Jean Garcia admires Adarna co-star Kylie Padilla for her unaffected ways: “Walang kaere-ere.”

Jean Garcia also commends Ricky Davao, the director of Adarna, for being an actor’s director. The veteran character actress says: “Kasi naiintindihan niya yung moods ng artista, alam niya pag medyo pagod na yung artista. So, mas okay, actor’s director talaga.”


Malaki ang paghanga ni Jean Garcia sa Adarna co-star niyang si Kylie Padilla.

“Alam mo, sobrang—ito walang kaplastikan ito, ha?— napakasimple nung bata. Hindi mo iisipin na parang, ’Uy, anak ni Robin Padilla!’

“Walang kaere-ere. Maglalaro lang siya dun, tawa lang nang tawa. Ano siya, funny, masayahing tao. Sobrang kalog,” paglalarawan ni Jean kay Kylie, nang makausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Adarna presscon noong November 13 sa Plaza Ibarra sa Timog Avenue, Quezon City.

Pagpapatuloy niya tungkol sa lead star ng GMA-7 fantaseryeng Adarna, “Tapos wala rin siyang masamang tinapay, tahimik lang siya, mabait siya sa mga tao na kasama niya, simple lang.

“Ang entourage niya, meron lang siyang isang babaeng kasama, tapos yung driver niya, napakasimple.”

Ang ama naman nitong si Robin ay nakatrabaho na rin ni Jean noon sa isang pelikula at isang TV show.

“Actually, nung hindi pa siya Robin Padilla talaga, nakatrabaho ko na rin siya, pero sa mga TV-TV na ano,” pag-alala niya.

Biniro namin si Jean na baka niligawan siya ni Robin noong mga panahong ’yon.

“Nakakaloka! Ang luma naman niyan, ang luma!” ang natatawang reaksyon ni Jean.

WORKING WITH DIREK RICKY. Ang direktor ng Adarna ay ang actor-director na si Ricky Davao, at unang beses pa lang daw ni Jean na maidirehe ni Ricky sa isang teleserye.

“Yata ha? I think, first time.

“Naidirek na niya ako noon pa, sa Maalaala Mo Kaya.

“Ang nagdirek na kasi sa akin na artista sa teleserye, si Kaizz [Eric Quizon], si Gina Alajar, iyon ang naaalala ko, tapos ito ngayon si Kuya Ricky.

“Pero naidirek na niya [Ricky] ako before sa TV din, pero yung mga MMK, yung nag-uumpisa siya sa ABS before.”

Mas madali ba o mas mahirap na ang direktor niya ay isa ring artista?

Sagot ni Jean, “Actually, mas masarap! For me ha, hindi ko alam. Kasi naiintindihan niya yung moods ng artista, alam niya pag medyo pagod na yung artista. So, mas okay, actor’s director talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO PLANS OF DIRECTING? Si Jean, bilang isang mahusay na artista, may plano ba siyang balang araw ay maging isang direktor din?

“Ayoko yata, mahirap. Sa totoong buhay lang—di ba puwede? Di ba sa edad ko puwede na? [Pero] parang hindi ko pinangarap. Ayokong makunsumi,” ang tumatawang bulalas ni Jean.

“Stressful! Kasi at least, pag artista ka, aarte ka. Mahirap din of course, di ba? Tiring din.

“Pero ang direktor kasi hawak mo na ang artista, hawak mo pa ang production, hawak mo pa ang crew, ang production staff.

“Pagka medyo may problema pa sa set, ikaw ang magku-call. Call mo kung ano ang gagawin, ano’ng solusyon sa problema, may mga ganun.

“Parang ayoko nun, gusto ko fun lang, yung masaya lang ako sa trabaho,” ang natatawa pa ring sabi ni Jean.

NO TO POLITICS? Ang pulitika, hindi ba niya naisip na pasukin?

Ayon kay Jean, “Ang pulitika naman, marami ang nag-aano sa akin na parang, “Uy, puwede!’

“Ganyan, pero parang ayoko ring magkaroon ng wrinkles naman sa mukha. Problema pa rin yan, e.

“Sabi ko kasi, kung tutulong, puwede naman akong tumulong, di ba?

"Na ako kasi, meron akong mga times, hindi ko naman inaano, pero gustung-gusto ko yun, na parang, kunwari this year magbe-birthday ako ganyan, kunwari aalis kami...

“Mag-a-abroad kami kasama yung mga anak ko, mga ganun. Sometimes naman, pagka natapos yun, yung sumunod na taon, magbibigay naman ako, yung birthday ko, parang sa orphanage. Magpapa-children’s party ako dun, mga ganun.

“Tapos yung pagka sa probinsiya, yung mahihirap dun, pag birthday ko, parang ganun. Dun nag-e-enjoy ako, pero parang ayokong maging pulitiko.

“Basta tumulong, walang problema.

"At saka yung meron mga ibang ano, kunwari mga pulitiko na lalapit sa akin, ’Jean meron kaming medical mission, meron kaming ganyan, baka naman para matuwa yung mga tao, pumunta ka.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyon, pinupuntahan ko din yun, pag yung mga para sa kapuspalad ganyan, pumupunta ako, sumu-support ako.”

ON DAUGHTER JENNICA. Kinumusta ng PEP kay Jean ang anak niyang si Jennica Garcia, na isa ring Kapuso actress.

Kuwento ni Jean, “Ang huli niyang ginawa, Bukod Kang Pinagpala. Tapos ngayon yata, baka meron silang umpisahan, narinig ko baka yung kay Marian [Rivera] yata or...

"Pero, alam mo naman minsan, naiiba-iba so hindi ko ma-confirm kung—pero, sana.

“Kasi ngayon nagbe-baking-baking siya, pumasok siya ng culinary [course].”

Si Alwyn Uytingco pa rin ang boyfriend ni Jennica.

Wala pa bang planong magpakasal ang dalawa?

“Dyusko naman, huwag naman muna, kaloka! Huwag muna, huwag na muna.

“Hindi naman sa ayaw ko, pero parang enjoy-in muna nila, tapos career muna, kasi sa generation naman ngayon dapat talagang, di ba, career muna?

“Kasi ang love, andiyan naman talaga. Makikita mo naman ang mga kabataan ngayon, di ba hindi naman sila nagmamadali talaga, di ba?

“Puwede naman silang mag-boyfriend, pero yung kasal dapat ready, ready ka in all aspects of life, di ba?

“Kasi dati kami, nung time namin nila Kuya Ricky, love, love, love love! Di ba alam mo naman ’yan, kami.

“Pero ngayon, hindi na kasi siya ganun, e. Ang henerasyon ngayon, hindi na.

“So, sana huwag muna. Pero sabi ko nga, kung gusto naman nila, hindi ko naman mapipigilan.

"Pero kung ako lang ang masusunod, baka naman puwedeng huwag muna, di ba?

“Kasi she’s only what, twenty-three. Itong December, magtu-twenty-four na siya, so mga dalawang taon pa siguro. Bata pa rin naman, di ba? Iyon lang, iyon lang naman yung sa akin.

“At saka, gusto ko sana stable na rin sila. Kasi kami dati, di ba, kahit hindi pa ganun ka-stable, sige! Ano nang ano, di ba?

“So, nagdaan na kami dun e, so ako advise ko lang—hindi lang kay Jennica, kundi sa lahat ng mga kabataan natin na nagpaplanong maagang magpakasal—career muna. Kumarir muna, mag-aral o mag-career,” payo pa ni Jean.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN