Rocco Nacino gushes over "special" relationship with Lovi Poe; wishes 2014 would be "lovi-ly"

Rocco Nacino can’t hide his excitement when talking about his "special relationship" with Lovi Poe: “... I cannot put into words kung ano’ng meron kami but, for me, definitely, special siya. Humahanga ako sa kanya... Pero, wala talaga kaming maamin talaga. I’m happy and, I know, she’s happy.”


Kahit malapit nang magtapos ang Akin Pa Rin Ang Bukas, masaya pa rin si Rocco Nacino dahil sa nakamit nitong mataas na rating.

Masayang nagkuwento si Rocco tungkol sa kanilang primetime series sa GMA Network nang makausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Akin Pa Rin Ang Bukas, sa Antipolo, noong Miyerkules, December 11.

“Masaya ako kasi we’re finishing with a good, high rating. Matatapos man, ito ang maiiwan namin,” pagmamalaki ni Rocco.

Yun nga lang, matatapos na rin ang pagsasama nila sa isang serye ng napapabalitang girlfriend niyang si Lovi Poe.

“I don’t mind,” sabi niya.

“Malay n’yo, in the future... but then, it doesn’t stop our friendship with the end of the show.”

Hindi siya kabado na baka may mabago sa friendship nila kung hindi na sila magkasama?

Aniya, “Hindi naman, kampante naman ako. Since yung una naming ginawa, hindi naman nawala yung friendship namin.”

DREAM MOVIE PROJECT WITH LOVI. Bukod sa serye, gusto rin daw niyang makagawa sila ng pelikula ni Lovi.

“Gusto rin ni Lovi. Pero, sabi niya, kung magkaka-movie raw kami, gusto niya yung parang My Sassy Girl.

"Sabi ko, ano ba yun, luging-lugi naman ako. Tapos, tumawa siya.

“Gusto raw niya kasi comedy. Kasi, kapag magkasama raw kami, barahan kami, asaran kami.

"She always gets me in my awkward moment, so, nakakatawa,” kuwento pa ng binata.

Ang My Sassy Girl ay isang Korean romantic comedy film na ipinalabas noong 2001 at sumikat sa Southeast Asia. Nagkaroon din ito ng American remake na pinagbidahan nina Jesse Bradford at Elisha Cuthbert.

EXPANDING CIRCLE OF FRIENDS. Hindi na nakatanggi si Rocco nang tanungin ng PEP kung kasama siya ni Lovi habang inaayos nito ang Christmas tree na pinost niya sa kanyang Instagram account.

Bago kasi ang bahay ni Lovi kaya excited itong mag-ayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinulungan ko siya nang konti,” pag-amin niya.

“Nandoon din sina Enzo [Pineda], sumunod sila. Sina Steven [Silva], Louise [delos Reyes], nag-barbecue party kami.

"Pero, late na rin nag-start kasi lahat kami may mga shows. Ako, galing ng Laguna.

“Nakakatuwa rin kasi nagkaroon din si Lovi ng mga bagong friends through me.

"One time kasi, nag-get-together kami nila Enzo, niyaya ko siya. Sobrang nag-enjoy rin naman siya.

“Parang naging isang grupo. So, nakakatuwa.

"Kaya yung grupo namin, parang palaki nang palaki.

“And, it’s fun na maraming kaibigan.”

CHRISTMAS WITH LOVI? Sa isang banda, sa ibang bansa sana magpa-Pasko si Lovi, pero nagdesisyon ito kamakailan na dito na lang siya sa Pilipinas.

Masaya ba si Rocco na hindi na matutuloy umalis si Lovi ngayong Pasko?

Nakangiti si Rocco nang marinig ito, pero sabi niya, “Kaya lang, wala rin ako.

"Kasi, mag-iikot ako ngayong Pasko sa mga malls para mag-promote ng San Pedro Calungsod.

"Siguro after that, puwedeng dumalaw.”

Walang duda na siya nga ang natatawagan ni Lovi, tulad na lang sa pagkakabit ng Christmas tree.

“Actually, ako na ang nagsabi na tutulungan ko siya kasi, sabi niya, hindi raw niya alam ang ginagawa niya.

"So, yun, tinulungan ko siya. Okay naman, masaya naman,” dagdag pa niya.

Posibleng kayang magkasama sila ngayong Christmas eve o New Year’s eve?

“Why not? Pero, I think, she has her own thing. Bago na ang bahay niya.

"Siyempre, ako, pupunta ako para magdala ng pagkain,” masaya niyang ibinalita.

KISSING SCENE. Sa Akin Pa Rin Ang Bukas, ipinalabas na ang episode kunsaan matindi ang ginawa nilang kissing scene ni Lovi.

Masasabi kaya niyang kakaiba ang ginawa nila ngayon, kahit na may nagawa na silang kissing scene dati?

“Well, she says, kahit naman ako, when it comes to kissing scene, may awkwardness yun, e.

“But then, kapag kaming dalawa, siguro dahil ang last show together, magkasama rin kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We, ano, we jive na... how to kiss each other, when to kiss each other.

“So, wala nang awkwardness.

“Noong ginawa namin yung scene na sinasabi nilang intense, medyo na-awkwardan din ako, so I sat down with Lovi.

"Sabi ko, paano natin aatakihin ‘to? Hahalikan kita, itutulak mo ’ko. Sabi niya, oo nga.”

Nag-praktis muna silang dalawa?

“Praktis na walang kiss, siyempre.

“But, masaya kami that we pulled it off really well.

"Noong ginawa namin, yung mga make-up artist, staff, sabi nila, kinilig daw sila.

"So, masaya kami na ganoon ang naramdaman ng mga tao as well as the viewers... it was very intense.

“I found it beautiful. I saw Jerry [ang karakter niya sa serye nila] talaga,” pagmamalaki niya.

Ibig niyang sabihin, sa ginawa nilang kissing scene ni Lovi, si Jerry lang yun, wala yung totoong Rocco?

Natawa ito saka sinabing, “In-character ako noon, Jerry lang.”

SPECIAL” RELATIONSHIP. Ayaw aminin ni Rocco kung ilan na ang naging karelasyon niya dati, pero isa na raw sa pinakamatagal ay ang namagitan sa kanila ni Sheena Halili.

Kaya tinanong namin si Rocco na kung anuman ang meron sila ni Lovi ngayon, masasabi ba niyang pinaka-intense ito kumpara sa lahat na naugnay sa kanyang mga babae?

“In a way, yes,” saad niya.

“Kumbaga, ‘eto, naging pinaka-interesting ang naging relationship namin ni Lovi, para sa akin.”

May nakapansin naman na wala raw consistency si Rocco sa nagugustuhan niya sa babae. Si Sheena kasi, maputi. Si Lovi naman, morena.

Sabi naman ni Rocco, “All these times, yung mga naging past girlfriends ko, from college and since I grew up in Singapore, puro Chinese-looking.

“So, si Lovi lang ang pinaka-kakaibang babae na naging special sa akin, na morena.”

Paano nga ba niya ilalarawan kung ano ang meron sa kanila ni Lovi?

Mabilis niyang sagot, “Well, I think, ’special’ is the perfect word.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hiniritan si Rocco na mukhang in-love na talaga siya.

Nakangiting sagot naman niya, “Lovi-ly… Lovi-ly.”

Pero, napa-“hala!” ito nang sabihan na baka naman daw magpakasal na siya.

Sabi namin kay Rocco na kulang na lang talaga ang diretsuhang pag-amin nila ni Lovi na sila na nga, dahil kung ang pagbabasehan ay ang closeness nila at ang mga sinasabi niya, puwedeng sabihing sila na talaga.

Sabi naman ni Rocco, “Ganoon pa rin, e.

“I cannot put into words kung ano’ng meron kami, but for me, definitely, special siya.

“Humahanga ako sa kanya. Pero, wala talaga kaming maamin talaga.

"Pero, kapag may nagtatanong sa amin, we say that it’s something na tine-treasure namin.

“I’m happy and, I know, she’s happy.”

SURREAL” 2013. Sa pagtatapos ng taong 2013, paano niya ito idi-describe?

“Surreal,” nakangiting sabi niya.

“It’s still very surreal after everything na akala ko, 2012, yun na yung pinaka-height ng career ko, may humigit pa.

"Mas humigit pa ang 2013 ko. Mas naging special, mas naging malalim.

“At saka, natutuwa rin ako, ang 2013, through San Pedro Calungsod, mas naging malapit ako sa Diyos dahil sa project na yun.

"It’s a wonderful way to end 2013 with the MMFF project.

"At sana, sa 2014, lovi-ly pa rin.”

May nagbiro naman dito na baka “breakup” na raw ang 2014.

“Ayoko,” mabilis niyang sagot.

“’Yan ang sisiguraduhin ko, na hindi mawala ang friendship namin.”

NOT EXPECTING AN ACTING AWARD. Ilang araw na lang ay Metro Manila Film Festival (MMFF) na, kunsaan may entry nga siyang Pedro Calungsod.

Excitement o kaba ba ang nararamdaman niya ngayong papalapit na ito nang papalapit?

“Ayoko ngang isipin, e,” saad niya.

“Tuwing tinatanong sa akin, doon ko lang nararamdaman, but then, mas excited ako na ipakita sa mga tao—na ito ang nagawa namin, ito ang pinaghirapan ko, rather than thinking na ito ang panlaban namin na film.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin niya, malaki kaya ang pag-asa niyang manalo bilang Best Actor?

“Hindi ako nag-e-expect, but I’m hoping.

"I’m hoping na sana, mabigyan pansin ang hirap na ginawa ko.

“Yung sacrifice ko para sa film, but I’m not expecting bilang... mabibigat din naman ang kalaban ko,” pagpapakumbaba niya.

TOUGH CONTENDERS. Sabi nga ni Rocco, mabibigat ang mga entry sa MMFF. Sino ang nakikita niyang posibleng maglalaban sa pagka-Best Actor?

“Well, siyempre, there’s Robin Padilla, Tito Vic Sotto, Vice Ganda,” banggit niya.

Dugtong din niya, “But the film [San Pedro Calungsod] itself has a fair chance in cinematography, music.

“Noong mapanood ko na may background music na, I really got emotional.

"At yung trailer niya, kung mapapanood niyo sa You Tube, ang ganda. Sobrang gusto ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN