Nikki Gil on ex-boyfriend Billy Crawford: Yes to forgiveness, no to friendship

Wala raw ibang paraang nakikita si Nikki Gil para makapag-move on kundi ang magpatawad. Pero hindi raw ibig sabihin nito na porke’t napatawad na niya ang ex-boyfriend na si Billy Crawford, handa na ulit siyang makipagkaibigan sa singer-TV host. “A, no, it doesn’t follow... no,” sabi ni Nikki.


Masaya si Nikki Gil sa magandang feedback sa kanyang pagganap na kontrabida sa teleseryeng Maria Mercedes ng ABS-CBN.

Ayon sa marami, “very effective” ang kanyang atake sa role na Misty sa pinagbibidahang soap ni Jessy Mendiola.

Sabi ni Nikki tungkol dito, “Thank you.

"Alam niyo, yung word na ’very effective,’ ano ‘yan, e, diplomatic way of saying, ’Kairita ka talaga!’

“Well, I dunno...

"Siguro dun din sa mga tao na naiinis ako, whatever they’re doing na naiinis ako, gagawin ko din yung mga minor nuances.

"And I do a lot of homework, I do a lot of research, watched a lot of movies.

"Kung ano man yung kontrabida dun na tumatak sa akin, I will study that.”

Nakausap ng PEP at iba pang entertainment press si Nikki sa taping ng Maria Mercedes, sa Eastwood Police Station, Libis, Quezon City, noong Huwebes, December 12.



DESPERADA. Ang role ni Nikki bilang Misty Delaver sa Maria Mercedes ay magiging katunggali ni Mercedes (Jessy) at makikipag-agawan din upang makuha ang atensiyon ni Luis (Jake Cuenca).

May pagkadesperada ang karakter niya sa serye.

Pero paglilinaw ng 23-year old singer-actress, “Pero ako, hindi ako ganun [sa totoong buhay].

"I’m not gonna waste my time, so medyo effort in that regard.”

Bahagi rin ng kanyang karakter sa soap ang ma-reject.

In real life, na-reject na ba siya?

Tugon ni Nikki, “Hindi naman… in anything.

"Hindi lang, ay segue… hindi ako mahilig mag-audition, ganyan.

"If things are not meant to happen, I would be very accepting about it, hindi ko ipipilit. Ganun ako.”

Dito ay medyo umiwas si Nikki kaya bumalik ulit ang aming tanong sa kanyang karakter.

Ano pa kaya ang dapat abangan ng viewers sa show?

Sagot ni Nikki, “Medyo kung ano siya before… kung dark siya, darker pa.

"Medyo krung-krung siya before, krung-krung level 10, mas wi-weirdo pa siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I guess, to show what desperation and love can do to a person.

"The combination of rejection, love, desperation, what all those things can do to a person.”

“I BELIEVE IN GOOD KARMA.” Muli, natumbok din namin kay Nikki ang tanong kung paano siya nagko-cope pagkatapos ng hiwalayan nila ni Billy Crawford.

May lalim nitong tugon, “I believe in good karma.

"I believe in sowing and reaping.

"I believe that… I believe in getting what you deserve.

"And I believe that all of these adversities are there to make your story… the story of your life even more colorful.

"And the journey more exciting and more meaningful, I guess.

“So, kung anuman yung dumating sa buhay ko na pagsubok, I tackle it head-on, because I know that it will only make me a better person.

"And because of that adversity, I will be able to enjoy a much sweeter victory.”

Sa tingin ba niya, mas gumanda ang takbo ng career niya matapos ng hiwalayan nila ni Billy?

Diretsong sagot ni Nikki, “Yes, yes. I think so.

"I’ve never been this busy in my life.

"Nagkakasakit na kami’t lahat, wala akong… ito ang kapalit, bigay ng Panginoon.

“Actually, hindi rin naman... For some reason, ngayon lang talaga nagsisidatingan.

"Parang a door was opened, a big door was opened.

"And all of the blessings are being poured out—abundantly.”

Sa ngayon ba ay mga lalaking nagpaparamdam na sa kanyang nais siyang ligawan?

Nakangiting tugon ni Nikki, “Meron naman. Samu’t saring mga utaw [tao].

"Pero paramdam… pero, I mean, they’re just friendly…

"I guess, before, na-intimidate sila the fact na may boyfriend ako.

“Hindi naman sa nanliligaw or anything, they’re just being friendly.

"Hindi ako asyumera [assume]… Hindi ako mahilig mag-assume hangga’t sabihin mo sa mukha ko ang intensiyon mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I will conclude that it’s just friendship that you’re after, ganun ako."



PURITY RING. Noong kainitan ng relasyon nina Nikki at Billy, inanunsiyo nila noon ang tungkol sa purity ring.

Ito ay simbulo raw na wala pang "karanasan" si Nikki sa mga bagay na seksuwal.

Matapos ang halos limang taong relasyon, naghiwalay ang dalawa noong Hulyo 2013 sa hindi pa rin malamang dahilan.

Pero sa isang panayam kay Nikki noong Setyembre, sinabi nitong “differences in values” ang naging dahilan upang tuldukan nila ang kanilang relasyon.

Read: Nikki Gil on reason for breakup with Billy Crawford: “Differences in values, that’s really what it was.”

Pabiro naming usisa kay Nikki: Nasa’n na ang purity ring?

Medyo naasiwa, pero nagbiro din kalaunan si Nikki, sabay sabing, “Itey? [Ito?] Oy, huwag na nating halungkatin ‘yan!

"Oo, basta ‘yan na ‘yan. Andiyan siya.”

Mas masarap kayang kumilos na walang limitations?

Tugon ni Nikki, “Kasi ako naman, pag pumasok ako sa isang relationship, hindi ko naman tinitingnan yung mga bagay na yun na hassle naman.

"I look at it as, kumbaga, labor of love.

"Mahal mo yung tao, e, ito yung gagawin mo. Ito yung hindi mo gagawin.

"Hindi naman sa… I don’t see it as limitations exactly.

"Kasi kung ano man yun, limitasyon ko rin yun para sa sarili ko.

"Hindi naman ako papayag na diktahan ako ng kung sino."



BITTERNESS. Bago matapos ang panayam, inusisa rin ng PEP si Nikki kung may “bitterness” pa bang naiwan sa puso niya.

Saad niya, “I’m very passive now when it comes to these things and I’m very… ‘E, nangyari e.’

"I’m very ano, of course, siyempre andun pa rin yung, ‘It’s unfair! Bakit, bakit sa akin? Mabait naman akong tao. Wala naman akong inaapakan, wala naman akong sinasaktan.’

"May ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But at the end of the day, you think of sowing and reaping, of how you have become a good person, you have become…

"So, I have been a good person, I have been kind, I deserve kindness... may ganun.

“I’ve been loyal, I deserve loyalty. I’ve been honest, I deserve honesty. I’ve been generous, I deserve generosity... ganun.

"Yung to help me cope, I look forward, I look ahead.

"Kasi ano pang magagawa mo, tapos na.

"Aksaya lang ng panahon e. I wasted enough time and energy on it.”

Nakapagpatawad na ba siya?

Saad niya, “That’s the only way na makapag-move on tayo, pag nagpatawad, e.

"Kasi if you hold on to that, nakakapangit… nakakapangit ng ano… nakaka-chaka ang hinanakit.”

Kasunod kaya ng pagpapatawad na ito ang muli nilang pagkakaibigan ng ex-boyfriend?

“A, no, it doesn’t follow. No,” seryosong sagot ni Nikki.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN