Sarah Geronimo renews contract with ABS-CBN without a second thought

Tipid pa rin ang mga sagot ni Sarah Geronimo tuwing natatanong tungkol sa rumored boyfriend niyang si Matteo Gudicelli. Pero kung mayroon mang isang katangiang gustong-gusto niya sa binata, ayon kay Sarah, ito ay: "Masarap kausap, maraming kuwento... ayun."


Muling pumirma ng two-year contract sa ABS-CBN ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo kahapon, December 16.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Sarah pagkatapos ng kanyang contract signing, sinabi niyang hindi siya nagdalawang-isip na pumirma muli sa Kapamilya network.

Saad niya, “ABS-CBN, kasi I’m always welcome dito at talagang well-loved [ako] talaga, and I appreciate it.

"Where else will I rather be?

"Automatic na ‘yan, kasi ang ABS-CBN ang nagtiwala talaga sa akin from the very start.

"Sila ang tumanggap sa akin, sumugal sa akin sa mga una kong shows—Sarah The Pop Princess, ASAP.

"Winelcome nila talaga ako with open arms.

"Hindi na pinag-iisipan pa.

"Masarap ang pakiramdam na, unang-una sa lahat, mutual yung decision na gusto nila ako na mag-remain sa network nila.

"Hindi talaga ako aalis dito."

Ano ang mga nakalinya niyang programa sa bagong kontrata?

Sabi ni Sarah, “For sure, The Voice Season 2.

"At saka yung ibang mga shows, nasa planning stage pa kung ano pa ang mga gagawin."

THE VOICE. Bilang isang mentor-judge sa The Voice of the Philippines, marami raw natutunan si Sarah sa show.

“Siyempre, masaya na gusto pa rin nila ako na maging isa sa mga judges natin.

"Another challenge na naman ‘yan, kasi talagang challenging talaga na maging coach-mentor sa The Voice.

"Sabi ko nga, there was a point na talagang [sinabi ko], di ko na ito gagawin uli, kasi sobrang hirap talaga.

"Pero sabi ko, ang dami kong natutuhan sa show na yun.

"Ang dami kong natutuhan from my co-mentors, like sila Ms. Lea [Salonga], si Sir Bamboo, si Apl.de.Ap... especially din sa mga finalists, sa mga contestants.

"Learning experience talaga ito sa akin.

"And sabi ko nga, di ko ito bibitawan hangga’t gusto nila ako na nandun sa show."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SOAP AND MOVIES. May nakalinya rin bang teleserye si Sarah, lalo’t matagal na siyang huling mapanood na umaarte sa isang soap opera?

Ang huling teleseryeng ginawa ng singer-actress ay ang 1DOL noong 2010 pa.

Saad ni Sarah, “Serye? Wala pa, di ko pa alam.

"Ang acting at paggawa ng serye, mahal ko ’yan.

"Pero kailangan kong ingatan ang boses ko, kasi pag gumagawa ka ng series, talagang puyatan, talagang acting talaga na gagamitin mo ang boses mo.

"Hindi mo naman puwedeng i-place ’yan, so ayun."

Pero pag-amin niya, “Dream ko na mag-MMK [Maalaala Mo Kaya] uli.”

Naging blockbuster ang trilogy movie nina Sarah at John Lloyd Cruz—A Very Special Love, You Changed My Life, at It Takes A Man And A Woman.

May balitang dahil sa hiling ng fans ng dalawa ay maaari raw masundan pa ito, kahit sinabi na ng Star Cinema na hanggang tatlong pelikula lang ang kuwento nina Laida at Miggy.

Ano ang masasabi ni Sarah dito?

"Bakit naman hindi kung gusto pa ng mga tao at ng ABS-CBN?"

Pero dagdag niya rin, "Wala pang ganun."

MATTEO GUIDICELLI. Siyempre pa, hindi maaaring palagpasin ang pagkakataong tanungin si Sarah tungkol sa rumored boyfriend niyang si Matteo Guidicelli.

May lumabas na balitang sinundan daw ni Matteo si Sarah sa Cebu nang mag-show ang Pop Princess doon noong nakaraang linggo.

Pero itinanggi ni Matteo na sinadya niya si Sarah doon. Pumunta raw siya sa Cebu sa ibang dahilan.

Sinegundahan naman ito ni Sarah.

Aniya, "Ay, hindi, nandun siya para sa family niya."

Kapansin-pansin din daw na nung solidarity concert ng ABS-CBN last week ay inalalayan ni Matteo si Sarah pababa ng stage nang mag-closing na ang special na ito ng Kapamilya network.

Sabi ni Sarah tungkol dito, “Nakakatuwa naman na may umaalalay sa iyo. Si Sir Martin [Nievera] pa’ng unang umalalay sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anu-ano ba ang mga katangian ni Matteo na nagustuhan niya?

Natatawang sagot ng 25-year-old singer-actress, "Ay, napipi ako!"

Pero dagdag niya, "Masarap kausap, maraming kuwento... ayun."

Kung anumang namamagitan sa kanila ni Matteo, nais ni Sarah na maging pribado na lang ito.

“Lahat naman tayo gusto natin private naman, di ba po? Sana, sana po,” sabi niya.

CHRISTMAS. Walong araw na lang at Pasko na, ano ang plano ni Sarah at ng kanyang pamilya?

Saad ni Sarah, "The usual na nasa bahay with my relatives and family. No out-of-town plans."

Anong regalo ang gusto niyang matanggap?

"Materyal? Wala naman...

"Siguro kung may magustuhan lang ako, pero wala."

Magiging mainit o malamig ba ang Pasko niya ngayong taon?

Sagot niya, “Hindi dapat laging mainit.

"Una sa lahat, mainit dahil blessed na blessed tayo.

"Ang daming pinagdaanan ng mga kababayan natin sa Tacloban, sa ibang parte pa ng Pilipinas.

"Wala talagang rason kung mayroon ka mang kakaunting hinihingi pa.

"Hindi dapat ’yan maging sagabal para sabihin mong ang lamig ng Pasko ko, malungkot ang Pasko ko.

"Thankful ka na lang talaga sa lahat ng blessings.”

Paano ilalarawan ng singer-actress ang kanyang 2013?

"Blessed na taon," sagot niya.

"Ang daming challenges, pero as always, parte naman yun.

"Masayang-masaya kasi mag-e-end ako ng taong ito na masaya.

"May mga pinagdaanan, pero ang importante, buo ang pamilya ko, buo ako."

Ano naman ang mga natutunan niya ngayong patapos na taon?

“Learnings, siyempre hindi naman natatapos ang mga learnings natin.

"Mga natutuhan sa The Voice, yung pagiging mentor ko dun, ang dami kong natutuhan.

"Yung pakikipag-socialize ko sa mga tao, pag-express ng thoughts mo, ng emotions mo.

"Importante na nakikinig ka rin sa opinyon ng ibang tao, pero importante din na nagiging totoo ka.

"Importante talaga na totoo ka sa sarili mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN