Mayor Joseph Estrada refuses to comment on son Jake Ejercito’s on-off relationship with Andi Eigenmann

Kung mayroong kontrobersiyang dumarating sa anak na si Jake Ejercito ay hindi raw ito binibigyan ng payo ni Manila Mayor Joseph Estrada. Paliwanag ng dating Pangulo, “Hindi, he can handle it himself. He’s a very intelligent boy.”


Bagamat wala sa showbiz si Jake Ejercito, madalas pa rin itong nababanggit at napag-uusapan dahil sa pagkakaugnay niya sa Kapamilya actress na si Andi Eigenmann.

Si Jake ay isa sa dalawang anak ng dating Presidente at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Sa panayam ng Buzz Ng Bayan kay Erap sa isang event ay kinumusta sa kanya si Jake.

Tugon ng actor turned politician, “Concentrated siya sa pag-aaral niya. Graduating na siya sa college, sa London.”

Kapag naiintriga ang anak niya, binibigyan niya ba ito ng advice?

Sagot ni Erap, “Hindi, he can handle it himself. He’s a very intelligent boy.”

Bagamat nag-break na sina Jake at Andi ay madalas pa ring makitang magkasama ang dalawa. May balita pa ngang nagkabalikan na ang dalawa ngunit ayaw lang nilang aminin.

Bilang ama, boto ba si Erap kay Andi para sa anak?

“No comment, no comment,” nakangiting sagot ng dating Pangulo.

Pero nakilala na ba niya si Andi?

“One time, one time, oo.”

Ayaw pa ba niyang mag-asawa si Jake?

“Bahala siya, bahala siya. He’s old enough to decide for himself,” matipid na sagot ni Erap.

Matatandaang isang ulat ang nailathala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 31, 2012, kung saan nagpahaging ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose, na hindi umano boto ang mga magulang ni Jake kay Andi dahil sa pagiging dalagang ina nito.

(Read: Jaclyn Jose reveals Jake Ejercito’s famous parents are against Jake’s relationship with her daughter Andi Eigenmann)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN