KC Concepcion does not mind Paulo Avelino having a son: "Sino ba naman ako para mag-judge na ganun?"

Isa raw sa mga gustong gawin ni KC Concepcion sa 2014 ay kumuha ng acting lessons. Sabi niya, “...gusto kong mag-take ng acting lessons for a few weeks. Siyempre, inspired ako dahil nanalo ako ng award. Naku, aktres na ako, mag-aaral pa ako!"


Dahil sa pagiging abala ni KC Concepcion sa trabaho, ang mga nanliligaw at nagpaparamdam daw sa kanya ang gumagawa ng paraan upang makita siya.

Sabi ni KC sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Kaya yun ang mga naa-appreciate ko talaga.

“Siyempre, ako, ang happiness ko na lang, manood lang ng DVD, matulog sa bahay, mag-breakfast in bed, makapagbasa ng libro, makapag-telebabad sa mga kaibigan ko... Happiness ko na yun.”

PAULO AVELINO. Ibig sabihin, gumagawa ng paraan ang nali-link sa kanya ngayong si Paulo Avelino para magkita sila?

Napangiti si KC at kaagad na iniba ang usapan, “In fairness, meron akong bagong Christmas tree na American pine tree.”

Si Paulo ang nagbigay kay KC ng Christmas tree.

Ayaw niya nang pag-usapan si Paulo?

Paliwanag ni KC, “Kasi nanggaling na ako sa sobrang naging showbiz couple... Na hangang-hanga talaga ako sa mga showbiz couple na nagagawa nilang mamuhay nang maayos na sini-share nila sa publiko ang buhay nila.

“Since wala pa naman ako doon, ayoko munang sirain kung ano ang puwedeng meron.”

Ibig sabihin, hindi niya ipagdadamot kung sakaling mayroon na siyang lovelife?

“Pag serious na talaga at naramdaman kong eto na talaga yun at wala na akong hinahangad na life ko, oo naman,” sabi niya.

Ano ang reaksiyon ni KC sa mga nagsasabing hindi raw sila bagay ni Paulo dahil may anak na ang aktor?

Tugon niya, “Siguro ganun po talaga. Lagi namang merong may gusto, merong ayaw.

"Ako siguro, doon sa anak, sa kanila na yun. That’s their private life.

"Saka kung pagdating doon, kahit hindi si Paulo, sino ba naman ako para mag-judge na ganun?

"Well, actually, ganun din naman ang pinanggalingan ko—ako yung anak.

“I mean, and I told my mom that, na ’Di ba, Ma, parang sino ba naman tayo para mag-judge, e, meron din namang tumanggap sa akin kahit hindi naman ako yung anak nila talaga, di ba?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, parang hindi ko nakita yung opinyon ng tao doon.”

Ang tinutukoy ni KC ay ang pagpapakasal muli ng kanyang ina kay dating Senator Francis "Kiko" Pangilinan sa kabila ng pagkakaroon na ng anak ng Megastar.

Si KC ay anak ni Sharon sa aktor na si Gabby Concepcion.

KC IN 2014. Ano ang plano niya sa 2014?

“Ang dami ko pong plano for next year...

"Gusto kong mag-aral, kahit paano, for how many weeks, mag-aral, kunwari mag-acting workshop para tuluy-tuloy.

"Siyempre, after ng award, baka mag-expect yung mga tao na... Tapos kung sinu-sino ang ipe-pair sa iyo. Ayokong mapahiya.

“Saka sana may project uli for me ang Dreamscape.

"Gusto ko ring i-renew ako ng ABS-CBN 2. Pero for sure, magre-renew ako sa Kapamilya.

“Apart from that, yun nga, gusto kong mag-take ng acting lessons for a few weeks.

"Siyempre, inspired ako dahil nanalo ako ng award.

"Naku, aktres na ako, mag-aaral pa ako!"

Nanalong Best Supporting Actress si KC sa 27th Star Awards for Television para sa kanyang pagganap sa Huwag Ka Lang Mawawala.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN