Alden Richards gladly takes challenge as Marian Rivera’s next leading man

Mas nakilala raw ni Alden Richards ang kapareha niyang si Marian Rivera sa workshop na ginawa nila. Saad ng young actor, "I got the chance to know her better, a deeper knowledge dun sa impression ko kay Marian. Ano siya, walang sikreto. Everything is an open book. Marian is an open book."

Dagdag ni Alden, “I’m not just saying this for some PR purposes, just for the soap, but I know because ako mismo yung naka-experience.”<


“Do I deserve this? Do I deserve to be paired with the Kapuso Primetime Queen?”

Ito raw ang mga katanungang pumasok sa isipan ni Alden Richards nang malaman niyang siya ang napili ng GMA Network na maging leading man ni Marian Rivera sa primetime series na Carmela: Ang Pinakamagandang Babae Sa Ibabaw Ng Lupa.

Patuloy ng young actor, “Parang ang dami-daming mas senior sa akin for the role na puwede.

“I don’t know… siguro it’s God’s will.

“So, I was very happy, blessed na nakuha ko yung role na ‘yon.

“I guess this is my chance to do a more mature role and more parang out-of-the-box role for me.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang piling entertainment editors si Alden sa pocket presscon na inihanda ng GMA Corporate Communications para sa kanila ni Marian kaninang tanghali, December 17, sa Mesa restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.

RIPE FOR STARDOM. Sa palagay ni Alden ay ang pagganap niya sa dating primetime soap na One True Love ang ginawang basehan ng Kapuso Network upang itambal siya kay Marian.

“Actually, Louise [delos Reyes] and I, that was our parang final exam... that would determine if we deserve a spot in the primetime slot.”

At sa pagkakapili kay Alden bilang bagong leading man ni Marian sa isang seryeng pang-primetime ay nangangahulugan lamang na umangat na ang estado ng 21-year-old actor sa bakuran ng Kapuso network.

Ano ang reaksiyon dito ni Alden?

“Siguro po, I’m not in the position to answer that… siguro, management.

“But given this opportunity, parang I can feel that GMA has been supporting me very well.

“They’ve given me a lot of projects, roles na marked on viewers.

“They gave me projects and soaps that rated well.

“So, I guess, parang that determined kung, ‘Tama na ba ‘to? Is this the right move for us to put Alden in this project with Marian?’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MARIAN RIVERA. Sa halos lahat ng proyekto ni Alden sa GMA ay si Louise delos Reyes ang palagi niyang katambal—Alakdana, One True Love, at Mundo Mo’y Akin.

Ngunit sa pagkakataong ito ay ang mismong Kapuso Primetime Queen na ang makakapareha niya.

Ano ang balak na gawing atake ni Alden sa kanyang role upang mapantayan ang acting ni Marian?

Sagot niya, “As an actor, you give and take.

"You give a certain action, your co-actor will give an equivalent reaction.

“Nag-workshop na po naman kami ni Marian together, under Laurice Guillen, so we saw our differences, we saw our similarities.

“So now, mas okay, kasi I got the chance to know her better, a deeper knowledge dun sa impression ko kay Marian.

“Ano siya, walang sikreto.

“Everything is an open book. Marian is an open book.

“Kaya lang, ang tingin sa kanya ng ibang hindi siya kilala, medyo suplada, medyo mahirap i-approach…

“I’m not just saying this for some PR purposes, just for the soap, but I know because ako mismo yung naka-experience.”

Pero aminado si Alden na na-intimidate siya noong una kay Marian.

WORK WHILE HAVING FUN. Tatlong taon pa lamang sa showbiz si Alden, kaya iisipin ng marami na naging mabilis ang pag-angat ng kanyang career.

Ngunit paglilinaw ng young actor, “Actually, when I review it, parang… in my mind lang, when I reflect on the things that happened, it was hard!

“It’s like going through a needle hole. Ganun siya kahirap.

“But the thing is, hindi ko naramdaman yung hardship because I’m having fun while doing this.

“And I love doing it and I enjoy doing it.

“Kasi, that’s the thing naman, e, parang when you love your job, it will love you in return.

“Yung hardship, pag inisip ko po pala siya, talagang mahirap po pala yung pinagdaanan ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



BAD BOY. Kung noon daw ay madalas sabihin ni Alden ang salitang “mature” sa mga nauna niyang roles sa teleserye, ito raw Carmela ang totoong “mature role” niya.

Kakaiba raw ang role na gagampanan ni Alden dahil kung noon ay pawang good boy, mahirap o underdog ang roles niya, ngayon ay isa raw siyang “rich kid and bad boy.”

“Now, magpapalit lahat ‘yon kasi the thing is, mayaman na si Yago.

“So, yung character, he is rich to begin with… naughty siya, mahilig siya sa chicks, he always gets what he wants.

“On a side note, mabait pa rin, gentle, matulungin sa mahirap.

“But as an actor siguro, mas bibigyan ko ng emphasis yung bad-boy image, kasi parang bago po.

“Kasi kung may side na gentle, mabait, dun mag-focus, walang difference sa mga nagawa ko.

“So, eto po, focused dun. Mas bibigyan ko ng kulay yung bad-boy image for this soap.”

Bukod sa pagwu-workout at pagdyi-gym, ang isa pa raw preparasyon na ginawa ni Alden para sa kanyang role ay ang pagda-drive ng big bike, gaya Yamaha 1700 Midnight Road Star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN