Martin Escudero deems role of an HIV-positive patient in TV5’s Positive a fulfilling experience

Martin Escudero on how his role as an HIV-positive patient has helped him improve himself as a person and an actor: “Sa paggawa ko ng Positive, mas nabuo ako, e. Hindi lang yung pagiging artista ko, sa pagkatao ko rin, e . Kasi naging parte rin yun ng pag-mature ko bilang artista’t tao kasi meron akong isang bagay na pinangatawanan na hindi biro.”


Lungkot ang nararamdaman ni Martin Escudero sa pagtatapos ng kanyang kauna-unahang pagbibida sa isang teleserye.

Ito ang first-ever HIV-themed drama series sa telebisyon na pinamagatang Positive ng TV5.

Bungad ng aktor, “Malungkot po kasi iba ang na-experience ko rito sa paggawa pa lang ng character ko, sa mga karakter namin, ang bigat, e.

“Kasi dito ko lang naranasan na ganito pala yun. Iba ang mga experience ko talaga rito.

"Like, yun nga, nagpunta pa kami sa event ng mga people with HIV.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa last taping day ng Positive noong Miyerkules, December 12, sa Churchill Mansions along Congressional Ave., Quezon City. Kasama niya sa set noon ang co-stars niya sa serye na sina Bing Loyzaga, Helga Kraft, at Ricardo Cepeda.

“Last day po namin pero ang alam ko aabot pa ang airing namin hanggang January next year,” sabi ni Martin.

Mari-reveal ba kung sino talaga ang nakahawa sa kanya?

“Ngayon lang, kakatapos lang naming gawin yung mga eksena. Mga last two na scenes po namin.

“Babae,” pambibitin ni Martin sa katauhan ng nanghawa sa kanya ng sakit na HIV."

Dahil sa kanyang papel, na-expose daw siya sa mundo ng mga tinaguriang People Living with HIV (PLHIVs). Itutuloy ba niya ang pakikiramay sa kanila kahit tapos na ang kanilang serye?

Tugon niya, “Siyempre hanggang sa pinaka-kaya, sa abot ng ating kakayanan, di ba?”



HIV ADVOCACY. May personal advocacy ba si Martin para sa kanila?

Aniya, “Ah, hindi ko masabing ako’y ano... ah, may speech akong ginawa noon sa ADB [Asian Development Bank], pero since, kumbaga, ako yung nag-speech doon parang nag-representative rito para sa show.

“Pero para raw sa kanila, isa na rin daw akong lumalaban din, tumutulong din sa kanilang adbokasiya.

“Siyempre, masaya yun, pinandigan ko na rin kasi yun naman din ang layunin naming sa show na ’to. Hindi lang gumawa ng entertainment na show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre para magturo rin, maging isang halimbawa ng tamang... ayun, isang larawan para sa kanila.

"Tinulungan din namin ang mga tao na, in a way na eto ‘yun. Ito yung totoo. Ganito ang dapat gawin, di ba?”



FIRSTS. Maraming "firsts" kay Martin ang paggawa niya ng Positive.

“First time kong naging bida.

"First time kong gumawa ng mga mature na eksena—yung mga love scenes, love scenes ko pero napakarami pala, ha-ha!” natatawa niyang banggit."

Isa raw sa mga maiinit na eksena niya sa serye ay yung eksena niya kasama si Rufa Mae Quinto sa bath tub.

Detalye niyang kuwento, “Yun na sa tingin ko ang pinakamatinding eksenang ginawa ko for this series.

"Yun kasi mas kita ang balat. Pero iba-iba lang na kategorya ng ano... mahuhusay at mabibigat din yung iba.

“Last week pinalabas yung eksena namin ni Gio Alvarez na napakagaling.

"Pero yung amin kasi sa drugs lang, yun diba parang sharing lang.

"May lusot noon... sa ibang week ipapalalalabas na hindi yun natuloy.

“May flashback na scenes. Kasi inisip ko noon na baka sa kanya ko nakuha yun [sakit].

"Bandang ending kasi noon tumawag siya, ‘O, akala ko ba walang nangyari sa atin?’

“’Eto yung pagbigay ko ng pera. Tapos sasabihin niya, parang may nangyari sa amin."


FULFILLING ROLE. Dahil sa teleserye, lumawak din daw ang pananaw ng aktor sa buhay. Ani niya, “Sa paggawa ko ng Positive, mas nabuo ako, e.

"Hindi lang yung pagiging artista ko, sa pagkatao ko rin, e .

"Kasi naging parte rin yun ng pag-mature ko bilang artista’t tao kasi meron akong isang bagay na pinangatawanan na hindi biro.

“Parang naging ano ako rito, e, guardian na hindi ko maintindihan na nagturo ako ng alam mo yun? Marami, e.

“Saka sa character din kasi napaka-mature noong character.

"So, kailangan kong i-digest lahat yun. Kailangang maging ako yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para sa akin malaking oportunidad ‘to sa akin, unang iba ko, di ba? Hinding-hindi ko ‘to malilimutan.”



PRAYING FOR MORE PROJECTS. Dasal ni Martin, sana raw ay magtuluy-tuloy na ang pagdating ng magagandang project sa kanya.

“Sana po, kasi ano naman e, ang TV5 naman ang nagbibigay sa akin ng show, e.

"Sa akin naman walang maliit o malaking role, e.

"Ang character lang po kasi depende na lang sa artista yun kung paano niya gagawin, di ba?” pahayag niya.

Magiging choosy na ba siya sa pagtanggap ng roles?

“Ah, kasi pagdating sa mga pelikula, ayun, talagang pinapipili namin yung, hindi naman pinakamaganda kundi yung pinakabagay para sa akin.

"Yung mabibigyan ko ng buhay.

“Pagdating naman po kasi dito sa TV5 sila yung nagbibigay, sila yung namimili para sa akin.

"Awa naman ng Diyos, magaganda.

"Alam din naman nila ang kakayanan ko bilang artista kaya ano naman nag-connect naman kami,” saad niya.



TRUE-TO-LIFE DEPICTION. Hanggang saan ang paglalarawan sa buhay ng isang PLHIV ang ipapakita nila sa pagtatapos ng Positive?

“Ano, e, kasi yung part na lumala ako sinabi na AIDS na ang stage ko. Parang ubu-ubo pa lang ang nangyari sa ’kin.

“So, hindi pa naman siya umabot sa HIV, nahimatay ako.

"Simula noon, nung sinabihan na ako na magpa-check-up, ayun nagpa-check-up.

“Tapos, dire-diretso na. Nalaman ko na. Tapos nag-prayer counseling na ako.

"Sinabihan na ako ng counselor ko na uminon na ako ng gamot. Kaya hindi siya lumala, naagapan.

“Ang ending, parang maintaining lang dahil sa gamot. So, may HIV pa rin.

"Ang ending buhay ako. Kasi meron naman, e, na hindi talaga namamatay.

“Kapag umiinom ka noong ARV, hindi na siya mamatay.

"Maintenance lang. Parang si Magic Johnson.

"Hangga’t healthy ka pero maselan na ang katawan mo. Nasa lifestyle mo na dapat healthy.

"Matutulog ka sa tamang oras. Yung gamut mo hindi mo kakalimutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang climax po ire-reveal kung sino ang nanghawa sa akin.

"Yun po talaga ang unang pinakagusto ni Carlo, e, yung malaman niya.

"At masabi niya sa mga taong naka-ano niya, naka-experience, niya na alamin din ang status niya rin.”



DARING SCENES. Bukod sa eksena nila ni Gio, ipapakita rin daw yung iba pang naka-sex scenes niya sa serye.

Kuwento ng aktor, “Opo, meron pang iba. Abangan nila. Pero yung with a gay, yun na po yung sa amin ni Gio.

"Kumbaga, parang nag-smack lang siya pero hindi natuloy. Kasi naka-drugs kami, smack lang po. Hindi tinuloy.”

Marami bang daring scenes si Martin sa serye?

Sagot niya, “Opo, pero ano lang, naka-brief. Eto yung sa amin ni Ms. Rufa.”

Lumusot ba ito sa MTRCB?

Patuloy niy, “Opo, kasi nakalublob naman kami, e.”

May bali-balitang nahawakan daw ni Rufa Mae ang private part niya. Totoo ba ito?

“Inalalayan ko naman. Ano naman siya, sumunod naman siya. Kumbaga, ako ang nag-alalay sa kanya,” paglinaw ni Martin.

Hindi naman lumitaw ang controversial boobs ni Rufa Mae sa eksena?

“Hindi naman kasi nakaalalay naman ako e,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN