Winwyn Marquez is in the dark about marital status of mom Alma Moreno

Ayon kay Winwyn Marquez, hindi nagpupunta ang kanyang ina na si Alma Moreno sa Marawi City, kung saan mayor ang asawa ng actress-politician na si Sultan Fahad “Pre” Salic.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin namamatay ang usap-usapang hiwalay na ang actress-politician na si Alma Moreno sa kanyang Muslim husband na si Marawi City Mayor Sultan Fahad “Pre” Salic.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang anak ni Alma na si Winwyn Marquez, pagkatapos ng live airing ng Sunday All Stars kahapon, December 15, ay inusisa namin siya tungkol dito.

Sabi niya, “Sa totoo lang, hindi ko na tinatanong yung mommy tungkol doon, e.

“Masaya na siya, e. Nakikita kong masaya na siya.

“Ayaw kong i-open up kung anong meron talaga.

“Pero ang sinasabi niya sa amin, paulit-ulit niyang sinasabi sa amin, na hindi sila hiwalay. Hindi raw sila hiwalay.

"Nag-uusap sila sa phone, pero hindi sila nagkikita.

“For me kasi, ayoko nang magtanong, e. Ayoko nang mangialam.

“Ang tinatanong ko lang… basta nandiyan kami sa mom ko.

“Masaya siyang kasama kami, lagi niya kaming nakikita. Yun lang.”

Pero kinumpirma ni Winwyn ang balitang hindi nagpupunta sa Marawi City ang kanyang ina.

“Hindi siya nagpupunta doon. Kami ang laging kasama niya dito.”

Hindi pa rin daw nakikita ni Winwyn si Mayor Salic.

“I haven’t seen him for the longest time... Honestly, I really don’t know.”



AFRAID TO KNOW. Sa kabila nito, aminado si Winwyn na nag-aalangan siyang kumustahin ang ina at alamin kung ano talaga ang sitwasyon nila ng kanyang asawa.

Paliwanag ni Winwyn, “Natatakot ako magtanong sa kanya, kasi it happened na before, e.

“Na-witness namin with my dad.

“Natatakot kaming alamin... yun na lang, sobra.

“Natatakot akong alamin kung ano ba talaga.

“Ipinapakita niya sa amin na she’s really strong.

“Nakangiti pa rin siya sa amin, masaya siya.

“And ayoko namang sirain yung moment na yun."

Dagdag pa ni Winwyn, “Siguro itatanong ko na lang sa kanya one of these days. Kasi Christmas, huwag muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kalimutan na muna niya kung ano yung nangyayari sa kanila— basta, masaya kaming pamilya.”

May napapansin ba siyang pagbabago sa mommy niya?

Ayon kay Winwyn, “Wala, wala. Busy lang talaga si Mommy sa work niya.

“Pero, you know what’s weird? Mas masaya siya ngayon.”

Baka may bagong nagpapatibok sa puso ng mommy niya?

“Oh, my god!” bulalas ni Winwyn.

“Sasabihin n’ya sa akin yun—pero, wala.

“E, itatanong ko na lang sa kanya yun.”



CHRISTMAS IN MANILA. Ngayong taon raw ay nabago ang plano nilang mag-celebrate ng Pasko sa Baguio City, kasama ang mommy niya at daddy niyang si Joey Marquez.

“Dito na lang sa Manila kasi may work ako—MMFF.

“After Christmas, rehearsal ako agad para naman sa countdown ng GMA.

“At saka, sasayaw rin ako sa awards night [ng MMFF].

“So, tuluy-tuloy, balik-work ako.

“So, lahat sila, dito.

“Nag-stay sila, kasi sabi ko hindi ako makakasama.

“Kaya pinili na lang nila na mag-stay dito.”

Wala raw New Year’s resolution si Winwyn, dahil mas nangingibabaw sa kanyang isipan ang magtrabaho nang husto sa 2014.



KAMBAL SIRENA. Nagpapasalamat nga si Winwyn dahil pagkatapos ng weekly series na Dormitoryo ay may kasunod na siyang proyekto sa GMA.

Ito ay ang early primetime series na Kambal Sirena, kung saan makakasama niya sina Louise delos Reyes at Aljur Abrenica.

Nangangahulugan itong magiging maganda ang pasok ng 2014 kay Winwyn, gaya ng inaasam niyang makapagtrabaho nang dire-diretso, kahit isa na namang kontrabida role ang napunta sa kanya.

Nagsasawa na ba siya dahil laging kontrabida ang ibinibigay sa kanyang role?

Sagot ng young actress, “Siguro, for me, nasanay na rin po ako.

“Three years ko sa GMA-7, laging yun ang ibinigay sa akin.

“Winu-workshop naman nila ako… Although, gusto ko pa rin na sana iba naman yung role.

“Pero pag kontrabida, iniisip mo na lang, nagagawa mo lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagagawa mong magsuot ng magagandang damit, maganda’ng location na pinupuntahan mo.

“Yun na lang ang iniisip ko, positive thinker naman ako.

“So, gagalingan ko na lang yung work na ibinibigay nila sa akin.”

FIRST MOVIE. Bukod sa panibagong teleserye niya sa GMA, mapapanood din si Winwyn sa pelikulang 10,000 Hours.

Ang Metro Manila Film Festival 2013 entry na ito, starring Robin Padilla, ang kauna-unahang niyang pelikula.

Sabi ni Winwyn tungkol sa 10,000 Hours, “Excited ako! First movie ko, tapos MMFF pa, tapos Robin Padilla pa, di ba?

“Anak ako ni Robin doon. Maganda yung story, drama-action, kaya na-excite ako.

“Kasi first time kong magpu-float… first time ko lahat. Kaya excited ako.”

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho kay Robin?

Sagot ni Winwyn, “Nakaka-starstruck siya!

“Hindi siya… Tinulungan niya lahat ng mga artista sa eksena.

“Kahit hindi ka niya… like ako, sino ba naman ako?

“Hindi naman ako sikat, pero tinutulungan niya ako.

“Nag-a-advice siya and very friendly.

“Sobrang saya ko na naka-work ko siya.”

May isa pa raw pelikulang ginawa si Winwyn.

“Kakatapos ko lang mag-shoot ng indie film para sa DOH [Department of Health], yung Flying Kiss… tungkol sa tuberculosis.

“Advocacy film siya. Ipalalabas siya sa mga communities, sa school. And then, eventually, sa mga sinehan.

“Pag-uusapan pa kung kailan.”



LIKE MOTHER, LIKE DAUGHTER? Ang ina ni Winwyn na si Alma Moreno ay sikat na sexy actress nong kapanahunan nito.

Magpapa-sexy rin ba siya gaya ng kanyang ina?

Sagot ni Winwyn, “Sinabi ko naman, never say never, di ba?

“Ngayon, hindi muna. Gusto kong sumali ng Binibining Pilipinas.

“Kung after nun, puwede naman.

“Oo, eventually naman siguro, ita-try ko rin, di ba? Hindi ko naman sinasabi na ayaw ko talaga.

“Pero, not now, hindi pa ngayon.

“May right timing diyan. Isa-isa pa muna.”

Ilan daw sa mga pelikulang ginawa ng kanyang ina, na gustung-gusto ni Winwyn, ay ang pelikula ni Ishmael Bernal para sa Regal Films na City After Dark (1980); at ang pelikula ni Emmanuel H. Borlaza para sa Sampaguita Pictures na Mrs. Eva Fonda, 16 (1976).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN