Anne Curtis: "Bus drivers are some of the most misbehaved drivers on the road."

Kumitil ng 18 buhay ang pagkakahulog ng isang bus sa Skyway Southbound kaninang madaling araw, December 16. Dahil dito, nagpahayag ng dasal para sa mga yumaong pasahero si Anne Curtis at iba pang mga artista.


Nagpahayag ng pagkahabag si Anne Curtis sa nangyaring bus accident kaninang madaling-araw, December 16, sa may southbound lane ng Skyway, na kumitil ng 18 buhay.

Pinuna rin ng aktres ang pamamaraan ng pagmamaneho ng ilang bus drivers, na tinawag niyang “most misbehaved drivers on the road.”

Dahil dito, nanawagan ang singer-host-actress na sana magkaroon na ng bus line na pinapatakbo ng gobyerno.

Narito ang sunud-sunod na tweets ni Anne ngayong araw:

“Praying for all the lives lost on the bus accident this morning and the loved ones they left behind. Such sad news. :(

“I hope this is a wake up call to the government and MMDA. This isn’t the first time. Bus drivers are some of the most misbehaved drivers...

“...on the road. They are scary. Always after a quota they need to reach. The don’t stay in their lines and speed like crazy....

“Maybe it’s time we have government run & owned bus transportation. Just like any other country. Maybe it would bring more discipline?

Bukod kay Anne, may ilan pang celebrities ang nagpahayag ng kanilang kalungkutan sa nangyaring aksidente.



BUS OPERATIONS SUSPENDED. Ayon sa ulat ng ABS-CBN News online, sinuspindi na ang operasyon ng iba pang mga bus ng Don Mariano Transit Corporation.

Sa utos ng Land Transportation Regulatory and Franchising Board (LTFRB), isinailalim sa 30-day preventive suspension ang nalalabing 78 units ng Don Mariano Transit.

Ang isang unit nila na may plate number UVC 916 ang nasangkot sa malagim na disgrasya kaninang bandang alas-singko ng umaga sa Brgy. Marcelo Green, Parañaque City.

Dalawampung pasahero ng bus ang nasawi dahil sa aksidente.

Isang van ang nabagsakan ng bus sa ilalim ng Skyway, na kumitil naman sa buhay ng dalawang taong sakay nito.

Walong katao naman ang isinugod sa iba’t ibang ospital, kabilang na ang driver ng bus na si Carmelo Calascas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makakatanggap daw ang mga naiwang pamilya ng mga namatay sa aksidente ng halagang P75,000, at ang mga nasugatan naman ay makakatanggap ng P15,000 bawat isa.



OVERSPEEDING? Sa panayam ng DZMM, sinabi ng isa sa mga nakasaksi sa pangyayari, si Irene Sisperez, na nag-overtake sa kanya ang bus ng Don Mariano bago ito nahulog sa skyway.

Kuwento ni Sisperaz, "Nag-overtake sa akin ang Don Mariano bus.

"Nagkukuwentuhan kami ng anak ko. Sabi ko, ’Tingnan mo itong bus na ito, hindi marunong sumunod.’

"Ang speed ko 80 [kph], e, nag-overtake siya sa akin, so ang estimate ko, 100 to 110 kph [ang bilis niya].

"Ilang meters pa lang, nakita ko, biglang nahulog ang bus.

"Walang ibang sasakyan, ako lang talaga ang nasa likod niya, e."

Kasalukuyan na rin daw nire-review ng Skyway management ang footage ng nangyaring aksidente.

Ito na ang pangalawang pangyayaring may nahulog na bus sa Skyway.

Noong June 26, 2011, tatlo ang namatay nang mahulog naman ang bus ng Dimple Star Transport.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN