Tom Rodriguez tearful about seeing parents in the audience of My Husband’s Lover concert in U.S.

Tom Rodriguez says the most memorable part of doing the My Husband’s Lover U.S. concert tour was seeing his parents in the audience. “Iba iyong gano’ng klaseng fulfillment, na iyong magulang mo nakikita mong nandoon. And how they look at you, and you see the shine and twinkle in their eyes na they’re proud of you, ang sarap ng feeling."


Nasa bansa na ulit ang cast ng naging hit teleserye ng GMA Network na My Husband’s Lover.

Kagabi, December 13, dumalo ang isa sa mga bida ng serye na si Tom Rodriguez sa Pink Party na isinagawa ng Belo Medical Group sa Bed nightclub sa Greenfield District, Mandaluyong.

May jetlag pa nga si Tom at halos hindi mawari ang petsa nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media na naroon kung kailan siya dumating.

“Hindi ko na alam. I think yesterday yata kami or the other day [dumating]. Hindi ko na alam,” natatawa niyang sagot.

NEW ENDORSEMENT. Si Tom ang pinakabagong endorser ng Belo Medical Group.

Aniya, tungkol sa bago niyang endorsement: “I feel very blessed din na Dra. Belo chose me.

“And hindi lang dahil sa pinili niya ako as one of her endorsers, pero that she’s putting this whole event just for me… It’s unfathomable!”

Hindi tulad sa ibang celebrity endorsers ng beauty clinic na mas simple at intimate ang isinasagawang launch, mas bongga ngang maituturing ang ginawang party para kay Tom.

Aminado naman ang may-ari ng negosyo na si Dr. Vicki Belo rito.

“It’s a party for Tom and for Vince,” wika ni Dra. Belo.

Ang tinutukoy niyang Vince ay si Vincent Soriano, ang gay character na ginampanan ni Tom sa My Husband’s Lover.

“We’re here to celebrate diversity… LGBT! Right? Right on! So, we’re so happy everybody’s coming here.

“We want them to feel welcome. We’re celebrating diversity. We want them to know they’re very welcome at Belo.

“This is a wonderful… kasi a lot of our patients actually are part of this group. So this is also a way to celebrate Christmas with them and say thank you for their support. That’s why we’re here.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And, of course, alam ko crush ng bayan naman si Vince, si Tom, so they’re also willing to meet him,” paglalarawan ni Dra. Belo sa event.

MY HUSBAND’S LOVER CONCERT SERIES. Samantala, nakapagkwento rin si Tom tungkol sa mga kaganapan sa kanilang concert tour sa Amerika.

Aniya, “Sobrang saya, sobrang saya. Nakaka-miss na nga, e.

“Parang feeling ko may MHL U.S. tour hangover pa ‘ko, e.

"Kaya ngayon hindi pa rin ako maka-get over na ‘Ay, tapos na.’ Kasi ang saya, e.

"Ang saya na magkakasama kaming lahat every day for 21 days.

"’Tapos, hindi lang iyon. Bawat show na pinuntahan namin, there were a lot of supporters there, there were a lot of people who watched us.”

Kabilang sa mga nanood ng concert ay ang pamilya ni Tom na naka-base sa California.

“My parents were there. They watched in L.A. [Los Angeles].

“Ginulat nila ako, e! So iyon, it was a very emotional scene,” pahayag ni Tom.

Naiyak nga raw si Tom dahil mahigit dawalang taon na niyang hindi nabibisita ang kanyang pamilya sa Amerika.

“The thing is, noong bumisita ako over two years ago, it was just for a month, so sobrang bitin.

“Ang tagal na naming hindi nagkakasama-sama, so that was the first time that they saw me perform live.”

Hindi raw makapaniwala ang pamilya ni Tom sa tinatamo niyang kasikatan ngayon.

Sabi niya, “Iyon nga, e, parang ano raw sila… na-culture shock.

“Because they see it on TV, they see it on the Internet, pero hindi raw… ano, e, it’s different when you’re there.

“Kaya, of course, that’s a very special thing.

"Hindi ko mabibili iyong gano’ng klaseng moment, so, for me, it’s so fulfilling.

“Iba iyong gano’ng klaseng fulfillment na iyong magulang mo nakikita mong nandoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And how they look at you, and you see the shine and twinkle in their eyes, na they’re proud of you, ang sarap ng feeling.

“So sana, sana, hindi mawala iyon.”

UPCOMING PROJECTS. Sa darating na Pasko, babalik si Tom sa Amerika para muling makapiling ang pamilya.

Uuwi siya sa Pilipinas ilang araw matapos ng New Year’s Day, para tapusin ang pelikula nila ni Carla Abellana.

“We’re gonna finish iyong movie namin ni Carla, iyong Let’s Take A Chance, and after that let’s see what happens,” saad niya.

Habang wala pang follow-up project para sa kanya, umaasa si Tom na sa susunod niyang proyekto ay mabigyan niya ang mga manonood ng panibagong performance.

Nang tanungin kung natatakot ba siyang ma-typecast sa gay roles matapos ang kanyang mahusay na pagganap bilang Vincent sa My Husband’s Lover, ito ang naging sagot ng 26-year-old actor:

“Iyon nga, e. Of course, as an actor, there’s always that fear, di ba?

“As an actor, I enjoy my craft, and I wanna be able to explore and try different roles, and I want to be believable din.

“It’s the same fear I had na baka hindi maging believable iyong pagganap ko kay Vincent.

Now, meron nang gano’ng klaseng takot na baka iyong susunod kong role na gawin, baka Vincent pa rin ang makita nila.

“But in the same light, I see it as a challenge. So, hopefully, hopefully, I’ll be able to get over that thing.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN