNoy on government response to Yolanda crisis: “I don’t think my brother has any pagkukulang...”

Kahit na kilalang balwarte ng mga Romualdez ang Tacloban City, sinabi ni Kris Aquino na naging mainit ang pagtanggap ng mga residente sa kanya nang bisitahin niya ang lugar kahapon, December 13, 2013. Ang mga Romualdez ay kilalang political rivals ng mga Aquino.


Ipinagtanggol ni Kris Aquino ang nakatatandang kapatid na si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa mga batikos na natatanggap nito matapos manalasa ng super typhoon Yolanda noong November 8, 2013.

(Related article: Malacañang admits shortcomings in preparing for and responding to super typhoon Yolanda)

Dumating sa Tacloban City si Kris kahapon, Biyernes, December 13, 2013, dakong ika-6 ng umaga, para mamigay ng relief goods sa mga biktima ng bagyo doon.

Isa ang Tacloban sa mga matinding napinsala ng tropical cyclone, na itinuturing na pinakamalakas na bagyong tumama sa kasaysayan ng mundo.


KRIS DEFENDS PNOY. “I don’t think that my brother has any pagkukulang, and you can’t blame me for wanting to speak up for my brother, because no leader would want this to happen to his country,” ani Kris sa panayam sa kanya ng GMA News team sa Tacloban City, Leyte.

Dugtong pa ni Kris, “And I think it’s unfair for anybody, whether… kung anuman ang political color mo, to point fingers, di ba, because the important thing is magtulungan tayo because we’re all Filipinos.”

BACK STORY, ROMUALDEZ SIDE. Kaugnay ng pahayag na iyon ni Kris, matatandaang nabahiran ng pulitika ang sitwasyon sa Tacloban nang magkaroon ng bangayan sa pagitan nina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas II at Tacloban City Mayor Alfred Romualdez.

Inakusahan ni Romualdez si Roxas, at maging ang gobyerno, na pinupulitika siya.

Ang gusto raw ni Roxas ay mapaalis si Romualdez sa puwesto upang sa ganoon ay si Roxas na ang mamahala sa relief operations.

Si Roxas ay kaalyado ni PNoy, habang si Romualdez ay pamangkin ni Ilocos Norte Representative Imelda Romualdez-Marcos, asawa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Si Marcos ang diumano’y utak sa pagpaslang sa ama nina Kris at PNoy, ang dating senador na si Ninoy Aquino, noong August 21, 1983.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Read: Mayor Alfred Romualdez claims Secretary Mar Roxas working to unseat him inorder to take over Tacloban; Roxas vehemently denies allegation)

Ngayon ay lalo pang uminit ang iringan sa pagitan nina Roxas at Romualdez, kasunod ng pagkalat ng video na nagpapakita ng pagpupulong ng dalawa para sa crisis management ng Tacloban.

Sa nasabing video ay tila may halong pamumulitika ang mga pahayag ni Roxas kay Romualdez, habang pinag-uusapan nila kung paano reresponde sa sitwasyon sa Tacloban.

Ang binibigyang-diin ni Romualdez ay ang naging pahayag ni Roxas sa kanya: "You have to understand, you are a Romualdez and the President is an Aquino. So, we just have to legalize this."

BACK STORY, ROXAS SIDE. Sagot naman ni DILG Secretary Roxas, dinoktor ng kampo ni Romualdez ang video at tinanggal ang mahahalagang bahagi ng pag-uusap nila.

Tuloy, nag-iba raw ang kahulugan ng kanyang mga pahayag.

(Read: Mar Roxas hits back at Alfred Romualdez’s camp for "doctored" viral video)

Sa iba pang report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tinukoy naman ng investigative reporter na si Raissa Robles sa kanyang independent blog, na ang may kakulangan sa nangyaring kulang na pagresponde sa Tacloban ay si Mayor Romualdez.


Malinaw daw sa website mismo ng alkalde na naabisuhan ito nang sapat tungkol sa parating na super typhoon, ngunit ito raw ay hindi naghanda nang sapat o tama.

Sa website naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ulat ni Raissa, malinaw na nagpadala ng tulong agad-agad ang sandatahang hukbo, ngunit hindi ito na-command nang tama ng alkalde.


Ibig sabihin daw nito ay rumesponde ang national government, ngunit ang local government, na siyang may command sa ibaba, ay hindi kumilos nang nararapat.

(Read: Investigative report questions possible negligence of Tacloban City Mayor Alfred Romualdez; says political agenda behind tiff with DILG Secretary Mar Roxas)




WARM RECEPTION. Sa pagbisita ni Kris sa Tacloban, mukhang ang mga iringang ito ay naisantabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi niyang naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga residente, kahit na balwarte ito ng mga Romualdez.

“Masaya na mainit ang pagtanggap ng mga tao kahit na Romualdez country [ang Tacloban],” ani Kris.

Papuri pa niya sa mga residente roon, “Nagkakaroon naman ng pag-asa, na yung nakita ko talaga, nakakataba ng puso na ang Pilipino talaga, napaka-resilient at pinahalagaan ang pagiging magkakasama ang pamilya.”

Sa kanyang Instagram account ay nag-post ng slide show si Kris ng mga larawang kuha mula sa relief operations niya sa Tacloban.

Makikita rin sa slide show na kasama niya ang mga Kapamilya stars, kagaya nina Coco Martin, Pooh, Shaina Magdayao, at ang TV Patrol reporter na si Atom Araullo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN