Jasmine Curtis says 2013 “has been a wonderful rollercoaster ride!”

Jasmine Curtis wishes in 2014 “to be as successful as this year.”


Wala nang mahihiling pa si Jasmine Curtis sa kanyang showbiz career ngayong 2013.

Masaya ang nakababatang kapatid ni Anne Curtis dahil unti-unti na rin siyang nakikilala sa industriyang kinalakihan na halos ng kanyang ate.

Simula nang maipakilala siya sa showbiz noong 2011, paulit-ulit nang sinasabi ni Jasmine na gusto niyang makilala siya bilang iba sa kanyang Ate Anne.

Ngayon taon na marahil nangyari ang pagkakataong ito dahil sa mga proyektong ginawa ni Jasmine sa telebisyon at pelikula.

Kabilang na rito ang Cinemalaya entry na Transit, na pinag-usapan dahil ito ang napiling opisyal na entry ng Pilipinas para sa Best Foreign Language category sa 86th Academy Awards sa susunod na taon.

Hindi man ito nakapasok sa shortlist ng Oscar awards, tumatak naman ito sa mga cineastes.

Read: Transit chosen as Philippine entry to the Oscars

Dagdag pa rito ang mga bagong shows niya sa TV5, tulad ng Undercover at Spin Nation; at ang mga natanggap niyang endorsements.

Tuloy, ganito inilarawan ni Jasmine ang kanyang 2013: “It has been a wonderful rollercoaster ride!”

Sa tingin ng Kapatid actress, “So, so far I think my career is going great.

“People have entrusted me with big things this year.

“It just shows na I’m really going upwards in my career.

“People are really seeing my potential even more.”

Bagamat malayo pa siya sa kasikatan ng kanyang ate, masaya si Jasmine: “It’s fulfilling how far I have gone this year.

“You know, it may not have been a giant leap, na ako na talaga ‘yong pinakamagaling na artista.

“But it’s a big step for me compared to sa kung saan ako nagsimula, of course a few years pa lang.”

Para sa 2014, wala namang tiyak na kahilingan si Jasmine.

Sa halip, sabi niya, “I am only expecting the best because I have nothing to lose.

“You just keep trying and trying.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Jasmine, “Ang wish ko lang naman is to be as successful as this year also.

“How people have accepted me into their brand or into their project, sana ganun ulit din next year.

“I’ve seen how passionate people are that I worked with, mas lalo rin akong nagiging passionate sa trabaho ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN