Manny Pacquiao discussed P2.2 billion tax case with President Noynoy Aquino, says source

Manny Pacquiao did not divulge any information to the local media about his talk with President Benigno Aquino III concerning his P2.2 billion tax problems with the Bureau of Internal Revenue. The boxing champ merely related that they enjoyed chatting about boxing, sumo wrestling, and shooting competitions.


Tumagal nang lampas isang oras ang pag-uusap sa pagitan ni President Benigno “Noynoy” Aquino III at Sarangani Representative Manny Pacquiao.

Ginanap ang long-expected courtesy call ni Manny kay PNoy sa Malacañang kahapon, December 18.

Ayon sa ulat ng 24 Oras kagabi, kinumpirma ng isang source ng GMA News na kasama sa napag-usapan ng dalawa ang P2.2 billion na buwis na sinisingil ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Pambansang Kamao.

Ngunit sa harap ng media ay parehong tikom ang bibig nina PNoy at Manny tungkol sa isyung ito.

Sa isang press briefing bago ginanap ang kanilang closed-door meeting, kapansin-pansing hindi ito binanggit ng Pangulo nang tanungin siya kung anu-ano ang mga pinag-usapan nila ni Manny.

Sabi lang ng Presidente, “Well, ako’y handang makinig sa kung anong gusto niyang pag-usapan.”

Matatandaang nauna nang ipinahayag ni PNoy na hindi niya maaaring basta na lang bigyan ng tax amnesty si Manny kaugnay ng tax case nito.

Paliwanag ni PNoy sa ulat ng GMA News Online noong December 4, “Amnesty as a proposal by me has to normally indicate a class of individuals or group.

“It doesn’t normally refer to an individual. And also, Congress has to approve.”

Kailangan ay aminin din umano ni Manny kung saka-sakaling nagkaroon nga siya ng pagkukulang sa pagbayad ng buwis.

“I think the lesson has to be, if you are guilty of a particular crime, we have to exhibit a degree of remorse.

"But at this point in time, he [Pacquiao] says he has complied with all the requirements.

"So, I think this is crossing the bridge that is too far away,” dagdag pa ni PNoy.


MANNY ON MEETING WITH PNOY. Ayon pa rin sa ulat ng GMA News Online, nakapanayam ng media si Manny pagkatapos ng closed-door meeting nila ni PNoy kahapon.

Kuwento ni Manny, “Nag-usap kami about yung boxing, kay Muhammad Ali, tapos yung sumo wrestling ba yun sa Japan. At saka nag-usap kami about yung shooting competition."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinaliwanag din ng Pambansang Kamao kung bakit natagalan ang pagbisita niya sa Malacañang upang mag-courtesy call kay PNoy, gayong halos isang buwan na ang nakalipas mula nang nanalo siya laban kay Mexican-American boxer Brandon Rios.

Sabi niya, “Naging busy po at saka pareho po kami naging busy ni Presidente.

“Busy siya sa pag-asikaso ng mga problema.

"Ako po busy dahil sa paghahanda sa pagpunta sa Tacloban, then paghahanda [sa] birthday ko rin.”

Liban dito ay hindi na nagbigay ng anumang pahayag si Manny tungkol sa kinahaharap niyang P2.2 billion tax case sa BIR.

Nito lang buwan ng Disyembre ay pumutok ang balitang hinahabol din umano ng U.S. Internal Revenue Service (IRS) si Manny, dahil sa hindi nito nabayarang buwis na nagkakahalaga raw ng mahigit $18 million.

Read: Manny Pacquiao allegedly owes IRS $18 million

Ngunit mariing pinabulaanan ng legal counsel ni Manny na si Atty. Tranquil Salvador na mayroong kinahaharap na kaso ang Pambansang Kamao sa IRS.

“We deny. We have no knowledge of the so-called IRS tax deficiency case.

“There is no such case," giit ni Atty. Salvador sa ipinadala niyang text message sa GMA News Online noong December 11.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN