The PEP List: Daniel Padilla on box-office performance of Pagpag: "Basta kung ano yung ibigay, masaya na.”

Para iboto si Daniel Padilla sa Male Teen Star of the Year ng PEPsters’ Choice, i-click ang www.pep.ph/pep-list.

Ang PEPsters’ Choice ay isang component ng The PEP List, kung saan nasa kamay ng mga online users ang pagkapanalo ng kani-kanilang mga paboritong artista at programa.


Kahit nalalapit na ang Pasko, walang tigil si Daniel Padilla sa pagtatrabaho.

Patuloy ang taping para sa primetime teleserye nila ni Kathryn Bernardo, ang Got To Believe.

Abala rin ito sa pagpo-promote ng Pagpag: Siyam na Buhay, na kabilang sa Metro Manila Film Festival.

Bukod pa rito ang mga endorsements at shows ng young actor, kaya naman hindi maikakailang isa siya sa most in-demand stars sa kasalukuyan.

Nominado rin si Daniel para sa 3rd quarter ng PEPsters’ Choice 2013, sa kategoryang Male Teen Star, na kanyang pinangunahan noong 1st and 2nd quarters.

Ang PEPsters’ Choice ay isang component ng The PEP List, kung saan nasa kamay ng mga online users ang pagkapanalo ng kani-kanilang mga paboritong artista at programa.


FIRST HORROR MOVIE. Sa usapin ng kanyang MMFF movie entry, kumusta naman ang kanyang karanasan sa pelikula?

“Sobrang pisikal nung horror. Talagang nakakapagod,” paglalarawan niya.

“’Tapos, kailangan effort yung emosyon, kailangan parating mataas.

“Hindi ka naman puwedeng manakot na wala kang pakialam, pero ’eto, mahirap yung horror dahil nakakapagod sa emosyon."

Pero bukod sa dire-diretsong pagtatrabaho, dagdag pressure din ba sa kanya ang kumita ang pelikula, lalo pa’t mabibigat ang mga makakalaban nito?

Nangingiting sagot si Daniel, “Thankful na lang ako na nakasama kami sa MMFF.

“Kung anuman yung ibigay ng Diyos para sa amin e, yun na ‘yon. Basta kung ano yung ibigay, masaya na.”

Ang iba pang mainstream movies na kasali sa MMFF ay ang mga sumusunod: 10,000 Hours; Pedro Calungsod: Batang Martir; Girl Boy Bakla Tomboy; Boy Golden: Shoot To Kill; Kaleidoscope World; Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel; at My Little Bossings.

At para sa mga fans niya, “Basta alam ko, ginawa naming lahat ng makakaya namin, nakita ko yung effort naming lahat.”

Para makita at maiboto ang mga nominado sa The PEP List, bumisita lamang sa www.pep.ph/pep-list.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN