Raymond Gutierrez describes international singer Justin Bieber as just like any "normal person"

Nang makapanayam ni Raymond Gutierrez ang Canadian superstar na si Justin Bieber, nakita raw niya na pinupukol man ng mga negatibong isyu ang binata, gusto raw talaga niyang makatulong sa mga Pilipinong nasalanta ng bagyo.


Exklusibong nakapanayam ng celebrity reporter na si Raymond Gutierrez ang pop singer na si Justin Bieber.

Dumating sa Pilipinas ang internationally known singer noong December 10, 2013, upang bisitahin ang mga biktima ng super-typhoon Yolanda sa Tacloban City, Leyte.

November 8, 2013, nang tumama ang tinatayang pinakamalakas na tropical cyclone na dumapo sa lupa sa kasaysayan ng buong mundo, at nagdulot ito ng napakalaking pinsala sa eastern Visayas.

Nagtapos ang Believe tour concert ni Justin sa Western Australia noong December 9, kaya laking gulat ng mga Pilipino nang lumabas ang ulat na dumating ang Canadian singer sa Ninoy Aquino International Airport, sakay ng isang private plane noong umaga ng December 10, Martes.

(Read: Justin Bieber arrives in the Philippines to visit Yolanda victims)

Ang one-on-one interview ni Raymond kay Justin ay inere sa Showbiz Police ng TV5 noong December 14, Sabado.

Ang TV5 ay isa sa mga local sponsors ng pagpunta ni Justin sa Pilipinas.


SEEING JUSTIN IN A DIFFERENT LIGHT. “I was surprised with Justin because I know that he was on a world tour," simulang paliwanag ng Kapatid TV host.

“He was wrapping up his world tour and releasing his new album, he’s shooting his music videos…” sabi pa ni Raymond sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nangyari ang panayam sa isang talk tungkol sa juicing at diet na sponsored ng Sexy Solutions by Belo at Sexy Diet, sa The Fort Pointe, sa Bonifacio Global City, December 18, Miyerkules.

Dugtong pa ni Raymond tungkol kay Justin, “The kid is one busy person, and for him to take time out of his busy schedule, deal with the jetlagging, the travel…

“Not only that, but actually visit the most-hit area, which is Tacloban.

"I mean, saludo ako sa kanya, and it really made me see him in a different light and how the media perceives him."

Maraming kinasangkutang kontrobersiya ang sikat na international singer ngayong taon, katulad na lamang ng concert niya sa Argentina noong November kung saan maraming Argentinian fans ang nagalit nang alisin ni Justin ang dalawang Argentinian flags sa stage gamit ang kanyang paa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging maingay din ngayong taon ang ulat tungkol sa pag “spank” niya sa isang stripper at pagbisita sa isang brothel o bahay aliwan.

“He’s been getting a lot of negative PR recently, and it’s easy to pick on him ‘cause he’s a kid, di ba?” ani Raymond.

“When you’re a kid and you have a lot of money, you tend to do crazy things.

“But you know, you forget to realize he wanted to do something for the Philippines.

“He raised $600,000 in three days and now the number is even increasing, so there is some good in there. Let’s not forget that.”

Ang tinutukoy ng host ay ang fundraising campaign ng singer sa pamamagitan ng prizeo.com, kung saan ang mga netizens na fans niya ay nakapag-donate sa Yolanda victims.

(Read: Justin Bieber launches fund drive for Yolanda victims; raises half of his $1M target in just two days)

Sa ngayon ay sarado na ang nasabing kampanya at nalampasan nito ang $1million target.

Umabot sa $1,164,027 (tinatayang P50 milyon) ang nalikom na donasyon.


JUSTIN WANTED TO HELP. Tinanong kay Raymond kung ano ang napagtanto niya tungkol kay Justin sa maiksing sandaling nakausap niya ang sikat na singer.

“I think the most realization I had was that he’s a normal person. I could tell that he was tired; he came from a flight…

“But at the same time, I knew he wanted to help out.

“I could tell he wanted to help out because he wouldn’t be there if he didn’t want to.

“If he didn’t want to be there, he could easily have told his manager, ‘I don’t wanna be here.’ But he is a normal person that has feelings.

“He was saddened about what happened [to the Philippines].

“He wanted to help out and he’s tired, but then, so yun, tao lang siya,” pagtatapos ni Raymond.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN