Iwa Moto on marrying Pampi Lacson: "Hindi kasal ang kulang, annulment ang kulang!"

" data-url="https://www.pep.ph/news/41670/iwa-moto-on-marrying-pampi-lacson-hindi-kasal-ang-kulang-annulment-ang-kulang-" data-desc="Iwa Moto: “Sana dumating na yung hinihintay namin ni Pampi para makapag-umpisa na kami ng bagong chapter ng buhay namin.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/182d5f312.jpg">

"Peace of mind and yung feeling na wala ka nang galit sa mundo. Lahat ng tao na nagkasala sa akin, okay na, masaya na ako dun," sabi ni Iwa Moto tungkol sa pagkakaayos nila ng aktres na si Jodi Sta. Maria.

Matapos maisilang ni Iwa Moto ang anak nila ni Pampi Lacson na si Eve, hindi naman daw nagmamadali ang dalawa na magpakasal.

Ang pangunahing dahilan ay parehong hindi pa annulled ang kasal ni Iwa sa mixed-martial-arts fighter na si Mickey Ablan, at ang kasal ni Pampi sa aktres na si Jodi Sta. Maria.

Natatawang sabi ni Iwa, “Hindi kasal ang kulang, annulment ang kulang!

"Both, kaya tapusin muna namin yung mga kailangang tapusin.

"Pag tapos na, e, why not?”

Sa ngayon daw ay umuusad naman ito, pero talagang matagal lamang.

Pag na-grant ang petition for annulment nila ay magpapakasal na sila?

“Hindi din… paano ko ba i-explain,” tila naguguluhan ding sabi ni Iwa.

Pagkatapos nito ay sinubukan niyang ipaliwanag ang kumplikado niyang sitwasyon.

Aniya, “Naging iresponsable ako nung bata ako, and nag-jump ako, na pumunta ako dun sa isang bagay na hindi ko pala kaya.

“Siguro ngayon, kikilatisin ko muna at saka…

"At the same time, kung sa akin, kung kasal lang, puwede naman, e.

"Gusto ko kasi na maayos muna lahat.

"And sa ngayon, masaya naman kami ni Pampi na ganito kami.

"E, di maging kuntento muna kami kung anong meron kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Iwa sa special screening ng pelikulang 10000 Hours kagabi, December 17, sa Cinema 1 ng Greenbelt 3, Makati City.

Ang 10000 Hours ay inspired ng buhay ni dating Senator Panfilo Lacson, ama ni Pampi, bagama’t inamin ng lead star nitong si Robin Padillana nahaluan na ito ng fiction.

JODI AND JANNA. Noong first week ng Disyembre, ibinalita ni Iwa ang tungkol sa pag-aayos nila ng estranged wife ni Pampi na si Jodi.

Read: Iwa Moto buries the hatchet with Jodi Sta. Maria: "Yung buhay namin, parang magkadugtong na."

Ano ang naging reaksiyon ni Pampi dito?

Tugon ni Iwa, “Masaya siya para sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ngayon, masasabing masaya na masaya na ako talaga, kasi natuto akong magpatawad.”

Maging si Thirdy, anak nina Jodi at Pampi, ay masaya raw ngayong maayos na ang relasyon nilang dalawa.

Kuwento ni Iwa, “Sabi ni Thirdy na, ‘Yey!’

"At least, kahit paano... nai-stress kasi.

"Dati stressed na stressed siya, e, na parang… Siyempre, he doesn’t know how to act with me and with his mom.

"Ngayon, mas okay siya, mas free will na siya… stress-free, yun.”

Ngayon ay sa text lang sila nag-uusap ni Jodi. Handa rin kaya si Iwa na magkaharap sila?

Sagot niya, “Uhm, sa ngayon, basta kung ano lang yung mangyayari, take it slow.

"Kung mangyayari, mangyayari."

Handa rin ba siyang makipag-ayos kay Janna Dominguez, ang kinakasama ngayon ng estranged husband ni Iwa na si Mickey Ablan?

Sagot ng 25-year-old actress, “Wala akong balita sa kanya, e.

"Yung past ko kasi, ibinaon ko na sa past... parang wala, e.

"Basta sinabi ko sa inyo noong nabuntis ako, nagkaroon ako ng baby, yung perspective ko sa buhay, nagbago.

“Tsaka may mga bagay… may mga unfinished business, pero matatapos din ’yan eventually.

"Sooner or later, matatapos din yan.”

BEST CHRISTMAS GIFT EVER. Masasabi ba ni Iwa na ang pagkakaroon niya ng baby at pagkakabati nila ni Jodi ang best Christmas gift na natanggap niya?

Sagot niya, “Siguro, oo.

"Peace of mind and yung feeling na wala ka nang galit sa mundo.

"Lahat ng tao na nagkasala sa akin, okay na, masaya na ako dun.”

Ito rin daw ang dahilan kung bakit naging positibo na ang pananaw niya sa buhay ngayon.

Aniya, “Oo, kasi feeling ko, tapos na yung madugong part, e, ng buhay ko.

"Ano na lang, e... sabi nga nila, kapag may unos na dumating sa ’yo, laging may araw at rainbow na dadating.

"Sa ngayon, puro happy thoughts lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa na lang daw ang hangad ni Iwa sa darating na bagong taon.

“Sana dumating na yung hinihintay namin ni Pampi para makapag-umpisa na kami ng bagong chapter ng buhay namin,” sabi niya.

" data-url="https://www.pep.ph/news/41670/iwa-moto-on-marrying-pampi-lacson-hindi-kasal-ang-kulang-annulment-ang-kulang-" data-desc="Iwa Moto: “Sana dumating na yung hinihintay namin ni Pampi para makapag-umpisa na kami ng bagong chapter ng buhay namin.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/182d5f312.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/41670/iwa-moto-on-marrying-pampi-lacson-hindi-kasal-ang-kulang-annulment-ang-kulang-" data-desc="Iwa Moto: “Sana dumating na yung hinihintay namin ni Pampi para makapag-umpisa na kami ng bagong chapter ng buhay namin.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/182d5f312.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/41670/iwa-moto-on-marrying-pampi-lacson-hindi-kasal-ang-kulang-annulment-ang-kulang-" data-desc="Iwa Moto: “Sana dumating na yung hinihintay namin ni Pampi para makapag-umpisa na kami ng bagong chapter ng buhay namin.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/182d5f312.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/41670/iwa-moto-on-marrying-pampi-lacson-hindi-kasal-ang-kulang-annulment-ang-kulang-" data-desc="Iwa Moto: “Sana dumating na yung hinihintay namin ni Pampi para makapag-umpisa na kami ng bagong chapter ng buhay namin.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/182d5f312.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/41670/iwa-moto-on-marrying-pampi-lacson-hindi-kasal-ang-kulang-annulment-ang-kulang-" data-desc="Iwa Moto: “Sana dumating na yung hinihintay namin ni Pampi para makapag-umpisa na kami ng bagong chapter ng buhay namin.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/182d5f312.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/41670/iwa-moto-on-marrying-pampi-lacson-hindi-kasal-ang-kulang-annulment-ang-kulang-" data-desc="Iwa Moto: “Sana dumating na yung hinihintay namin ni Pampi para makapag-umpisa na kami ng bagong chapter ng buhay namin.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/182d5f312.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/41670/iwa-moto-on-marrying-pampi-lacson-hindi-kasal-ang-kulang-annulment-ang-kulang-" data-desc="Iwa Moto: “Sana dumating na yung hinihintay namin ni Pampi para makapag-umpisa na kami ng bagong chapter ng buhay namin.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/182d5f312.jpg">

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN