Wenn Deramas wants Vice Ganda to win MMFF Best Actor for his quadruple role in Girl, Boy, Bakla, Tomboy

Ayon kay Direk Wenn Deramas, mahirap ang ginawa ni Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival 2013 entry na Girl, Boy, Bakla, Tomboy dahil apat na karakter ang ginampanan niya rito at deserving na manalo ng acting award.


Kung ang direktor na si Wenn Deramas ang tatanungin, malaki ang laban ni Vice Ganda na mapanalunan ang Best Actor trophy sa Metro Manila Film Festival (MMFF) Awards Night ngayong taon.

Si Vice ang bida sa MMFF entry na Girl, Boy, Bakla, Tomboy na idinirek ni Wenn.

Sa pelikula, ginagampanan ni Vice ang apat na magkakapatid: babae, lalaki, bakla, at tomboy.

Sabi ni Direk Wenn, “Sinabi ko talaga, very open ako na malulungkot ako kapag hindi nakuha ni Vice ang best actor [trophy].

“Kung may gagawin kang pelikula, hindi ho madali yung umaarte ka, pero yung gumanap ka ng apat na gender, hindi po talaga madali ‘yon.”

Patuloy ng box-office director, “Napagtagumpayan kasi ni Vice, tapos nabalutan pa niya ng komedya.

“Hindi siya nawawala sa primary objective namin na mag-entertain.

“Sa akin, ganun talaga ako… dinadasal ko ho na manalo si Vice.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Wenn sa bloggers’ conference ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy sa Whistlestop restaurant sa ABS-CBN compound ngayong araw, December 17.



CONFIDENT TO BE TOP ONE. Noong MMFF 2012, ang pelikula ni Direk Wenn na Sisterakas—na pinangungunahan nina Vice, Kris Aquino, at Ai-Ai delas Alas—ang nanguna sa takilya.

Ito rin ngayon ang may hawak ng record bilang highest-grossing Filipino film.

Kumpiyansa si Direk Wenn na mangunguna rin sa takilya ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy sa MMFF ngayong taon.

Aniya, “With Sisterakas, alam mo [mangunguna ito kasi] tatlo agad yung pumoste.

“Dito, apat na Vice. Ngayon lang sila makakapanood ng ganito na iba’t iba ang gender…

“Phenomenal Box Office Star ang gagawa, hindi aktor.”

Ang "Phenomenal Box Office Star" ang titulong ipinagkaloob kay Vice ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation’s Box-Office Entertainment Award noong 2012.

Patuloy niya, “Kung nagustuhan nila yung Tanging Ina, yung Sisterakas—nandidito lahat yun, about family, about siblings, and yung comedy na maya’t maya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Walang dahilan para hindi mo uulit-ulitin,” sabi ng box-office director.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN